KABANATA 11-20

Cards (64)

  • Ano ang tinaya ni Simoun nung naglaro na siya sa tresilyo?
    Ang kanyang mga alahas
  • Ano naman ang gustong itaya ni Simoun kung itataya niya ang kanyang alahas?
    Magpapakasama ng loob ng limang araw
  • Ano ang hiniling ni Simoun kapag siya ay natalo sa tresilyo?
    Karapatan na ipakulong ang isang tao
  • Ano-ano ang mga pinag-usapan ng grupo habang sila’y naglalaro?
    1. Ang pagbabawal ng armas de salon
    2. Pagpapatayo ng akademya na pinamumunuan ng mga kabataan
  • Ano ang dahilan ni Don Custodio sa kanyang inimungkahi na pagpapatayo ng paaralan sa sabungan?
    Walang gumagamit dito
  • Ano ang reaksyon ng Kapitan Heneral at ng mga prayle sa iminungkahi ni Don Custodio?
    Tutol sila dito
  • Ano ang dahilan ng kanilang reaksyon (kabanata 11)?
    Mawawala ang mga karapatan nila at hindi dapat nag-aaral ang mga Indio
  • Bakit masama ang loob ni Placido Penitente nung siya’y pumasok sa unibersidad?
    Gusto na niya itigil ang kanyang pag-aaral
  • Sino ang nakasalubong ni Placido sa tulay nung siya’y papasok ng unibersidad?
    Juanito Pelaez
  • Ano ang hinihingi ni Juanito Pelaez kay Placido noong sila’y nag-uusap sa tulay?
    Abuloy para sa pagtatayo ng monumento ng isang Dominiko
  • Bakit ipinatigil si Placido ng isang kaklase niya?

    Upang lagdaan ang petisyon na itigil ang pagpapatayo ng akademya
  • Sino ang umano’y namumuno sa pagpapatayo ng akademya?
    Makaraig
  • Bakit hindi nilagdaan ni Placido ang dokumento ng kaklase?

    Dahil wala na itong oras at nahuli na siya sa kanyang klase
  • Ano ang pagbanta ng kanyang guro noong nakapasok ng tahimik si Placido sa silid-aralan?
    “Bastos! Magbabayad ka sa akin.”
  • Sino ang pari na nagtuturo ng walang labis at walang kulang?
    Padre Millon
  • Ano ang asignaturang itinuturo?
    Pisika
  • Tungkol saan ang kanilang talakayin?
    Tungkol sa salamin
  • Ano ang ginawa ni Juanito na nagdulot sa malakas na sigaw ni Placido?

    Inaapakan ni Juanito si Placido
  • Sino ang unang tinawag ng propesor upang sagutin ang tanong?
    Juanito Pelaez
  • Ano ang ginawa ng propesor noong hindi nakasagot si Placido sa kanyang tanong?

    Nilagyan ng tanda
  • Ano ang ginawa ni Placido na nagpagulat sa klase at sa propesor?
    Itinapon ang kanyang aklat at lumabas ng silid-aralan ng walang paggalang.
  • Sino-sino ang mga nagpulong sa bahay ni Makaraig tungkol sa akademya na ipapatayo?
    1. Isagani
    2. Sandoval
    3. Pecson
    4. Juanito
  • Tungkol saan ang pagpupulong na nangyari sa bahay ni Makaraig?
    Akademya na ipapatayo ng mga estudyante
  • Sino-sino ang mga naniwala na maaaprubahan ang kanilang plano na magpatayo ng akademya?
    -Isagani
    -Sandoval
  • Sino naman ang hindi sumang-ayon dito (kabanata 14)?
    Pecson
  • Ano ang magandang balita na ibinahagi ni Makaraig?
    Ipinagtanggol ni Padre Irene ang tungkol sa pagpapatayo ng akademya kay Kapitan Heneral na sumasalungat dito.
  • Ano naman ang ibinahagi na balita tungkol kay Don Custodio?
    Tutol siya sa plano at kailangan nila ito ikombinse na suportahan ang plano
  • Sino-sino ang kailangan nilang kausapin upang makumbinse si Don Custodio?
    -Ginoong Pasta
    -Pepay
  • Sino ang kumausap kay G. Pasta?
    Isagani
  • Bakit tumanggi ang ginoo na maaprubahan ang plano?
    Mas nakabubuti na hindi siya makialam dahil sa sensitibo nitong kalikasan
  • Sino sa tingin ni G. Pasta ang dapat mamahala sa usaping ito?
    Ang gobyerno
  • Ano ang hiniling ni Isagani kay G. Pasta?
    Makombinse si Don Custodio na pumayag sa pagpapatayo ng akademya
  • Sino ang nagimbita ng mga negosyante, pari, sundalo, at mga kawani sa kanyang bahay?
    Si Quiroga
  • Mula sa tanong 1, bakit niya inimbita ang mga ito?
    Gusto niya mging opisyal na kinatawan o konsul ng Tsina sa Pilipinas
  • Magkano ang siningil ni Simoun kay Quiroga na utang?
    Siyam na libong piso (9000 PhP)
  • Ano ang dahilan ng intsik kung bakit hindi pa niya mababayaran ang utang?
    Nalulugi na siya
  • Magkano ang binawasan ni Simoun sa kanyang utang?
    PhP 7000
  • Ano ang kondisyon ni Simoun sa pagbaba niya ng utang ni Quiroga?
    Itatago ang mga armas na darating sa gabi sa kanyang bodega
  • Ano ang pinag-uusapan ng grupo ng mga prayle?
    Ulong nagsasalita sa perya sa Quiapo
  • Sino ang paring kinikindatan ang mga babae sa kanyang harapan?
    Padre Camorra