Inaasahang ang bawat diktador ay muling babalik sa kanilang dating buhay matapos na manungkulan bilang diktador pagkatapos ng anim na buwang panunungkulan
Namamana ang kapangyarihan at katayuang panlipunan ng mga patrician
Binibigyang-katwiran ng mga patrician ang kanilang pangingibabaw sa pamahalaan at lipunan sa pamamagitan ng kanilang mga ninuno na kanilang itinuturing mga "patres" o "ama" na nagtatag ng Rome
Pinanatili ng mga patrician ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng sistemang patronage
Ang mga pangkaraniwang mamamayan o masa naman sa Rome ay tinatawag ng mga plebeians
Sila ay walang boses sa pamahalaan at lipunan bagama't sila ang higit na nakararami
Ang mga plebeian ay malalayang mamamayan na may mga karapatan, kabilang ang karapatang makaboto para sa mga lalaki
Kabilang ang pagbabawal na mailuklok sa pinakamahahalagang posisyon sa pamahalaan na reserbado lamang sa mga patrician. Dagdag pa rito, ipinagbabawal din ang pag-aasawa sa pagitan ng dalawang magkaibang uri
Bunga nito, ang mga plebeian ay patuloy ang paghamon sa kapangyarihan ng mga patrician sa pamahalaan at lipunan
Noong 494 BCE, naharap ang Rome sa bantang paglusob ng mga mananakop. Ang mga plebeian ay tumangging makipaglaban para sa pagtatanggol ng Rome
Bunga ng realisasyon na hindi makabubuo ng isang hukbo ang Rome nang walang mga plebeian, nagpasiya ang mga patrician na magpatupad ng mga reporma na magkakaloob ng mga bagong karapatan sa mga plebeian
Pinagkalooban ng karapatan ang mga plebeian na makapaghalal ng sarili nilang mga opisyal na tinatawag na mga tribune
May kapangyarihan ang tribune na protektahan ang mga plebeian laban sa di makatwirang pagtrato ng mga patrician, at harangin ang pagpapatupad ng anumang batas o patakaran na nakasasama at di makatarungan para sa kapakanan ng mga plebeian
Kasunod nito, unti-unting napilit ng mga plebeian ang senado na pumili na rin ng consul na mula sa mga plebeian at tumanggap ng mga kasaping plebeian ang senado mismo. Dahil sa mga pagbabagong ito, higit na naging demokratiko ang pamahalaan ng Rome
Kalaunan, noong 450 BCE, napuwersa ng mga plebeian ang mga patrician na maitala ang lahat ng mga batas bilang nakasulat na kodigo ng mga batas
Noong hindi pa kasi nakatala ang mga batas, ang mga opisyal na mga patrician ang nagsasagawa ng interpretasyon nito para umayon sa kanilang kagustuhan
Ang mga batas na naitala ay inukit sa labindalawang bronze tablets o tables, at itinanghal sa Roman Forum o central square na gitna ng siyudad ng Rome. Dahil dito, tinawag ang batas na ito bilang Twelve Tables
Subalit sa kabila ng mga tagumpay na ito ng mga plebeian sa pagsusulong ng kanilang karapatan, nanatili pa rin sa Twelve Tables ang pagbabawal sa pagpapakasal sa pagitan ng mga patrician at plebeian at wala pa ring karapatan sa pamahalaan at maging sa pagpapasiya para sa kanyang sarili ang mga babae
Sa patuloy na pagsulong ng mga prinsipyong republikano at demokratiko sa Rome sa pagitan ng mga uri, lalo pang lumawak at lumalim ang matinding pagpapahalaga sa sistema ng "checks and balances" sa mga pangunahing sangay at maging sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan
Tatlong Pangunahing Sangay ng Pamahalaan
Senado
Mga Halal na Magistrates
Assemblies at Tribunes
Senado
Nagbibigay ng payo sa mga halal na opisyal
Nagkokontrol sa pananalaping pampubliko
Nangangasiwa sa ugnayang panlabas
Nagrerebyu ng mga panukalang batas
Mga Halal na Magistrates
Nangangasiwa sa pang-araw-araw na operasyon ng siyudad
Namumuno sa military
Nagpapalabas ng edicts o mga kaustusan
Nagsisilbing hukom at pari
Assemblies at Tribunes
Naghahalal ng magistrates
Nag-aapruba ng batas
Dumidinig ng kasong pang-hukuman
Nagdedeklara ng dignmaan
Senado
May kontrol sa pananalapi
May kontrol sa ugnayang panlabas
Maaring hindi bigyan ng pondo ang magistrates
Mga Halal na Magistrates
Pinangungunahan (preside) ng Senado
Assemblies at Tribunes
Tanggihan ang batas ng pinagtibay ng Senado
May "veto power" sa mga pasiya at pagkilos ng magistrates
Saan makikita ang Twelve Tables?
Ano ang Twelve Tables?
mga batas na inukit sa labindalawang bronze tablets o tables
Ano ang nanatili sa Twelve Tables?
Ito ay ang hindi maaaring magpakasal ng mag kaibang uri sa lipunan
Binibigyan katwiran ng mga patrician ang kanilang pangingibabaw sa pamahalaan at lipunan sa pamamagitan ng kanilang mga ninuno ng kanilang itinuturing mga ---- na nagtatag ng Rome
Patres o Ama
Mga pangkaraniwang mamamayan o masa
Plebeians
Prinoprotektahan ang mga Plebeians laban sa di-katwirang pagtrato ng mga patrician, at hangarin ang pagpapatupad ng anumang batas o patakaran na nakasasama at di-katwrian para sa kapakanan ng mga Plebeians.
Tribune
Ano ang Pax Romana
Pax Romana?
Pag-iral ng matatag na pamahalaan, malakas na sistemang legal, malawakang kalakalan, at higit sa lahat ay ang walang patid na kapayapaan.
Ano ang naging susi sa mayabong na kalakalan at maayos na pamamahala sa napakalawak na Imperyo?
Ano ang naging susi sa mayabong na kalakalan at maayos na pamamahala sa napakalawak na imperyo?
Ekstensibong road network
Pinatibay ng mga romano ang isang batas na nakilala sa panggalang Cursus Honorum
Ano ang Cursus Honorum?
nagtatakda para sa pormalisasyon ng prosesong pagdadaanan para sa pag-akyat sa posisyon ng mga opisyal ng pamahalaan.