Filipino (4th)

Cards (94)

  • Taong 1887, sinimulan ni Rizal sulatin ang El Filibusterismo sa Calamba, Laguna
  • Pebrero 3, 1888, nagpasya siya na magtungo sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang pagsusulat ng El Filibusterismo.
  • Sinabi niya kay Bluementritt ang kanyang maaring harapin at dahilan kung bakit siya lumuwas.
  • Ang El Filibusterismo o "Ang Paghahari ng Kasakiman" ay ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal
  • Ang El Filibusterismo ay inalay sa Tatlong Paring Martir o ang GomBurZa
  • Sino-sino ang tatlong paring martir?
    Padre Mariano Gomez
    Padre Jose Burgos
    Padre Jacinto Zamora
  • Taong 1888, nang dumating siya sa London.
  • Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat ng El Filibusterismo sa Paris, France at Madrid, Spain.
  • Nagpadala ng sulat si Rizal kay Jose Maria Basa, na nagbabasakaling siya ay matulungan nito.
  • Si Valentin Ventura ang tumulong kay Rizal upang maipalimbag niya ang nobela.
  • Noong Mayo, 1891 ay natapos ni Rizal ang El Filibusterismo.
  • Nagtungo si Rizal sa Ghent, Belgium upang doon ipalimbag ang nobela.
  • Nailimbag ang nobela noong Setyembre, 1891.
  • Nagpadala si Rizal ng walong daang kopya sa Pilipinas .
  • Ang El Filibusterismo ay matuturing na nobelang politikal.
  • Ang El Filibusterismo ay mula sa salitang Pilibustero na ibig sabihin ay "mga balak" o "paghahari ng kasakiman".
  • Si Jose Rizal ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas.
  • Ang buong pangalan niya ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda.
  • Ipinanganak si Rizal noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna
  • Si Rizal ang ikapitong anak
  • Ang pangalan ng magulang ni Rizal ay Francisco Engracio Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos.
  • Ang kaniyang mga kapatid ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad
  • Noong tatlong taong gulang si Rizal ay tinuruan na siya ng abakada ng kaniyang ina.
  • Noong siyam na taong gulang si Rizal ay ipinadala siya sa Binan, Laguna upang mag-aral.
  • Nag-aral si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila noong Enero, 1872
  • Nakapagtapos ng pag-aaral si Rizal sa Ateneo ng may mataas na karangalan.
  • Pumasok rin si Rizal sa Pamantasan ng Santo Tomas upang mag-aral ng Filosofia y Letras at agham at pagsasaka naman sa Ateneo.
  • Nag-aral din siya ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas.
  • Ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral ng medisina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espanya at natapos noong 1885.
  • Si Jose Rizal ay naging dalubwika dahil nag-aral siya ng iba't ibang wika.
  • Agosto, 1887. Bumalik si Rizal sa Pilipinas at umalis din noong Pebrero, 1888 dahil umiiiwas siya sa galit ng mga Kastila
  • Noong Hunyo, 1892 ay bumalik ulit siya sa Pilipinas.
  • Noong Hunyo, 1892 ay itinatag niya ang La Liga Filipina
  • Ang layunin ng La Liga Filipina ay magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan sa pamamagitan ng mapayapang kaparaanan.
  • Si Rizal ay hinuli at pinatapon sa Dapitan dahil siya ay napagbintangan.
  • Apat na taon siyang namalagi sa Dapitan kung saan siya ay naggagamot ng maysakit at hinihikayat ang mamamayan na magbukas ng paaralan
  • Taong 1896, habang naglalakbay siya patungong Espanya ay hinuli siya pagdating sa Barcelona at ibinalik sa Pilipinas.
  • Ipiniit si Rizal sa Fort Santiago, nilitis at nahatulang barilin sa Bagumbayan.
  • Noong Disyembre 30, 1896 ay binaril si Rizal sa Bagumbayan na tinatawag na ngayon na Luneta
  • Kabanata 1: Sa Kubyerta