Sektor ng Paglilingkod - tinatawag din na lakas-paggawa na isa sa apat na mahahalagang salik ng produksiyon kabilang ang lupa at kapital.
Wholesale/Retail - Subsektor ng paglilingkod na nakatuon sa pagbebenta ng mga produkto nang maramihan o isa-isa.
Information & Communication - Subsektor ng paglilingkod na nakatuon sa paghahatid ng impormasyon at iba pang mahahalagang mensahe sa pamamagitan ng teknolohiya.
Finance & Insurance - Subsektor ng paglilingkod na nagkakaloob ng mga serbisyo na may kaugnayan sa pera.
Real Estate - Subsektor ng paglilingkod na nakatuon sa lupa at mga gusali o estrukturang nakatayo rito.
Kontraktuwalisasyon - ang sistemang ito ay ang pagtanggap sa mga manggagawa sa industriya o kompanya sa loob lamang ng ilang partikular na bilang ng buwan upang magtrabaho.
Labor Code - batas na nangangasiwa sa mga karapatan ng mga manggagawa sa bansa.
Brain Drain - Ito ay tumutukoy sa unti-unting pagkaubos ng mahuhusay na propesyonal sa Pilipinas.
Salary Standardization Law - Ito ang pagsasabatas ng permanenteng halaga ng suweldo para sa bawat posisyon ng manggagawa sa gobyerno.
Batas Republika Blg. 10533 (The Enchanced Basic Education Act of 2013) - Pagsasabatas ng K to 12 Curriculum ay naglalayon na magkaroon ng kindergarten at 14 na taon sa basic education ang mga mag-aaral.
Continuing Professional Development - Ito ang patuloy na pagpapabuti ng hanay ng mga lisensiyadong propesyonal patungkol sa kanilang lisensya.
"Self-directed learning" - Mga gawaing makapagdaragdag ng kaalaman at kasanayan sa propesyonal gaya ng mga online course, training, at iba pa.