Hindi nagtungo si Simoun sa teatro at si Basilio ay hindi rin nagtungo dahil abala siyang alagaan si Kapitan Tiago na malubha na ang kalagayan.
Matindi ang dinaranas dito ng binata sapagkat kapag mainit ang ulo nito ay sinasaktan siya. Ngunit hindi ito inaalintana ni Basilio dahil tumatanaw siya ng utang na loob kay Kapitan Tiago.
Bumisita si Simoun kay Kapitan Tiago at kasabay rin nito ay may utos siyang nais ipagawa kay Basilio. At yun ay pamunuan ni Basilio ang hukbo ng mga sasalakay sa SantaClara.
Ikinagulat ni Basilio ang utos na ito sapagkat alam niyang pumanaw na ang dalaga, bagay na hindi alam ni Simoun. Kaya’t iginiit niyang patay na ang dalaga.
Hindi agad naniwala si Simoun dito ngunit nang makita niya ang liham ni Padre Salvi kay KapitangTiago na ipinadala kay Padre Irene.
Naiwan ang awang-awang si Basilio sa sinapit ng pagmamahalan nina Simoun at Maria Clara.
Nilisan ni Simoun ang bahay ni Kapitan Tiago na punong-puno ng galit at pagkadismaya sa sarili dahil ang lahat ng kaniyang binuong plano para sa bayan at sa minamahal ay gumuhong parang isang gusali