PAGKAMAMAMAYAN AT SIBIKO

Cards (25)

  • Pagkamamamayan - pagiging kasapi sa isang sosyopolitikal na Lipunan taglay lahat Karapatan at tungkuling kaalinsabay,mamamayan tumutukoy sa tao
  • Jus sanguinis - pagkakaroon ng kaugnayan batay sa dugo ng isang Pilipino .
  • Jus soli - pamantayan sa lugar ng kapanganakan
  • Batas Republika blg. 9225 o Citizenship Retention and Reacquisition Act - nakapaloob na ang isang indibidwal na naturalisadong mamamayan ng ibang bansa ay maaring maipanatili o maibalik ang pagkamamamayang Pilipino.
  • Saligang batas 1987 - Karapatang politikal na nagsasad na dapat hayaan ang mga mamamayan na makilahok sa pagtatatag o pagpapatakbo ng pamahalaan
  • Karapatang sibil - pagtamasa sa Karapatan ng mga indibidwal , katulad ng patas na proteksyon sa batas, wastong proseso ng batas , Kalayaan sa pananampalataya , pribadong komunikasyon at korespondiya, Kalayaan sa pananalita at pagpapahayag
  • Karapatang panlipunan at pangkabuhayan - kapakanan at seguridad ng isang indibidwal , pagmamay ari ; kompensasyon sa pribadong aria- arian, pampublikomg proyekto panganagalaga at paglinang sa likas na yaman
  • sibiko o civics sa ingles mula sa salitang Latin na civicus na nangangahulugang ng mamamayan
  • Indibidwalismo – pananaw na binibigyan- diin ang kagalingan ng isang tao , kahalagahan ng pagsasarili, pantindig sa sariling paa, at pagbibigay ng higit na halaga sa personal na ikabubuti kaysa kapakanan ng nakakarami.
  • Wilding(sosyologong Charles Derber ) - paglalarawan sa isang insidente noong 1989 na pambubugbog at pananamantala ng anim ng tinedyer sa isang babaeng jogger sa Central Park sa New York, Nang mah li sila , hindi sila nagpapakita ng pagsisisi at ipinagmalaki pa ang kanilang ginagawa bilang kasiyahan.
  • Economic wilding - Lubusang paghahangad na kumite at makinabang sa Negosyo ng isang indibidwal o korporasyon.
  • Political wilding - Kapakanibangan ng sarili at pamilya sa pamamagitan ng paghawak at pang abuso sa posisyon sa pamahalaan.
  • Social widing - Pagkilos laban sa kapamilya o kolektibong pag- iimbot na nakpagpahina ng Lipunan
  • Values - gabay sa kanyang Lipunan, gabay sa kanyang pagdedesisyon at pagkilos, nagsisilbing panuntunan sa pagtukoy , pagpapahayag
  • Amor propio - nagsisikap na mabuhay ng marangal , at kung alipustain ay ipaglaban hanggang malinis ang karangalang dinungisan.
  • Bahala na (inuugat sa salitang bathala)- pangtanggap sa kung anu lamang ang maaring mangyari , kawalang paghahanda, katamaran o kapalaran bilang salik
  • Pagkabuklod-buklod at kapanatagan ng pamilya - Pamilya ang ang nagsisilbing salamin ng mas malaking pamayanan dahil dito makikita ang pakikipagtulungan ng mga umaasa at inaasahan sa mas aspektong pangkabuhayan panlipunan, pangkultura at espiritwal.
  • Personalismo - makatao ng Pilipino ay nakaugnay sa kanyang pamilya , kapitbahay, kaibigan at kasamahan sa trabaho ay trinato bilang kaanak
  • Magiliw na pangtanggap - Pagpapahalaga sa laganap sa maraming kultura sa Asya, pagaasikaso at kabaitan sa mga panauhin upang mapasaya at mapagpugayan sila.
  • Pagtitiyaga - pagiging mahaba ang pasensya , mapagtiis at matibay sa mga pagsubok, anu mang ng hirap ng sakuna ay pinaniniwalang malalampasan.
  • smooth interpersonal relation - ito ay ang mabuting pakikitungo sa ibang tao upang maiwasan ang saigalot lalo na sa mga nakagigipit at di kanais-nais na sitwasyon
  • utang na loob - ito ay isang pagpapahalaga na nagbubunsod sa isang tao na kumilos para gumanti ng kabutihan sa taong unang nagkaloob sa kaniya ng tulong
  • hiya - hindi kayang pagharap o pagpapahayag sa isang mas nakakatanda o nakataas sa posisyon
  • magiliw na pagtanggap - hinahandugan at ipinararamdan ang pag aasikaso at kabaitan sa mga panauhin upang mapasaya at mapagugayan sila
  • pagkamasiyahin - ang positibong pananaw ng mga pilipino sa anumang pangyayari sa kanilang buhay ay masasalamin sa kanilang pagkamasiyahin