Panahon ng Katutubo - Ang panitikan sa panahon na ito ay pawang nasa anyo ng pabigkas o pasalindila.
Panahon ng Katutubo - Hindi pa lubos na nakikilala ang pagsulat at kung mayroon man ay nasusulat ito sa mga piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makinis na bato.
Pabigkas o Pasalindila - Ang panitikan sa panahon ng katutubo ay pawang nasa ganitong anyo.
Sa kadahilanang noong panahon ng katutubo ay hindi pa nakikilala ang pagsusulat. Kung mayroon mang mga sulatin ay nakaakda ito sa mga ito:
Piraso ng kawayan
Matitibay na kahoy
Makinis na bato
Kuwentong Bayan - Ito ay mga akdang nagsasalaysay ng mga Tradisyong Filipino na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa pamamagitan ng bibig.
Bibig - Ang Kuwentong Bayan ay nagpalipat-lipat sa salinlahi sa ganitong pamamaraan.
Alamat - Ito ay akdang tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Mitolohiya - Ito ay akdang karaniwang tumatalakay sa mga diyos at diyosa na nagbibigay paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
Diyos at Diyosa - Ang mitolohiya ay patungkol sa kuwento ng mga ito.
Pabula - Ito ay akda na ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop.
Epiko - Ito ay isang uri ng akda na tumatalakay sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng kababalaghan at hindi kapani-paniwalang pangyayari.
Ang epiko ay tumatalakay sa mga sumusunod:
Kababalaghan
Hindi kapani-paniwalang pangyayari
Kabayanihan
Karunungang Bayan - Ito ay sangay ng panitikan na nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nakapaloob sa bawat kultura ng isang katutubo.
Salawikain - Ito ay mga matatalinhagang pahayag na mayroong nakatagong kahulugan na ginagamit ng mga matatanda upang mangaral.
Salawikain - "Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo"
Panghihinayang - Ang salawikain na "Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo" ay nagsasaad ng ano?
Salawikain - "Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay"
Pagmamahal sa kapwa - Ang salawikain na "Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay" ay nagsasaad ng ano?
Salawikain - "Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin"
Pagsusumikap - Ang salawikain na "Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin" ay nagsasaad ng ano?
Kasabihan - Ito ay maikling parirala na nagpapahayag ng ideya. Ito ay madaling ipaliwanag, kung ano ang salita ay ganoon din ang kahulugan.
Kasabihan - "Ang kalusugan ay kayamanan"
Kasabihan - "Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang"
Kasabihan - "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda"
Sawikain - Ito ay maiikling pahayag na nagtataglay ng matalinhagang salita sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan.
Sawikain - "Butas ang bulsa"
Kahirapan - Ang sawikain na "Butas ang bulsa" ay nagsasaad ng ano?
Sawikain - "Nagsusunog ng kilay"
Pagsusumikap - Ang sawikain na "Nagsusunog ng kilay" ay nagsasaad ng ano?
Sawikain - "Balat Sibuyas"
Pagiging maramdamin - Ang sawikain na "Balat Sibuyas" ay nagsasaad ng ano?
Sawikain - "Pantay ang paa"
Kamatayan - Ang sawikain na "Pantay ang paa" ay nangangahulugan ng ano?
Bugtong - Ito ay mga pahulaan na binibigkas nang patula.
Bugtong - "Dalawang batong itim, malayo ang nararating".
Mata - Ang bugtong na "Dalawag batog itim, malayo ang nararating ay tumutukoy sa ano?
Bugtong - "Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay"
Kandila - Ang bugtong na "Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay" ay tumutukoy sa ano?
Bugtong - "Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin"
Sombrero - Ang bugtong na "Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin" ay tumutukoy sa ano?