TALUMPATI MODYUL 2

Cards (12)

  • Uri ng Talumpati
    1. Talumpati na Nagpapaliwanag
    2. Talumpati na Nanghihikayat
    3. Talumpati ng Pagpapakilala
    4. Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala
    5. Talumpati ng Pagsalubong
    6. Talumpati ng Pamamaalam
    7. Talumpati ng Eulohiya
    8. Talumpati sa Isang Inagurasyon
  • Talumpati na Nagpapaliwanag - ito ay nagbibigay-kaalaman na maaaring ang isang mananalumpati ay nag-uulat, naglalarawan, o nagtatalakay.
  • Talumpati na Nanghihikayat - layunin ng mananalumpati na makaimpluwensya sa padalin kilos ng mga tagapakinig.
  • Talumpati ng Pagpapakilala - nakapokus sa pagtanggap sa panauhin, kailangang ipakita ang awtoridad ng tagapagsalita sa paksang tatalakayin o inihanda para sa mga tagapakinig.
  • Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala - nakapokus sa kahalagahan ng gawain na nagbigay-daan sa okasyon para sa nasabing pagdiriwang.
  • Talumpati ng Pagsalubong - kadalasan ginagawa sa mga okasyong tulad ng mga sumusunod: pagtanggap sa pinagpipitaganang panauhin, dinadakilang nagtapos sa paaralan, pagbati sa isang delegasyon, nagpapaliwanag sa kabuluhan ng okasyon, pagpapakita ng layunin ng organisasyon at pagpaparangal sa taong sinasalubong atbp.
  • Talumpati ng Pamamaalam - ito ay nagagawa kapag aalis na sa isang lugar o magtatapos na sa ginampanang tungkulin ang isang indibidwal.
  • Talumpati ng Eulohiya - nakapokus ito sa isang pagyaon sa memoryal na serbisyo sa isang kilalang namayapa.
  • Talumpati sa Isang Inagurasyon - binibigkas ito sa isang seremonya ng pagsisimula ng isang mahalagang tungkulin o gawain sa isang trabaho.
  • 2 Uri ng Talumpati ayon sa Balangkas
    1. May paghahanda
    2. Walang paghahanda
  • May paghahanda - bago magbabahagi ng isang talumpati napakahalagang ihanda, una: ang sarili, pangalawa: ang mga ideya o kaalamang nais ibahagi sa grupo ng mga tao.
  • Walang paghahanda - ito ay tinatawag ding impromptu, sapagkat dito sinusubok ang kaalaman at sa isang paksa handa sa pagsagot ng mananalumpati paraang ito ibinibigay lamang ang paksa sa oras pagtatalumpati upang makita hindi lang ang kahanda kundi ang kalawak ng kanyang kaalaman sa paksa.