Talumpati - isang komunikatibong pasalita na isinasagawa sa entablado ng mga tao na handang makinig sa mga ideya o kaisipang sa harap maibahagi ng mananalumpati.
Layunin ng Talumpati
Nakapaghahatid ng mahahalagang kaalaman mula sa isang paksa.
Nakapagpapaniwala sa mga nakikinig kaya't dapat maging totoo sa sarili.
Nakapagbibigay-lugod o kasiyahan sa mga tagapakinig.
Nakapupukaw sa bawat damdamin ng mga tagapakinig.
Nakaaakit dahil sa pagiging natural sa pagbigkas ng talumpati sa harap ng mga tagapakinig.
Mga Bahagi ng Talumpati
Pambungad o Panimula
Katawan
Katapusan
Pambungad o Panimula - sa bahaging ito, napakahalagang ihanda muna ang kaisipan ng mga nakikinig sa paksang tatalakayin.
Katawan - sa bahaging ito naman ay nakalahad ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
Katapusan - dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga o ayon sa layunin ng talumpati.