1. Masuri ang kaangkupan sa iba't ibang konteksto gamit ang wikang Filipino sa pamamagitan ng video, telebisyon, radyo o sa iba't ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino
2. Maibigay ang pagkakaiba ng bawat pakikipagkomunikasyon batay sa kontekstwalisadong pagpapakahulugan
3. Mapahalagahan ang iba't ibang anyo ng pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino gamit ang wikang Filipino
Likas sa mga Pilipino ang pagiging masayahin lalo sa kinasanayang pagkukuwentuhan sa mga kaibigan o kapitbahay
Ang mga eksenang gaya ng tsismisan, umpukan, talakayan, pagbabahay-bahay, pulong-bayan, komunikasyong di-berbal, ekspresyong lokal, at iba pa ay mga uri ng di-pormal na pakikipagkomunikasyon
Ugaling Pilipino na makapagpahayag sa kapwa ninuman, maibsan lamang ang mga dinalang lungkot mula sa tunay na realidad ng buhay at nang mapagsamantalang mailayo sa mga danas na nais makalimutan
Tsismisan
Istoryahan ng Buhay-Buhay ng mga Kababayan
Pinagmulan o Pinanggalingan ng Tsismis
Obserbasyon ng unang tao o grupong nakita o nakarinig sa itsinitsismis
Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-puri sa kapuwa
Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o madla
Kapag may usok, malamang may apoy
Ang tsismisan ay nagaganap hindi lamang sa Pilipinas. Nagaganap din sa mga bansang Ingles ang bernakular na wika tulad ng United States at Australia
Chismes
Salitang Espanyol na pinaghanguan ng salitang tsismis
Kawala-walaan, ang tsismis ay maituturing na isang hamon sa pag-alam o paglalantad ng katotohanan
Ang tsismis ay bahagi ng daynamiks ng interaksyon ng mga Pilipino sa kapwa at maaaring nakapagbibigay sa mga magkakausap ng sikolohikal na koneksyon at kultural na ugnayan sa lipunang ginagalawan
Maari ring gamitin ang tsismis sa social marketing para takamin ang mga tao hinggil sa isang bagong teknolohiyang panlipunang maaring ilako para mapakinabangan ng marami
Sa politikal na pananaw sinasabing ginagamit ng mga naghaharing uri ang tsismis bilang instrumento ng kapangyarihan para linlangin ang taong-bayan
Umpukan
Usapan, Katuwaan, at iba pang Malapitang Salamuhaan
Mga Nagiging Kalahok sa Umpukan
Kusang lumapit para makiumpok
Mga di-sadyang nagkalapit-lapit
Mga niyayang lumapit
Likas na sa umpukan ang kwentuhan kung saan may pagpapalitan, pagbibigayan, pagbubukas-loob at pag-uugnay ng kalooban
Mga Lugar kung saan maaaring Mangyari ang Umpukan
Kalye at kanto
Paaralan (mga mag-aaral o guro)
Opisina (mga empleyado)
Korte (hurado at/o mga manananggol)
Batasan (mga kongresista at senador kapag break time)
Ang umpukan ay masasabing isang ritwal ng mga Pilipino para mapanatili at mapalakas ang ugnayan sa kapwa
Talakayan
Masinsinang Palitan at Talaban ng Kaalaman
Halimbawa ng Talakayan
Pangklasrum na talakayan
Symposium
Panahon ng Homiliya sa Simbahan
Sesyon ng mga Opisyal
Asamblea
Pagdinig sa Senado
Telebisyon/Panradyong talakayan at iba pa
Dalawang Uri ng Talakayan
Pormal na Talakayan
Impormal o Di-pormal na Talakayan
Layon ng Talakayan
Pagbusisi sa isang isyu
Makahanap ng solusyon kung may problema
Magbigay ng linaw
Makagawa ng desisyon at aksyon
Mga Mahahalagang Tao sa Talakayan
Tagapagpadaloy
Tagapakinig (kalahok)
Kalmadong Kalahok
Pagbabahay-bahay
Pakikipagkapuwa sa kanyang Tahana't Kaligiran
Mga Halimbawa ng Pagbabahay-bahay
Bible Sharing
Pag-aalok ng mga Produkto
Pagtotokhang
Sarbey para sa Sensus
Paglapit-lapit o pagpunta sa mga lugar o tirahan kung saan kumukuha o nagbibigay ng mga impormasyon at serbisyo o minsan ay gawa ng tungkulin
Napapansin ang mga ganitong eksena
Bible Sharing
Isang pagbahay-bahay na pakikipagkomunikasyong gawang panrelihiyon ng mga Pilipino gaya ng mga saksi, Iglesia ni Kristo, Katoliko, at iba pa
Pag-aalok ng mga Produkto
Ang gawaing pangnegosyo kung saan kailangang maging mabisa sa kanila ang kahusayan ng pakikipagkomunikasyon upang makabenta gaya ng pautang na mga furnitures, kitchen utensils, cosmetics, at iba pa
Pagtotokhang
Ang makontrobersyal na estratehiya sa pagbabahay-bahay na gawain ng kapulisan sa panahon ng pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanyang pakikidigma laban sa droga
Sarbey para sa Sensus
Ang pagbabahay-bahay na naisagawa ng mga taong inatasang magsarbey sa bawat pamilya para alamin ang bilang ng miyembro nito lalo na sa panahon ng eleksyon
Pangkalusugang Serbisyo
Kadalasan itong ginagawa ng mga Barangay Health Workers (BHW) upang mamigay ng libreng gamot o pagbabakuna at iba pang serbisyong pangkalusugan
Pulong-bayan
Isang pormal na pakikipag-ugnayan o pakikipagkomunikasyon ng mga pangkat ng mga tao sa isang komunidad. Tinatalakay rito ang pagsang-ayon, pagbabahagi ng mga impormasyon, pakikipagkasunduan sa alinmang mga bagay para sa ikakaunlad ng pangkat at pamayanan
State of the Nation Address o SONA
Ito ang taunang pag-uulat ng pangulo ng Pilipinas sa sambayanan tungkol sa pangkalahatang kalagayan ng bansa sa aspektong ekonomiya, panlipunan, politika, iba pa
Ekspresyong lokal
Ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay karamihang hindi lahad at maaaring literal na kahulugan depende sa layunin nito
Millenials
Magkaibigan na nag-uusap na napunta sa pang-aasar (Surigawnon)
Si Girl 1 sa kilay ni kaibigang Girl 2 (panlalait)
Sa isang eskinita, may dumaan na maganda at seksing babae at nakita ng tambay na lalaki
Matatanda (Edad 55-pataas)
Habang naglalakad ang matanda, nakakita siya ng ahas at biglang napasigaw ng, "Hesusmaryosep!"
Dalawang babae na nagkasalubong
Magulang para sa pasaway na anak
Mas mapalawak pa ang kontektuwalisadong ekspresyong lokal sa wikang Surigawnon kung subukan nating basahin ang nakatala sa talahanayan
Mapapansing sa maraming panig ng Pilipinas, ang Diyos ay madalas kasangkot sa mga ekspresyon ng pasasalamat. Ito ay nagpapakita ng impluwensiya ng mga Espanyol sa kamalayan ng mga Pilipino. Sa pangkalahatan, sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino ang pananampalataya sa Maykapal
Komunikasyong di-berbal
Paraan ng pagbabatid ng kahulugan o mensahe sa pamamagitan ng samot-saring bagay maliban sa mga salita
Para sa may kapansanan
Ang komunikasyong di berbal na ito ay gamit ang mga kamay paletrang simbolo, ekspresyon ng mukha, kilos ng katawan at galaw ng mga kamay upang mabasa, at matanggap ang mensahe