COLD WAR

Cards (63)

  • Cold War
    Digmaan ng nagtutunggaling ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa o, superpower
  • Dahil sa magkaibang ideolohiya, namuo ang tunggalian sa pagitan nila
  • Ang mamamahayag na si Walter Lippman ang nagpatanyag sa terminong ito
  • Ideolohiya
    Sistema ng mga ideyang nagnanais na ipaliwanag ang mga pangyayari sa mundo at kung paano babaguhin ito
  • Ideolohiya
    Ipinakilala ng pilosopong Pranses na si Antoine Destutt de Tracy, bilang maikling pangalan para sa tinatawag niyang "siyensiya ng mga ideya"
  • Nabuo niya ito mula sa kaisipan ng mga pilosopong sina John Locke at Etienne Bonnot de Condillac na nagsasabing ang lahat ng kaalaman ng tao ay kaalaman sa mga ideya
  • Upang magabayan umano ang mga pamahalaan sa pagpapalakad ng bansa ay nararapat na sumusunod ito sa isang ideolohiya na gagabay sa kanila sa aspektong politikal, ekonomiko, at panlipunan
  • Mga ideolohiya
    • Liberalismo
    • Konserbatismo
    • Kapitalismo
    • Sosyalismo
    • Komunismo
    • Demokrasya
  • Liberalismo
    Nagmula sa salitang latin na Liber/Liberalis na nangangahulugang kalayaan
  • Liberalismo
    Isang malawak na uri ng pilosopiyang pampolitika na tinuturing ang indibiduwal na kalayaan at pagkakapantay-pantay bilang ang mga mahahalagang layuninng pampolitika
  • Malaki ang kinalaman ng mga taong naliwanagan noong ika-17 at ika-18 siglo sa kaisipan ito
  • John Locke
    Ama ng Liberalismo
  • Magandang epekto ng Liberalismo
    • Mayroon malayang pamamalakad at pagpapatakbo ng pamahalaan sa isang lipunan
    • Nagbibigay ng pantay-pantay at kalayaan sa lahat ng tao sa lipunan
    • Ito ay sumusuporta sa pantay-pantay na kasarian, pagkapantay-pantay ng lahi, kalayaan sa pagsasalita, kalayaan sa pagpapahayag, kalayaan sa iba't-ibang relihiyon at iba pa
  • Negatibong epekto ng Liberalismo
    • Posibleng pagtaas ng krimen
    • Posibleng mawalan ng respeto ang mga tao sa batas
    • Walang malakas na implementasyon sa batas dahil sa isang konserbatibong liberalismong pamamalakad
  • Konserbatismo
    Isang pilosopiyang estetika, pangkultura, panlipunan, at pampulitika, na naglalayong itaguyod at mapanatili ang nakasanayang mga institusyong panlipunan
  • Noong middle age lumaganap ang ideolohiyang konserbatismo
  • Konserbatismo
    Anumang pilosopiyang politikal na pinapaboran ang tradisyon (tumutukoy sa mga paniniwala at kaugalian) kaysa panlabas na puwersa para sa pagbabago
  • Edmund Burke
    Ang Pilosopong Ingles at Irish na si Edmund Burke ang itinuturing na "Ama ng Konserbatismo"
  • Sa kaniyang akda na Reflections on the Revolution in France noong 1790, ipinahayag niya ang hindi pagsang-ayon sa Rebolusyong Pranses
  • Ang mga bansang Alemanya, Pransiya, at Britanya ang ilan sa mga bansang sumusunod sa konserbatismo
  • Kapitalismo
    Nakabatay sa malayang merkado, bukas na kompetisyon, at pribadong pagmamay-ari ang paraan ng produksiyon ang ekonomiya ng kapitalismo
  • Hinihikayat ng ideolohiyang ito ang pribadong pamumuhunan at negosyo
  • Kapitalista
    Ang mga mamumuhunan o, may-ari ng mga pribadong kompanya
  • Sosyalismo
    Tumutukoy sa anumang doktrinang politikal at ekonomiko kung saan ang karamihan ng mahahalagang pag-aari at mapagkukunan ng ekonomiya ay pagmamay-ari at kontrolado ng estado
  • Sosyalismo
    Ang paghawak ng estado sa produksiyon ay upang siguraduhin na may trabaho ang lahat ng mga mamamayan at makikibabang ang lahat sa ekonomiya
  • Kompara sa kapitalismo, hindi ito sang-ayon sa pribadong pagmamay-ari sapagkat yaon umano ang nagpapabaon sa mga manggagawa sa kahirapan habang patuloy na yumayaman ang mga kapitalista
  • Robert Owen
    Itinuturing na unang sosyalista
  • Siya ang nagsimula ng mga kooperatibang kilusan sa Britanya
  • Robert Owen
    Para sa kaniya, dapat pag-aari ng mga manggagawa ang mga kompanya na kanilang pinagtatrabahuhan at ibinabahagi sa kanila ang kita nito
  • Karl Marx
    Pinalawig ni Karl Marx ang kaisipan ng sosyalismo sa aklat na Communist Manifesto noong 1948 kung saan kasama niyang sumulat si Friedrich Engels
  • Niyakap ng Cuba at North Korea ang naturang Prinsipyo
  • Komunismo
    Mula sa salitang Latin na communis na nangangahulugang "para sa lahat" o, "pangkalahatan"
  • Komunismo
    Isang doktrinang politikal at ekonomiko na kinikilala rin bilang "rebolusyonaryong proletaryong sosyalismo" o, "Marxismo"
  • Nagmula ang ideya nito sa aklat nina Marx at Engels
  • Komunismo
    Layunin ng komunismo na lansagin ang hindi pantay na estado ng mga tao sa lipunan na maisasagawa lamang sa pamamagitan ng pagpapalit ng pribadong ari-arian at ng ekonomiya na nakabatay sa kita na may pampublikong pagmamay-ari at kontrol sa pangunahing produksiyon katulad ng mga minahan, gilingan ng palay, pabrika, at mga likas na yaman ng isang komunidad
  • Komunismo
    Mataas na anyo ng sosyalismo
  • Ang pagkakaiba ng komunismo sa sosyalismo ay matagal nang isyu ng mga debate subalit ang pangunahing pagkakaiba umano nila ay walang estado at hindi umiiral ang salapi sa isang komunistang lipunan
  • Estados Unidos Isang demokratikong bansa na may kapitalistang ekonomiya
  • Union Of Soviet Socialist Republic (USSR) O, Unyong Sobyet -Isang komunistang bansa
  • Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pinaghatian ng Estados Unidos at Unyong Sobyet ang natalong Alemanya