Kumalat sa diyaryo ang mga balita ukol sa pagtatanghal at ilang pangyayari ngunit wala ni isa dito ang nahayag ukol sa katiwalian ng mga Espanyol.
Iginiit ng Kapitan Heneral na si Basilio ang iwanan sa piitan sapagkat ito’y edukado at upang hindi siya makiisa sa pag-uugit sa bansa.
Dito’y mas lalong hindi nagustuhan ng mataasnakawani. Tuloy nito’y binitawan niya ang katagang “ang tinalagang tanggapan sa akin ay may layuning magbigay ng katarungan at karingalan kaya’t di ko matatanggap na ako’y pipiringan at bubusalan.
Makaraan ang dalawang oras, bumaba sa posiyon ang mataas na kawani at bumalik na sa Espanya sakay ng barko.