Ang Karapatang Pantao at ang Pagkamamamayan

Cards (11)

  • Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay nitong karapatang pantao.
  • Inilahad sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas ang mahahalagang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal at kultural na nararapat itaguyod ng pamahalaan para sa mamamayan nito.
  • Ang katipunan ng mga karapatang ito ay nagsisilbing pundasyon ng estado sa paggawa ng mga batas at polisiya upang palakasin at mapangalagaan ang pagkamamamayan ng mga Pilipino.
  • Sa pagkilala ng pamahalaan ng mga karapatang pantao ng mamamayan, naging tungkulin nito na ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibidwal, proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga karapatang ito, at pagsagawa ng mga positibong aksyon upang lubos na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot ng mga karapatang pantaong ito.
  • Ang mga mamamayan ay may ibat-ibang antas ng kamalayan sa pag-unawa at pagsasakatuparan ng kanilang mga karapatang pantao. Makikita ang mga antas na ito sa sumusunod na talahanayan batay sa Facilitator's Manual on Human Rights Education (2003).
  • Antas 1 - Pagpapaubaya at Pagkakaila
    • walang pasubaling pagpapaubaya sa mga paglabag ng karapatang pantao
  • Antas 2 - Kawalan ng Pagkilos at Interes
    • may limitadong kaalaman tungkol sa mga karapatang pantao ngunit may pagtanggi o kawalan ng interes na igiit ang mga karapatang ito dahil sa takot, panganib, o kakulangan sa pag-unawa ng mga kondisyong panlipunan, ekonomiko, at politikal ng bansa
  • Antas 3 - Limitadong Pagkukusa
    • kakikitaan ng pagtaguyod ng karapatang pantao, paghanap ng mga solusyong gamit ang karaniwang pamamaraan tulad ng paglalahad ng reklamo
  • Antas 4 - Militance, Pagsasarili at Pagkukusa
    • may kamalayan, aktibo at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao sa pamamagitan ng matatag at sama-samang pagsisikap
  • Ayon kay M.S. Diokno (1997)
    • maliban sa pagiging malaya, pinalalawak pa ng iba pang nakapaloob na karapatang pantao ang perspektiba ng tao na maging aktibong mamamayan
    • hindi lamang mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga karapatang pantao kundi ang aktuwal na paggiit at pagsasakatuparan ng mga karapatang ito ang nararapat na mangibabaw
    • ito ang tunay na pagpapakita ng pakikilahok ng tao bilang mamamayan ng isang bansa
  • Bilang mga aktibong mamamayang mulat sa mga nangyayari sa kanilang paligid, tungkulin nating tugunan ang mga ito para sa kapakanan ng lahat, at ang paggiit ng mga karapatang pantao ay isang paraan nito.