AP (4th)

Cards (32)

  • Pagkamamamayan o citizenship ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
  • Ayon kay Heywood (1994), ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng mga indibidwal at ng estado na kung saan ang dalawa ay pinagbigkis ng reciprocal na karapatan at pananagutan.
  • Inilalahad sa Artikulo IV ng Saligang Batas ng 1987 kung sino ba ang maituturing na tunay na mamamayang Pilipino.
  • Republic Act. No. 9225 o Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003
  • Ang Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003 ay naglalahad na ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring maging mamamayang Pilipino muli.
  • Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship)
  • Dalawang Uri ng Mamamayan
    Likas o Katutubo
    Naturalisado
  • Likas o Katutubo - anak ng Pilipino, parehong mga magulang o alinman.
  • Naturalisado - dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.
  • Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayan
    Jus Sanguinis
    Jus Soli
  • Jus Sanguinis - ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
  • Jus Soli - Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan sila ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa America.
  • Ako si Irvin, ipinanganak sa Nueva Ecija. Ang ama ko ay Pilipino, Tsino naman ang aking ina. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay?
    Natamo
  • Ako ay si Lorenz. Sumapi ako sa Hukbong Sandatahan ng Amerika. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay?
    Nawala
  • Ako ay si Lianne. Ang tatay at nanay ko ay Kapampangan. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay?
    Natamo
  • Ako si Marisse. Nakapag-asawa ako ng taga-Canada at doon na kami naninirahan. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay?
    Muling matatamo
  • Ako si Juvy ay naging mamamayang British. Nagbalik-bayan ako at gusto kong maging Pilipino muli. Nagharap ako ng kahilingan sa hukuman at pinagtibay ito ng Kongreso. Ang aking pagkamamamayang Pilipino ay?
    Muling matatamo
  • Dahil ang ama ni Marlon ay Pilipino, Pilipino rin siyang maituturing. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng?
    Jus Sanguinis
  • Likas o katutubong Pilipino si Chris dahil?
    Parehong Pilipino ang kanyang magulang
  • Dahil sa United States of America ipinanganak si Diego, lumalabas na siya ay mamamayang Amerikano. Ito ay sumusunod sa prinsipyo ng?
    Jus Soli
  • Ang karapatang pantao ay yaong mga karapatan na kinakailangan para sa ating buhay bilang tao.
  • Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.
  • Inilalahad sa Artikulo II, Seksyon 11 ng Saligang Batas ng 1987 ang pagpapahalaga ng Estado sa karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan nito ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao
  • Inisa-isa ng Estado sa Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 ang Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights)
  • Natural Rights - mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.
    Halimbawa: karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ari-arian
  • Constitutional Rights - mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado
    Hal. Karapatang Politikal, Karapatang Sibil, Karapatang Sosyo-ekonomik, at Karapatan ng Akusado
  • Karapatang Politikal - kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
  • Karapatang Sibil - mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibiduwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
  • Karapatang Sosyo-ekonomik - mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
  • Karapatan ng Akusado - mga karapatan na magbibigay proteksiyon sa indibiduwal na inaakusahan sa anumang krimen.
  • Statutory Rights - mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.
  • Ako ang talaan ng pinagsama-samang karapatan ng bawat tao na inisa-isa ng Estado sa Artikulo III ng Saligang-Batas ng 1987. - Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights)