AP5 Q4 WEEK5-6

Cards (42)

  • Ang pag-aalsa paggamit ng armas ay unang naging pagtugon ng mga Pilipino sa pagtrato sa kanila ng mga Espanyol
  • Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong 1521, ipinasiya ng ibang mga Pilipino na tapatan ng dahas ang hindi maayos na pagtrato sa kanila ng mga Espanyol
  • Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa kanilang paglulunsad ng rebelyon
  • Pag-aalsa ni Lakandula (1574)

    Hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila ni Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legazpi na malibre sa pagbabayad ng buwis at polo ang mga kaanak ni Lakandula, ang huling hari ng Maynila
  • Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo (1587-1588)

    Ninais ng mga datu-sa pangunguna nina Magat Salamat, Martin Pangan, Juan Banal, at Pedro Balingit- na mabawing muli ang kanilang kalayaan at karangalan
  • Pag-aalsa ng mga Igorot (1601)

    Pagtutol sa pagbibinyag sa mga Igorot ng Hilagang Luzon sa Kristiyanismo alinsunod sa utos ni Gobernador Heneral Francisco de Tello de Guzman
  • Pag-aalsa ni Bancao (1621)

    Pinamunuan ni Datu Bancao ng Cigara na lumaban sa Simbahang Katolika ng Leyte
  • Pag-aalsa ni Tamblot (1621-1622)

    Pagtutol ng mga Boholano sa Kristiyanismo sa pamumuno ng dating babaylan na si Tamblot. Isinagawa ito sa unang araw ng pista ni St. Francis Xavier
  • Pag-aalsa ng mga Itneg (1625-1627)
    Pinugutan ng ulo ang dalawang misyonerong Dominican at hinikayat ang mga Itneg na magnakaw, dumumi sa mga imahen ng santo, at sunugin ang mga lokal na simbahan bilang protesta sa sapilitang pagbibinyag sa kanila sa Kristiyanismo
  • Pag-aalsa ni Tapar sa Panay (1663)
    Pinangunahan ni Tapar ng Iloilo na naghahangad na magtayo ng bagong sangay ng Kristiyanismo sa bayan ng Oton kung saan ay kikilalanin siya bilang "Diyos na Makapangyarihan"
  • Pagaalsa ng mga Magtangaga ng Cagayan (1718)
    Pinigilan nila ang mga katutubo ng Tuguegarao na ipagpatuloy ang pagtangkilik sa Kristiyanismo at hinimok ang pagsasauli sa mga prayle ng ibinigay nilang rosaryo at iskapularyo
  • Pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol (1744-1829)

    Nagalit si Dagohoy, isang dating cabeza de barangay, dahil sa pagtutol ng kura na bigyan ng marangal na libing ang kanyang konstableng kapatid
  • Pag-aalsa ni Apolinario Dela Cruz sa Tayabas (1840-1841)

    Nagalit si Apolinario Dela Cruz o Hermano Pule dahil tinanggihan siyang maging pari at kilalanin ang kanyang samahang Confradia de San Jose
  • Pag-aalsa ni Magalat (1596)

    Kasama ang kanyang kapatid, tinutulan ni Magalat, isang rebelde mula Cagayan, ang di-makatuwirang paniningil ng buwis ng mga Espanyol
  • Pag-aalsa ni Ladia sa Malolos, Bulacan (1643)

    Kinumpiska ang kaniyang ari-arian ng mga Espanyol na nagtulak sa kanya na mag-alsa laban sa mga mananakop
  • Pag-aalsa ni Sumuroy (1649-1650)
    Pinamunuan ng Waray na si Agustin Sumuroy ang pag-aaklas laban sa polo y servicio sa Samar. Taliwas sa patakaran ng polo, ang mga Waray ay ipinadala sa mga pagawaan ng barko sa Cavite, malayo sa kanilang tirahan
  • Pag-aalsa ni Maniago (1660-1661)

    Pagtutol ng mga Kapampangan sa sapilitang paggawa sa mga galyon at sa hindi pagbabayad ng pamahalaan sa mga biniling palay mula sa mga magsasaka
  • Pag-aalsa ni Malong sa San Carlos, Pangasinan (1660-1661)

    Nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga Espanyol ng kaukulang sahod sa libo-libong katutubong nagtatrabaho sa pagawaan ng barko
  • Pag-aalsa ni Almazan sa San Nicolas, Laobag, Ilocos Norte (1661)
    Pinamunuan nina Don Pedro Almazan-isang mayamang pinuno ng Laoag na kinoronahan noong 1660 bilang Hari ng Ilocos- at Juan Magsanop-pinuno ng Bacarra, Bangu
  • Pag-aalsang Agraryo sa Katagalugan (1745-1746)

    Malawakang pag-aalsa ng mga magsasaka ng rehiyon ng Katagalugan, sa pangunguna ng mga lalawigan ng Batangas, Laguna, at Cavite dulot ng pangangamkam ng mga prayle sa kanilang lupa
  • Pag-aalsa ni Diego Silang at Gabriela Silang (1762-1763)

    Nag-alsa si Diego Silang dahil sa buwis at pagnanais na palayasin ang mga Espanyol. Pinatay ng kaniyang kaibigang si Miguel Vicos
  • Pag-aalsang Basi (1807)
    Pinamunuan ng isang Pedro Ambaristo sa kasalukuyang Piddig, Ilocos Norte
  • Gregoria de Jesus ay kilala sa bansag na "Lakambini ng Katipunan". Siya ay sumapi sa Katipunan bago pa man makasal kay Andres Bonifacio. Sa isang pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sektor na pambabae sa samahan
  • Si Josefa Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ay nahalal na pangulo at siya ang inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan ang Katipunan
  • Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo. Siya ang tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan. Pinamahalaan din ni Oriang ang pagpapakain at pagpapagamot sa mga kasapi ng Katipunan na nasugatan sa labanan
  • Bagaman marami ang kumampi sa mga dayuhan, may mga miyembro rin ng mga mayayamang angkan ang matapat na sumuporta sa layunin ng rebolusyon. Isa sa kanila si Gliceria Marella de Villavicencio ng Taal, Batangas
  • Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio Villavicencio sa gulang na 19. Dahil parehong nagmula sa mayamang angkan at mahusay sa pagnenegosyo, mas napalago nila ang kanilang mga ari-arian
  • Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula na si Gliceria at ang kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay nasa Hong kong, nakipagkita sa kanya si Eulalio at nagbigay ng Php 18,000.00
  • Nang bumalik, may dala na itong mga kopya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga ito ay kanilang ipinamigay
  • Tubong llo-llo si Patrocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa isang mayamang angkan ng mga illustrado, kabilang siya sa mga naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya
  • Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi nagtagal, sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan
  • Hindi siya agad pinagdudahan ng mga Espanyol dahil siya ay babae. Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross
  • Kilala si Melchora Aquino sa bansag na "Ina ng Katipunan". Sa edad na 84, hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak ang mga ito sa labanan
  • Dahil mayroon siyang palayan, naging mainam na kanlungan ng mga rebolusyonaryo ang kanyang lugar. Hindi rin siya naging maramot na magbigay ng palay o kalakal niya sa kanyang tindahan
  • Dito madalas niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa kaniyang pagtulong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sa kanila kaysa tumanggap ng libreng tulong
  • Teresa Magbanua
    Tinaguriang "Unang Magdirigma sa Panay" at mas kilala bilang "Joan of Arc ng Visayas". Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa
  • Naunang sumapi sa Katipuan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawang may mataas na katungkulan sa Katipunan. Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan
  • Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na 'Nay Isa'
  • Maraming labanan ang kanilang naipanalo. Sa kabila ng gutom at kakulangan sa armas, unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng Panay hanggang masakop ng mga puwersang rebolusyonaryo ang buong isla
  • Nakuha niya ang mga armas laban sa mga Espanyol, pinangunahan ang mga tropa at nanalo ng ilang mga labanan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Martin Delgado. Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga Amerikano. Ang kaniyang kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa nagtanggol sa Jaro