KOMPAN

Cards (16)

  • OBHETIBO
    • Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinion o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat
  • SISTEMATIKO
    • Sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na konklusyon
  • NAPAPANAHON
    • Nakabatay sa kasalukuyang panahon, nakakasagot sa suliraning kaugnay sa kasalukuyan
  • EMPIRIKAL
    • Ang konklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan o na - obserbahan ng mga mananaliksik
  • KRITIKAL
    • Maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahatol ng mananaliksik
  • MASINOP, MALINIS, at TUMUTUGON sa PAMANTAYAN
    • Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inilahad, at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis na kabuuan
  • Pananaliksik
    Isang sistematikong proseso ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay kahulugan sa mga datos mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon
  • PAKIKIBAGAY (Adaptability)

    • May kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan
  • PAGLAHOK SA PAG-UUSAP (Conversational Involvement)

    • Kakayahan ng isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba
  • PAMAMAHALA SA PAG-UUSAP (Conversational Management)

    • Kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap, nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba
  • PAGKAPUKAW – DAMDAMIN (Empathy)

    • Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan
  • BISA (Effectiveness)

    • Isa sa dalawang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang pangkomunikatibo: ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag usap. Ang taong may Kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at nauunawan
  • KAANGKUPAN (Appropriateness)

    • Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap
  • KAKAYAHANG DISKORSAL
    Saklaw ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto. Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay nakapagbibigay rin ng wastong pakahulugan ng napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang kahulugan
  • KAKAYAHANG PRAGMATIK
    Ang pokus sa kakayahang ito ay ang tagapakinig o listener. Ito ay ang kakayahang maunawaan ang mga mensaheng sinasabi o di – sinasabi sa taong kausap. Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo ng pakikipagtalastasan, pagkat, nalilinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito
  • KAKAYAHANG ISTRATEDYIK
    Kakayahang magamit ang verbal at di – verbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe. At maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon