Talumpati

Cards (61)

  • Talumpati
    Buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao
  • Talumpati
    • Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala
    • Uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig
  • Panandaliang talumpati (extemporaneous speech)

    Agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw
  • Impromptu
    Talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati
  • Uri ng talumpati
    • Binabasang talumpati
    • Sinaulong talumpati
    • Binalangkas na talumpati
  • Layunin ng talumpati
    • Maghatid ng tuwa o sigla
    • Magdaragdag ng kaalaman o impormasyon
    • Magpahayag ng katuwiran
    • Magbigay paliwanag
    • Mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala
    • Magbigay papuri
  • Bahagi ng talumpati
    • Pamagat
    • Katawan
    • Katapusan
  • Paghahanda sa talumpati
    1. Pagpili ng paksa
    2. Pagtitipon ng mga materyales
    3. Pagbalangkas ng mga ideya
  • Mananalumpati
    • Magandang personalidad
    • Malinaw ang pananalita
    • May malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay
    • May mahusay na paggamit ng kumpas
    • May kasanayan sa pagtatalumpati
    • Tama ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay diin at kaugnayan (rapport) sa madla
  • Kasangkapan ng tagapagsalita/mananalumpati
    • Tinig
    • Tindig
    • Galaw
    • Kumpas ng mga kamay
  • Kahandaan
    • Kilalanin ang tagapakinig
    • Isaalang-alang ang okasyon kung pormal o dipormal
  • Kaalaman sa paksa
    • Masasalamin sa paraan ng pagbigkas o pagtatalakay na ginagawa ng tagapagsalita
  • Kahusayan sa pagsasalita
    • Matatas at mahusay magsalita
    • Ibinibigay ang tinig sa nililalaman ng talumpati
    • Wastong paggamit ng salita, gramatika at pagbigkas
  • Uri ng talumpati
    • Talumpating pampalibang
    • Talumpating nagpapakilala
    • Talumpating pangkabatiran
    • Talumpating nagbibigay-galang
    • Talumpating nagpaparangal
    • Talumpating pampasigla
  • Laman
    Ang tagapagsalita dahil mararamdaman ito sa kanyang tinig at ikinikilos
  • Kahusayan sa Pagsasalita
    • Madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita
    • Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nililalaman ng kanyang talumpati
    • Makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita
    • Mahalaga na maunawaan ng tagapakinig ang mensahe kaya nararapat na ibigay ang lenggwaheng gagamitin sa uri ng tagapakinig
  • Uri ng Talumpati
    • Talumpating Pampalibang
    • Talumpating Nagpapakilala
    • Talumpating Pangkabatiran
    • Talumpating Nagbibigay-galang
    • Talumpating Nagpaparangal
    • Talumpating Pampasigla
  • Talumpating Pampalibang
    Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo
  • Talumpating Nagpapakilala
    Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita
  • Talumpating Pangkabatiran
    Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay
  • Talumpating Nagbibigay-galang
    Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis
  • Talumpating Nagpaparangal
    Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati
  • Impromptu
    Ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita
  • Narito ang ilang paalala sa biglaang pagtatalumpati
    • Maglaan ng Oras sa Paghahanda
    • Magkaroon ng Tiwala sa Sarili
    • Tumindig nang Maayos
    • Magsalita nang Medyo Mabagal
    • Magpokus
  • Extempore
    Ang unang kahirapan sa pagsasagawa ng pagbigkas ng extempore sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng kahandaan sa pagbigkas. Ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong paligsahan. Ang ikalawang konsiderasyon ay ang pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati. Ang ikatlong kosiderasyon ay ang pag-uulit ng paksa
  • Isinaulong Talumpati
    Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati. Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati
  • Pagbasa ng Papel sa Panayam o Kumperensya

    Makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan
  • Uri ng Talumpati Ayon sa Pamamaraan
    • Dagli
    • Maluwag
    • Pinaghandaan
  • Paano Gumawa ng Talumpati
    1. Pumili ng Magandang Paksa
    2. Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa napiling paksa
    3. Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula, katawan at katapusan
    4. Maging Sensitibo
  • Para sa Nag-iisa kong Ikaw: 'Ikaw na nagpaintindi sa akin kung paano ang umibig. Maligaya akong nakilala kita dahil nalaman ko kung paano ang magbigay ng pagmamahal. Nalaman kong kaya ko pala ang magpahalaga at maging isang bahagi ng relasyon. Para sa nag-iisa kong ikaw na nagturo sa akin ng daan patungo sa maligayang mundo. Salamat sa iyo dahil nalaman kong napakasayang sundin ang aking puso at di makinig sa iba. Dahil sa iyo ay narating ko ang tunay na kaligayahan. Ikaw ang dahilan kung bakit naipakita ko sa mundo ang tunay na ngiti at halakhak. Para sa nag-iisa kong ikaw na lagi kong kasangga. Kakaiba ka kasi ikaw ang nagsilbi kong pagkakapitan sa mga panahong ako ay mahina. Salamat dahil pinabatid mo sa akin ang pag-ibig ay gamot sa anumang suliranin at minulat ako sa katotohanang hindi ako nag-iisa. Para sa nag-iisa kong ikaw na wala na ngayon, sana ay masaya ka sa piling ng pinili mo. Batid kong marami akong pagkukulang at sapat na ito upang ako ay iyong iwan. Ikaw pa rin ang nagiisa kong ikaw kahit sakit ang nararamdaman ko ngayon. Wala nang makatutumbas sa iyo, hindi na yata makahahanap pa ng ibang katulad mo. Para sa nag-iisa kong ikaw, kahit hindi ako ang nag-iisa sa puso mo.'
  • Kumpas na paturo

    Ginagamit sa paghamak, pagkagalit o pag-aakusa
  • Kumpas na ang hintuturo ay nakataas

    Pagtawag pansin o pagpapatanda
  • Pagturo ng daliri sa sentido

    Nagpapahayag ng pag-iisip
  • Palad na nakalagay sa dibdib

    Pagpapahayag ng katapatan ng damdamin
  • Nakababa ang kamay laylay ang balikat

    Nagsasaad ng kawalan
  • Ang bukas na palad na patanggap

    Nagpapahayag ng simpatya at pagdulog
  • Ang kumpas na nakataob ang palad at biglang ibababa
    Nagpapahayag ng marahas na damdamin
  • Ang nkabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti -unting itinikom

    Nagpapahiwatig ng matimping damdamin
  • Ang kumpas na pantay balikat

    Nagpapaliwanag ng tungkol sa kalawakan at kalangitan
  • Ang kumpas ng pagtanggap

    Paghalina at pagpapalapit sa kausap