Nakarating kay Huli ang balitang nakulong ang kaniyang kasintahan na si Basilio kasama ng mga mag-aaral ng unibersidad. Na naging dahilan upang siya’y mawalan ng malay
May nagpayo kay Huli na siya’y lumapit kay Padre Camorra na siya namang nagdala ng pangingilabot kay Huli dahil alam niyang may kapalit ito sapagkat matagal ng gustong humingi ng pari ng kaniyang kapurihan bilang isang dalaga.
Nang bumalik sa ulirat, umisip si Huli ng paraan upang matulungan ang kasinatahan na makalaya sa pagkaka-piit. Subalit kahit mag-ambagan ang mga kapamilya ni Basilio sa nayon ay hindi ito sapat para siya’y makalaya.
Marapat na sinamahan ni HermanaBali si Huli patungo sa Mahistrado, ngunit ang payo nito’y lumapit kay Padre Camorra, ngunit malinaw ang pagpapasiya ni Huli na hindi siya lalapit sa pari.
Agaran namang kinonsensya ni Hermana Bali si Huli dahil hindi raw ito marunong magtiis sapagkat wala siyang ginagawa upang iligtas ang kasintahan mula sa pagkakapiit.
Umuwi si Huli ngunit hanggang sa panaginip ay dinadalaw siya ng mga tangis ni Basilio na “Huli, Huli tulungan mo ako.” Kaya’t kinaumagahan ay nagtungo si Huli sa kumbento. Pero sadyang hindi kaya ng kalamnan niya kaya’t muntik nas siyang umatras ngunit napilit pa ni HermanaBali.
Kinahapunan kumalat ang balita na tumalon si Huli sa bintana ng kumbento at namatay. Samantalang si Hermana Bali ay nawala sa tamang pag-iisip. Si Tata Selo naman ay nilisan ang Tiyani at nagtungo sa gubat.