Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal
Rizal o mas kinilala bilang "Pepe"
Hunyo 19, 1861 ang kapanganakan ni Rizal
Calamba, Laguna ang lugar kung saan ipinanganak si Dr. Jose Rizal
Disyembre 30, 1896 ang petsa ng kamatayan ni Rizal
Bagumbayan ang lugar kung saan namatay si Rizal
Don Francisco Mercado Rizal ang pangalan ng ama ni Rizal
Doña Teodora Alonzo y Quintos Realonda ang pangalan ng ina ni Rizal
mga kapatid ni rizal: Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Soledad, Soledad
Segunda Katigbak unang nagpatibok sa puso ng bayani
Leonor Rivera (naging kasintahan ni Rizal mula 1880-1891)
Leonor Rivera was the childhood sweetheart, and “lover by correspondence” of Philippine national hero José Rizal.
O-Sei San (isang Haponesa, naging malapit sa puso ng bayani)
Nelli Bousted (Mula sa France, hindi sila nagkatuluyan dahil sa relihiyon at pagtutol ng ina ng dalaga)
Josephine Bracken (Mestisang Ingles at Irish, naging kataling-puso ni Rizal)
Elementarya: Biñan, Laguna kung saan nag-aral si Rizal
Sekondarya: Ateneo de Manila kung san nag-aral si Rizal
Kolehiyo : Ateneo Municipal de Manila kung saan nag-aral si Rizalkurso: Bachiller en Artes / Agham ng Pagsasaka na kinuha ni Rizal sa eskwelahan na ito
Pamantasan ng Sto. Tomas, Universidad Central de Madrid
Marselles, Singapore - dito niya nakita ang Chateau d 'if, ang bilangguan ng pangunahing tauhan sa binasa niyang nobela Conde de Monte Cristo noong nag-aaral pa sa Ateneo.
Sri Lanka (Ceylon noon) - Point de Galle ang binisitang lugar.
Africa, Aden, Port Said, Naplesnadaanang mga lugar patungong Barcelona kung saan naisulat ang isang tula at sanaysay na nalathala sa Diaryong Tagalog:binigyan siya rito ng salu-salo ng mga Pilipino na ang iba'y naging kamag-aral sa Ateneo.
Madrid - Dito siya nag-aral at nakatapos ng Medisina.
Heidelberg - Napalawak niya pang higit ang karanasan bilang manggagamot, kung saan siya dumalo ng mga seminar/panayam.
Berlin Dito niya napalawak ang kaalaman sa optalmohiya at nakasalamuha ang mga iskolar at siyentipikong Aleman; higit na ang kaalaman sa agham at wika dito niya tinapos ang pagsulat sa nobelang Noli Me Tangere.
Hongkong at Macau - Napuna niyang may mga taong itinalaga ang pamahalaang Kastila upang siya'y manmanan.
Yokohama, Japan Pinatuloy siya sa tirahang opisyal ng legasyon matapos anyayahan ng kalihim ng Legasyong Espanya: pinaunlakan niya ang anyaya dahil wala naman siyang itinatagong lihim o anumang laban sa Pamahalaang Kastila
America (San Francisco, Oakland at New York) - Nakita niya rito ang prinsipyo ng demokrasya, gayunpaman, may matinding hidwaan sa pagitan ng lahing puti at itim.
London - Nanatili nang matagal sapagkat ligtas makapagpatuloy siya sa kanyang mga adhikain sa lupang sinilangan; pinag-aralan ang wikang Ingles at napag-aralan ang aklat ni Morga ukol sa kalagayan ng Pilipinas
Brussels dito niya ibinuhos ang panahon sa pagsusulat ng nobelang El Filibusterismo at artikulo para sa La Solidaridad at mga liham sa kaibigan.
Briarrity, France Nakilala at naging kasintahan niya si Nellie Bousted ngunit tinutulan siya ng ina dalaga sapagkat ayaw ni Rizal maging Protestante kaya hindi sila nagkatuluyan.