Nagkaroon ng pagkakataon si Isagani na makipag kita kay Paulita Gomez. Kaya’t kahit puno siya ng pangambang baka hindi maging maayos ang kanilang pag-iibigan ay ginawa parin niya lahat ng kaniyangmakakaya.
Masayang nakipag-usap si Isagani kay Paulita Gomez hanggang sa mapagusapan ang kanilang pangarap na kinabukasan
Para kay Isagani, gusto niyang manirahan sa kanilang lugar nga lamang ito’y malayo at ang dadaanan ay hindi kaaya-aya dahil sa mga linta. Ang bahagi namang ito ang hindi nagustuhan ni Paulita sapagkat siya ay laki sa layaw.
Dulot nito, sinambit ni Paulita na tutungo lamang siya rito kung smayroon ng daang bakal bilang transportasyon. Na agad namang sinigundahan ni Isagani na plano na ito ng mga kalalakihan sa Espanya.
Mula dito’y ipinahiwatig ni Isagani ang kaniyang mga pangarap maging sa inangbayan: Ang ipaglaban ito hanggang sa kaniyang kamatayan.