Karahasan sa Paaralan

Cards (14)

  • Karahasan sa Paaralan
    Paaralan - isa sa mga institusyon na kung saan hinuhubog, hinahasa at nililinang ang iba’t ibang aspekto ng pagkatao ng isang indibidwal. Ito ay isang lugar na kung saan ituring ng mga mag-aaral ay ligtas at sagrado sapagkat ito ay daluyan ng karunungan at kaalaman. 
     
  • Ayon sa National Criminal Justice Reference Service ng Estados Unidos 

    Karahasan sa paaralan - anumang kilos na lumalabag sa misyon at bisyon ng edukasyon, sa paggalang sa kapuwa mag-aaral o anumang kilos na humahadlang sa layunin ng paaralan na maging ligtas sa pagdarahas ng tao, pag-aari, droga, armas, o kaguluhan.
  • Mga Uri ng Karahasan sa Paaralan 
    1.    Pambubulas o bullying 
    2.    Pag-aaway 
    3.    Labanan 
    4.    Pagdadala ng nakasasakit o nakamamatay na bagay 
    5.    Pang-aabusong seksuwal 
    6.    Pagsali sa gang 
  • Sanhi ng Karahasan sa Paaralan 
    1.    Nakaranas ng karahasan 
    2.    Kakulangan o kawalan ng pag-antabay ng mga magulang 
    3.    Pagsama sa mga barkada o kaibigang may masamang impluwensiya 
    4.    Pagsali sa mga bayolenteng grupo 
    5.    May pisikal na kaibahan 
  • Epekto ng Karahasan sa Paaralan
    1.    Nakapagdudulot ng trauma,  pagkabalisa at ang matindi ay kamatayan 
    2.    Nakawawala ng kompyansa sa sarili 
    3.    Nawawalan ng gana sa pagkain, pagkilos at maging sa buhay 
    4.    Dahil nakikita ng iba ang karahasan, maaaring maniwala na ito ay tama kaya gagayahin din ang paggawa ng karahasan 
    5.    Nadudungisan ang pangalan ng paaralan
  • Pambubulas o bullying - isa sa lumilitaw na nangunguna sa mga karahasan sa paaralan. Ito ay ang karaniwang pananakit sa tao, lalo na sa mga mag-aaral, maaaring pisikal o emosyonal.
     
  • Pambubulasbullying - sinasadya o malisyosong pananakit sa isang indibidwal. Nangyayari ito kapag tinitingnan ng isa na higit siyang malakas at makapangyarihan kaysa sa kaniyang kalaban. 
     
  • Pasalitang PambubulasVerbal Bullying ) -  tumutukoy ang pambubulas na ito sa pagsasalita o pagsusulat ng mga nakasasakit na salita.
  • Pisikal na Pambubulas ( Physical Bullying ) - pambubulas na tumutukoy sa pisikal na pananakit sa isang indibidwal.
  • Sosyal o Relasyonal na PambubulasSocial Bullying ) - uri ng pambubulas na ito ay may layuning sirain ang reputasyon at ipahiya ang isang tao. 
  • Cyber Bullying - ang pambubulas gamit ang teknolohiya. 
  • Binubulas
    1.    Kaibahang Pisikal (physically different)  
    2.    Kakaibang Estilo ng Pananamit (dresses up differently)  
    3.    Oryentasyong seksuwal (sexual orientation)  
    4.    Madaling mapikon (short-tempered)  
    5.    Balisa at di panatag sa sarili (anxious and insecure)  
    6.    Mababa ang tingin sa sarili (low self-esteem)  
    7.    Tahimik at lumalayo sa nakararami (quiet and withdrawn)  
    8.    Wala kang kakayahang ipagtanggol ang sarili (inability to defend oneself)
     
  • Paano nga ba maiiwasan at matutugunan ang mga karahasan sa paaralan:
    Isa sa napakahalagang dapat na taglayin at linangin ng bawat isa, lalo na ng mga mag-aaral, ang birtud ng pagmamahal. Ang pagmamahal ang isa sa maaaring maging pamamaraan upang madaling masolusyonan ang anumang karahasang nangyayari sa paligid lalo na sa paaralan 
     
  • Paano maiwasan:
    Pagmamahal sa Sarili
    Pagmamahal sa Kapuwa