ap EDUKASYON

Cards (34)

  • Kasalukuyang Kalihim ng Edukasyon  - Sara Duterte-Carpio
  • SISTEMA NG EDUKASYON SA PILIPINAS:
    • Mataas na droupout rate
    • Kakulangan ng paaralan para sa mga estudyanteng may espesyal na pangangailangan (SPED) Pagbaba ng kalidad ng edukasyon
    • Kakulangan sa pamumuhunan ng pambansang pamahalaan sa edukasyon
  • Trifocal System – sistemang may tatlong tuon
    • Batayang Edukasyon = Department of Education (DEPED)
    • Mas Mataas na Edukasyon = Commision on Higher Education (CHED)
    • Teknikal o Bokasyonal na Edukasyon = Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)


  • Batayang Edukasyon (basis education) – sakop ang mga baitang mula kindergarten hanggang Grade 12 (K to 12)
    • DepEd ang pangunahing ahensiyang namamahala sa batayang edukasyon at ito ang nagtatakda ng pangkalahatang pamantayan at sakop ng K to 12
  • ANG CHED AT ANG ---

    Mas Mataas na Edukasyon  - sakop nito ang mga higher educational institution (HEI) o mga kolehiyo at pamantasang maaring pampubliko o pribado, secular, o relihiyoso.
    -  Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (Commission on Higher Education o CHED) = isang komisyon sa ilalim ng tanggapan ng pangulo, ang pangunahing tagapangasiwa para sa mas mataas na edukasyon
  • RA 7722 o Higher Education Act of 1994 – nalikha ang komisyon dahil sa bisa ng RA 7722

  • Teknikal at Bokasyonal na edukasyon – tinutukoy dito ang pagsasanay na nakatuon sa isang partikular na trabaho o kasanayan tulad  ng massage therapy, computer systems servicing, housekeeping, at iba pa
    • Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – namamahala sa bokasyonal na edukasyon sa Pilipinas (itinatag noong 1994)
  • Akses – pangunahing problema sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas
    • lumilitaw na pinakanaipagkait sa mga Pilipino ang edukasyon, partikular sa aspekto ng pagdalo (attendance) at narating na antas (educational attainment)
    • nagiging mas malinaw rin ang kakulangan sa akses sa edukasyon kung titingnan ang bilang ng mga kabataang hindi nag-aaral (out-of-school-youth) sa bansa
    • dahil problema ang akses, pataas nang pataas ng ginagastos ng pamahalaan para mapunan ang pagkukulang na ito.
  • Kalidad ng edukasyon
    • National Achievement Test (NAT) = isang estandardisadong pagsusulit na sumusukat sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa English, Filipino, Math, Science, at Araling Panlipunan- Pag-unawa sa binasa (reading comprehension) = may ginawang pag-aaral ang Synergeia Foundation sa mga estudyanteng nasa Grade 1 hanggang Grade 6
    • 53% Bigong mambabasa (frustrated readers) = mga mambabasang nahihirapan sa kanilang binabasa at nangangailangan ng tulong sa pag-unawa ditto
    • 23% kayang magbasa nang walang tulong
    • 7% wala talagang naunawaan
  • Paglalathala ng mga batayang-aklat na may maling impormasyon – walang dudang nakasasama sa pagkatuto ang hindi wastong mga batayang-aklat, dahil nakasalalay sa de-kalidad na impormasyon ang de kalidad na pagkatuto
    • malaking pera ang nawawala sa pamahalaan dahil sa mga maling batayang-aklat-
    • sa tuwing natutuklasan ng DepEd na maraming mali sa mga aklat nito, kailangang bawiin ang mga aklat at maglathala ng mga bagong aklat na may naitamang impormasyon
    • Araling Panlipunan, Science, at English = Batayang aklat na may maling impormasyon
  • Dami ng trabaho at suweldo ng mga guro – palaging tambak ng trabaho ang mga guro sa pampublikong paaralan
    • hindi sosobra sa anim na oras ng aktuwal na pagtuturo sa klasrum bawat araw. Pero ang realidad, marami pang dagdag na tungkuling administratibo o pagsuporta sa mga mag-aaral ang iniaatas sa bawat guro
    • mas kaunti ang obligasyon ng mga guro sa pribadong paaralan
    • sa kabila ng bigat ng trabaho, napakababa ng pasuweldo sa mga guro sa pampublikong paaralan, 20,754 = basic salary
  • Nakakabahala ang mababang pasuweldo sa mga guro sa dalawang antas:
    1. pinagkakaitan nito ng nararapat na dignidad ang mga guro
    2. para mapataas ang kalidad ng edukasyon, kailangang maakit ang pinakamahusay na estudyanteng interesado sa edukasyon na piliin ang pagtuturo at manatili rito.
  • Wikang ginagamit sa pagtuturo – Ingles at Filipino ang mga wikang ginagamit sa pagtuturo, ang problema maraming batang Pilipino ang hindi mahusay sa parehong wika dahil iba ang wikang ginagamit sa kanilang tahanan (Bisaya, Bikolano, Hiligaynon, Tausug)
  • Mother Tongue-Based Multilingual Education (Kindergarten – grade 3) – itinuturo sa mga batang mag-aaral ang karamihan sa kanilang mga aralin gamit ang kanilang kinagisnang wika (mother tongue), habang pinapalalim nila ang pag-unawa sa wikang Ingles at Filipino sa ibang asignatura
    • Paggamit ng lokal na wika bilang midyum ng pagtuturo sa mga unang taon ng pag-aaral
  • Sistema ng Edukasyon   - tumutukoy sa instruksiyon sa paaralan na karaniwang pampublikong paaralan, mula kindergarten hanggang hayskul
  • Di pormal na edukasyon – tumutukoy sa ano mang organisadong pangedukasyong aktibidad sa labas ng isang pormal na sistema. Ang programa sa ilalim nito ay karaniwang maikli lamang at boluntaryo.
  •  
    “Education for All” – polisiyang naglalayong mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata man o matanda
  • Enhanced Basic Education Act of 2013 (K to 12 Law) – “Republic Act 10533 of 2013” o “Enhanced basic education curriculum”
    • pinatupad upang matugunan ang nilalaman ng “Education for all” o EFA. Gayundin, ang makasabay ang bansa sa mga hamon ng globalisasyon sa larangan ng edukasyon.
    • pinakamahalagang reporma sa sistema ng edukasyon nitong mga nagdaang taon
    • administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III
  • Department of Education – nangangasiwa sa batayang edukasyon (DEPED)
  • Commision on higher education – nangangasiwa sa tersaryang edukasyon (CHED)
  • Technical Education and Skills Development Authority – pangunahing tanggapan na namamahala sa pagpapaunlad ng mga institusyon at programa sa technical-vocational education at skills development (TESDA)
  • Brain Drain - Pag-alis ng mga propesyunal at skilled workers patungo sa ibang bansa
  • LAYUNIN NG K TO 12:
     
    • Makalikha ng mga mag-aaral na may kaalaman sa paghahanap buhay. Naglalayong malinang ang kasanayan sa siyensa at teknolohiya, musika, at sining, agrikultura, sports, at iba pang uri ng hanapbuhay.
    • Dagdag na mga taon para sa batayang edukasyon
    • Pagbibigay ng mas maraming pagkakataong makapagtrabaho sa mga hindi nakapagtapos ng kolehiyo
    • Pagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong kumuha ng espesyalisasyon sa isang track
  • Dagdag na mga taon para sa batayang edukasyon – pangunahing layunin ng K to 12
    • Bago ang K to 12, Pilipinas na lamang ang bansa sa Asya na may sampung taon ng batayang edukasyon. Layunin ng K to 12 na punuan ang pagkukulang na ito
    • inaasahan ng pamahalaan na sa paglipas ng panahon kaya ng makipagsabayn ng mga Pilipinong estudyante sa iba’t ibang panig ng mundo
  • Pagbibigay ng mas maraming pagkakataong makapagtrabaho sa mga hindi nakapagtapos ng kolehiyo – Layunin nito ang paghubog ng mga magsisipagtapos na kayang makapagtrabaho kahit hindi nagtapos ng kolehiyo
    • Gustong siguruhin ng K to 12 na kahit piliin nilang huwag mag kolehiyo, natutuhan na nila ang mga batayang kaalaman.
  • Pagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong kumuha ng espesyalisasyon sa isang track – may tatlong track na puwedeng pagpilian ng mga estudyante sa senior high school
    • Academic Track = estudyanteng nagplaplanong tumuloy sa kolehiyo
    • Sports and Arts Track
    • Technical Vocational Track = gustong kumuha ng akreditasyon ng TESDA para sa trabahong bokasyonal
  • Alternative Learning System – nagbibigay oportunidad sa mga hindi nakatapos ng sekondaryang edukasyon na makatapos sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kurso sa loob ng 6-10 buwan lamang
    • alternatibong uri ng edukasyon para sa mga bata na hindi nakakapag-aral sa tradisyunal na paaralan
  • Homeschooling – uri ng pag-aaral na nagaganap sa loob ng tahanan sa tulong ng gabay ng isang guro o magulang na aprubado ng Departmen of Education.
  • Online Learning – pangunahing instrument sa pagkatuto ay ang paggamit ng teknolohiya
  • Blended Learning – pinaghalong Online Learning at Face to Face
  • Pagbabago sa paggastos – tumaas ng 60% ang paggastos sa edukasyon, dahil dito mas maraming imprastrakturang pampaaralan ang naipatayo, at mas maraming nakuhang guro ang DepEd
    • naibaba ang student-to-teacher ratio
    • bumaba rin ang student-to-classroom ratio
  •  
    Pagbaba ng bilang ng mga out-of-school youth – mula nang ipatupad ang K to 12 bumaba ang bilang ng mga out-of-school youth (dropout)
    • maraming dropout ang nagpasyang bumalik sa pag-aaral
  • BALIK ARAL:
     
    Nahahati sa tatlong larangan ang sistema ng edukasyon: BATAYANG EDUKASYON, MAS MATAAS NA EDUKASYON, TEKNIKAL AT BOKASYONAL NA EDUKASYON
    • Pangunahing problema sa batayang edukasyon: akses, kalidad, paglathala ng maling batayang aklat, tambak na trabaho, mababang pasuweldo sa mga guro, wikang ginagamit sa pagtuturo
    • Pinakamahalagang reporma sa edukasyon: pagpapatupad ng K to 12
    • Magandang pagbabago sa edukasyon: malaking naidagdag sa pondo at paggastos sa edukasyon nitong nagdaang dekada. Nagresulta ito sa mas maraming silid-aralan at pagbaba ng student-to-teacher ratio.