Thea

Cards (23)

  • Paggamit ng burador
    1. Markahan o sulatan kung mayroon pang nakaligaan o kulang na datos
    2. Lagyan ng komento kung may kailangan pang linawin sa pagsusuri
    3. Bigyan ng puna kung kailangan ng ibang pamamaraan o dulog ng interpretasyon ang datos
    4. Magabayan sa pagbuo ng orihinal na ideya kung nauulit lamang ang pag-aaral
  • Bahagi ng burador
    • Introduksyon
    • Katawan
    • Konklusyon
    • Sanggunian
  • Introduksyon
    Binubuo ng kaligiran ng paksa, layunin ng paksa, gamit ng paksa, konseptuwal na balangkas o balangkas teoretikal, saklaw at delimitasyon, at depinisyon ng mga terminolohiya.
  • Katawan
    Naglalaman ng kaugnay na literatura, disenyo at metodo ng pananaliksik, at presentasyon at interpretasyon ng datos.
  • Konklusyon
    Lagumin ang impormasyon o nasuring datos, at talakayin kung nakamit ang layunin ng pananaliksik at kung paano ito aktuwal na nakamit.
  • Sanggunian
    Naglalaman ng listahan ng mga pinagkuhanan ng datos, partikular na ang mga nailimbag na teksto, nabasang website, napanuod na programa o pelikula, napakinggang audio clip, at iba pang materyales na pinaghanguan ng impormasyon.
  • Pagsulat, Pagwawasto, at Rebisyon ng Burador
    1. Magpahinga muna bago balikan ang burador para sa rebisyon
    2. Yugto ng rebisyon: Pagrebisa ng nilalaman at Pagrebisa ng pagkakasulat
  • Silid-aklatan
    Lugar o espasyo kung saan nakaayos ang mga iba't ibang uri ng mga nalikom na libro
  • Aklatan
    • Lugar para sa mga pagkakataon, sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa impormasyon at mga kasanayan
    • Nakaorganisa ang iba't ibang sanggunian na nahahati sa iba't ibang dibisyon
  • Internet
    Globally connected network system na nagpapadali sa pandaigdigang komunikasyon at access sa data resources sa pamamagitan ng malawak na koleksyon ng pribado, pampubliko, at akademiko
  • Madaling makahanap ng datos sa internet ngunit hindi lahat ay reliable
  • Panayam
    • Mabilis at mabisang paraan ng pagkuha o pagkalap ng mga impormasyon na maaaring gamitin sa iba't ibang kadahilanan
    • Paraan ng pakikipagtalastasan na may layunin na hangad na matupad ito sa pamamagitan ng wastong kasagutan mula sa dalawa o higit pang taong nag-uusap
  • Uri ng panayam
    • Structured interview
    • Unstructured interview
    • Semi-structured interview
  • Structured interview
    • Uri ng panayam na kung saan halos eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey
    • Nilalayon nito na gawing mas malinaw sa tagasagot ang mga tanong na may kalabuan sa kaniya
  • Semi-structured interview
    • Taglay nito ang parehong katangian na mayroon ang structured at unstructured interview
    • Nakabalangkas na ang tanong at may kalayaan ang mananaliksik na magtanong batay sa sagot ng kinakapanayam lalo na kung nangangailangan pa ng pagpapalalim at pagpapalawak
  • Obserbasyon
    • Isang paraan ng pangangalap ng datos sa pamamagitan ng paningin, pandinig, panlasa, pandam at pang-amoy
    • Pinakadirektang paraan at pinakamalawak na ginagamit sa pag-aaral ng pagkilos
  • Uri ng obserbasyon
    • Natural na obserbasyon
    • Personal na obserbasyon
    • Obhektibong obserbasyon
  • Natural na obserbasyon
    Pagmamasid ng mga natural na pag-uugali ng paksa ng obserbasyon sa isang normal na sitwasyon
  • Personal na obserbasyon
    May kinalaman sa damdamin at opinyon ng tagamasid batay sa kanyang sariling danas kaugnay ng isinasagawang pananaliksik
  • Obhektibong obserbasyon
    Obserbasyon na hango sa mga materyal at lantad na ebidensyang nakita
  • Paraan ng obserbasyon
    • Direktang partisipasyon
    • Walang partisipasyon
  • Direktang partisipasyon
    Nakikita siya ng taong inoobserbahan
  • Sarbey o talatanungan

    • Isang listahan ng mga tanong o aytem na ginagamit sa pangangalap ng datos mula sa mga respondente tungkol sa kanilang mga saloobin, karanasan, o opinyon
    • Maaaring gamitin ang mga talatanungan upang mangolekta ng dami at/o kwalitatibong impormasyon