Ginagamit ang salitang pansamantala sapagkat hindi pa ito pinal. Habang dumarami ang nababasa mong sanggunian ay lumalawak ang kaalaman mo tungkol sa iyong tesis kaya't maaari pang may mabago sa iyong balangkas.
Kahalagahan ng Pansamantalang Balangkas
Nagpapadali sa proseso ng pagsulat
Nagbibigay dereksiyon sa pagsusunod-sunod ng mga ideya at paglapat ng sulatin
Nakatutukoy ng mahinang argumento
Naiiwasan ang writer's block
Ang balangkas ay isang mahalagang gabay sa proseso ng pagsulat
Paksa - Ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.
Isa sa mga paalala sa pagpili ng paksa ng pananaliksik ay ang Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin. maari itong
Paksang marami kanang nalalaman
Paksang gusto mo pang higit na malaman
Paksang napapanahon
Isa sa ga mahahalagang paalala ay dapat naiiba o unique at hindi kapareho ang mapipiling paksa sa mga paksa ng kaibigan.
Mahalaga din paalala na dapat may mapagkukunan ka ng sapat at malawak na impormasyon.
maaring pagkunan ng impormasyon ang sarili, nabasa, napakinggan, napagaralan, mga babasahin, at iba't ibang tao.
Maaring matapos sa takdang panahong nakalaan

Dito pumapasok ang paglilimita sa saklaw ng pagaaralan upang maging angkop ito sa binigay na time frame ng guro.
Mga dapat isa alang-alang sa paglilimita ng paksa
Panahong saklaw ng pag-aaral
Gulang ng mga kasangkot
Kasarian ng mga kasama
Lugar na kasangkot
Pangkat ng taong kinabibilangan
Kombinasyon ng iba pang batayan
Isa pa sa mga paalala sa pagpili ng isang paksa ay ang kakailangan gastusin dahil dito isinaalang alang ang mga praktikal na aspeto gaya ng mga gagastusin
Ito-ito ay maaring itanong sa sarili upang malaman ang mga paalala sa pagpili ng mabuting paksa
masyado bang kumplikado o limitado ang napiling paksa
matatapos ba ito sa time frame na itinakda ng aking guro
may mapagkukunan bako ng sapat at mawalak na impormasyon ukol dito
Ang pangsamantalang balangkas ay kadalasang binubuo ng tatlong pahina sapagkat ito ay tentatibo pa lamang.
Sa pagbuo ng pangsamantalang balangkas, maaring itong sa sarili ang mga sumusunod:
Ano ano ang mga bagay na alam ko na maari ko nang iorganisa patungkol sa aking paksa
Ano ano ang mga datos na kakailangin kopa para sa aking sasaliksikin
Ang pansamantalang balangkas ay nagsisilbing kalansay ng sulatin.
Pagkakasunod-sunod ng pansamantalang balangkas
Introduksiyon
Mga kaugnay na Literatura
Metodolohiya
Resulta
Konklusyon at rekomendasyon
Bibliyograpiya
Ang "The mettle of the Filipino Spirit" ay isang litratong nagkamit ng unang gantimpala sa 2nd Calidad Humana National Essay Photography Competition noong Setyembre 2013
Isang magaaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas ang nagkamit ng unang gantimpala dahil sa litrato, siya ay si Mark Joseph Solis.
Ayon kay Solis, kinuha niya ang larawan sa isang komunidad ng mangingisda sa Zamboanga.
Kinalaunan, napatunayan na ang litrato ay mula kay Gregory John Smith. Ayon sakanya, kinuha niya ang larawan sa Brazil noong 2006.
Etika - tumutukoy sa pamantayan ng pagkilos at paguugali batay sa katanggap tanggap na ideya kung ano ang tama o mali.
Mga gabay sa Etika ng pananaliksik
Pagkilala sa pinagmulan ng ideya
Boluntaryong Partisipasyon ng mga kalahok
Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok
Paggamit at pagbabalik sa resulta ng pananaliksik
Plagiarism - tumutukoy sa pag angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba. Ito rin ang pangongopya ng maraming ideya at hindi pagkilala sa may akda.
Bibliyograpiya - Ito ay paraan ng pasasalamat at pagbibigay ng wastong kredito o pansin sa mga manunulat at mga unang mananaliksik sa kanilang ambag sa kasalukuyang isinasagawang pag - aaral.
Ang bibliyograpiya ay talaan o listahan ng mga sanggunian na gamit sa pananaliksik. Upang mapatunayang may kredibilidad at mapagkakatiwalaan ang isang pananaliksik.
Ipinapakita ng bibliyograpiya na ang pananaliksik ay hindi batay sa pansarilingopinyon ng mananaliksik kundi mayroon itong iba't ibang batayan.
Mga dapat isaalang alang s pagsulat ng talasanggunian
Mahalagang makuha ang pangunahing impormasyon gaya ng pangalan ng may akda, pamagat ng aklat, atpb.
Isaayos ito ayon sa alpabeto sa tulong ng apelyido ng manunulat
Ilagay ito sa hulihang bahagi ng aklat o pananaliksik
Kinakailangang nakapasok ang ikalawa o sumunod na linya ng sanggunian
Sa pagsulat ng pangalan ng may-akda, unahing isulat ang apelyido nito
Isaalang alang ang wastong bantas sa bawat bahagi
APA - American Psychological Association
CMS - Chicago Manual of Style
Konseptong Papel - Mula sa iyong paksa, pahayag tesis at balangkas ay maaari ka na ngayong bumuo ng iyong konseptong papel.
Ang konseptong papel ang nagsisilbing "proposal" para sa iyong pananaliksik.
Nakatutulong ang konseptong papel upang mabigyan direksyon ang mga mananaliksik lalo na kung siya ay baguhan pa lamang dito.
Ang balangkas Konseptuwal - Naipapakita sa paraang paradigm presentation upang sistematikong maipaliwanag ang daloy at proseso na mula sa paghahanda hanggang sa kinalabasan ng pag-aaral.
Ang balangkas teoretikal - Ipinapakita sa bahaging ito ang ilustrasyong teoretikal sa paraang sistematikong pananaw ng penomena at pagtukoy sa relasyon o ugnayan ng mga baryabol sa paksang pinag-aaralan
Ang Datos Empirikal - Ito ay tumatalakay sa mga nakalap na datos mula sa dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik (obserbasyon, pakikipanayam, at/o eksperimentasyon, at iba pa).
Rationale - Ito ang bahaging nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa. Mababasa rin dito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
Layunin - Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
Payahag Tesis - Ito ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik. Isa itong matibay na pahayag na naglalahad ng pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa.
Metodolohiya - Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa nakalap na impormasyon.
Inaasahang output o resulta - Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago