ESP

Cards (47)

  • Sekswalidad ay isang behikulo tungo sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa sarili o true self.
  • Pornograpiya ay mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin
    ang sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
  • 2 salitang griyego ng pornograpiya: porne, graphos
  • porne – nangangahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw
  • graphos – nangangahulugang pagsulat o paglalarawan
  • Premarital Sex – Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa tamang edad o
    nasa edad man ngunit hindi pa kasal.
  • Teenage Pregnancy – tumutukoy sa maagang pagbubuntis ng isang babaeng nasa murang edad dahil sa malingpagpapasiya.
  • Ang mga batang ina ay maaaring makaranas ng mga negatibong epekto sa kanilang paglaki
  • Aborsyon – ang pagpapalaglag o pagtatanggal ng fetus mula sa uterus ng isang babae, at naghuhudyat ito ng pagtatapos ng kanyang pagbubuntis.
  • “Itinuturing na krimen dito sa Pilipinas” (Agapay, 2007)
  • 2 uri ng aborsyon: kusa, sapilitan
  • KUSA – Aborsiyon na natural na nangyari at walang anumang
    prosesong naganap at kadalasang nangyayari
  • SAPILITAN – Aborsiyon na dumaan sa proseso– opera man o gamot - na kung saan ginusto ng ina ang pangyayari.
  • Sexually Transmitted Diseases - Ito ay ang mga sakit na dulot ng bacteria, virus o parasite na nakukuha mula sa mga pakikipagtalik at naipapasa sa pamamagitan ng dugo, semen o anumang likido na inilalabas ng indibidwal.
  • Oryentasyong Sekswal – tumutukoy ito sa nararamdaman ng isang tao na makaranas ng malamim na pagtinging apeksyonal, emosyonal at serwal sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng
    kanya, iba sa kanya o kasariang higit sa isa.
  • 2 uri ng oryentasyong sekswal: heterosexual, homosexual
  • Heterosexual – mga taong nagkakanasang sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian.
  • Homosexual – mga nagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian
  • Gender Identity – Kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex nang siya ay ipanganak.
  • Gender – tumutukoy sa mga gawi, kilos at pag-uugali ng isang tao na maglalarawan kung ano siya, babae man o lalaki.
  • Babae - sumisimbolo ng kagandahan at pagiging modelo ng kanilang makulay na kultura sa larangan ng pagpipinta
  • Lalaki - pakikipagdigma gamit ang kanilang espada at pana
  • Lesbian – sila ang mga ipinanganak na babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki. Mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae.
  • Gay – mga ipinanganak na lalaki na nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki. Nagdadamit at kumikilos na parang babae.
  • Bisexual – mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian, babae o lalaki.
  • Transgender – ito ay tumutukoy sa isang tao na naniniwala na ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
  • Queer – tumutukoy sa taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado sa kanyang sekswal na pagkakakilanlan
  • Intersex – ang estado ng ipinanganak na may reproductive o sekswal na anatomy na hindi akma sa katangiang pambabae o panlalaki.
  • Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
  • Katapatan ay isang aspeto ng katangiang moral na nagsasaad ng mga positibo at banal na katangian tulad ng integridad at pagiging totoo.
  • Katapatan sa salita ay nagbibigay ng totoo at tamang impormasyon sa sitwasyong kailangang ipahayag ang katotohanan.
  • Ayon kay Gamble (2000), isang behavioral scientist sa University of Arizona, may apat na mga uri ng pagsisinungaling
  • Pagsisinungaling para protektahan ang ibang tao - Ang ganitong uri ng pagsisinungaling ay karaniwang ginagawa upang protektahan
    at hindi mapahamak o maparusahan ang kapwa.
  • Pagsisinungaling upang isalba ang sarili kahit na makasasama sa ibang tao - itinuturing na masama sapagkat ang pansariling kapakanan lamang ang pinahahalagahan dito.
  • katapatan sa gawa ay pagganap ng kinakailangan para sa mga taong dapat makinabang sa mga ito.
  • Ang fraternities at sororities ay mga organisadong samahan na may iisang at interes. Ang mga ito ay mga samahang naniniwala at mithikakintas kung saan layon nila na makaranas ang bawat kasapi ng pagpapahalaga o paggalang sa sarili, magandang samahan, at kat kahtain sa bawat kasapi.
  • Kapatiran - Ito ay ang pagtatalaga ng sarili na pahalagahan ang bawat kasapi, ingatan ang kaniyang dignidad bilang tao, at tiyakin na sila ay ligtas sa anumang panganib o banta sa kanilang buhay.
  • Pakikipagkapwa - Binibigyan ng samahan ang mga kasapi ng pagkakataon upang makipag-ugnayan at mapalawak ang kanilang kaalaman sa tamang pakikitungo sa kapwa.
  • Serbisyo sa Pamayanan - Layunin ng samahan ang makilahok sa mga gawain na magbibigay ng serbisyo at paglilingkod sa pamayanan.
  • Pamumuno - Lumilikha ang mga samahan ng gawaing huhubog sa mga miyembro na maging isang mabuting pinuno o lider.