ARALIN 3: SISTEMA NG PANANALAPI

Cards (19)

  • Ang pangunahing sektor na nagpapatupad ng mga patakaran sa pananalapi at nagbibigay ng suporta sa mga institusyon ng pananalapi ng bansa ay ang? (Sektor ng Pananalapi)
  • Ang pagmamanipula at pamamahala sa supply ng salapi sa ekonomiya. (Monetary Policy)
  • Ito ay isang uri ng institusyon na tumatanggap at lumilikom ng mga salapi na iniimpok ng mga tao at negosyante. Ito ang nagsisilbing tagapamagitan sa mga nag - impok, namuhunan, at mga prodyuser. (Bangko)
  • Ang bangkong ito ang pinakamarami sa mga uri ng bangko. Hinihikayat nito ang mga tao na mag-impok at magtipid ng ilang bahagi ng kanilang kita. (Savings/Thrift Bank)
  • Tumatanggap ng deposito at sangla ng mga mamamayan. (Savings and Mortage Bank)
  • Tumatanggap ng impok ng mga kasapi; nagpapahiram ng salapi; nagbibigay ng dibidendo sa kasapi. (Savings and Loan Association)
  • Tumatanggap ng deposito ng mga tao; nagpapahiram ng puhunan sa mga small and medium scale industries. (Private Development Bank)
  • Ito ang pinakamalaki at pinakamalawak na uri ng bangko sa bansa. Ito ang bangko na nakikipagugnayan sa mga nagiimpok, mga prodyuser, at kapitalista. Nagpapautang ito ng puhunan sa mga prodyuser. (Bangkong Komersyal)
  • Upang mapabilis ang transaksiyon ay ipinatutupad ang isang pagbabago sa mga bangkong komersiyal na tinatawag na _____ o Expanded Commercial Banks. (Universal Banking)
  • Ito ang pinakamaliit na uri ng bangko. Ito ay naglalayon na tulungan ang mga magsasaka at mangingisda upang magkaroon ng puhunan. (Rural na Bangko)
  • Inaasikaso nito ang mga pondo at ari-arian ng simbahan at charitable institutions. ▪ Nangangalaga ito sa mga ari-arian at kayamanan ng mga taong walang kakayahang pangalagaan ang kanilang ari-arian, lalo na ang mga menor de edad. (Trust Companies)
  • Tinutulungan nito ang mga prodyuser at entreprenyur na magkaroon ng sapat na puhunan. ▪ Naging pangunahing bangko ito ng pamahalaan matapos maisapribado ang Philippine National Bank. (Land Bank of the Philippines)
  • Pangunahing bangko na itinatag upang makatulong sa pamahalaan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. Nagbibigay ito ng tulong pinansiyal para sa mga proyekto at programa na magpapaunlad ng agrikultura at industriya. (Development Bank of the Philippines)
  • Layunin na tulungang magkaroon ng pang-ekonomiko at panlipunan sa pamamagitan ng pagpapautang. (Asian Development Bank)
  • Ang pangunahing layunin nito ay magkaloob ng pautang sa mga bansang kasapi nito, lalo na ang mahihirap at umuunlad na bansa. (International Monetary Fund)
  • Pinauutang ang mga kasaping bansa na nagnanais palawakin at palaguin ang pamumuhunan sa ekonomiya. (World Bank)
  • Naglalayon na suportahan ang pagtatayo ng mga impraestruktura sa rehiyon ng Asia Pacific upang makatulong sa pagtatamo ng pangekonomikong kaunlaran. (Asian Infrastructure Investment Bank)
  • Bangko ng mga bangko sa bansa. Natatanging bangko na namamahala at nag-aayos ng kanilang pananalapi at sistemang pinansiyal. Pinananatili nito ang katatagan ng salapi ng ekonomiya. (Bangko Sentral ng Pilipinas)
  • URI NG BANGKO
    1. PAGTITIPID
    2. KOMERSYAL
    3. RURAL
    4. TRUST COMPANIES
    5. ESPESYAL
    6. PANDAIGDIGAN