PROXY WAR

Cards (20)

  • Proxy war
    Digmaan na hindi direktang sila ang magkatunggali ngunit lantad naman ang sinusuportahan nilang hukbo o, pangkat
  • Proxy wars
    • Digmaang Koreano (South/Timog Korea at North/Hilaga Korea)
    • Digmaang Vietnam (South Vietnam at North Vietnam)
  • Digmaang Koreano
    1950-1953
  • 38th parallel
    Hangganan ng dalawang Korea
  • Digmaang Koreano
    1. Sinalakay ng komunistang hilaga ang demokratikong timog
    2. United Nations (mayorya ay panig sa Estados Unidos) hindi hinayaan ang pagsalakay
    3. Pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur ang mga puwersa ng UN sa pag-atake sa Labanan sa Inchon
    4. Napagtagumpayan ng hukbo ni MacArthur ang labanan at nakuhang muli ang kontrol ng Seoul
    5. Nagpatuloy ang labanan upang maitulak ang hukbo ng Hilagang Korea sa hilagang hangganan
    6. Nagpadala ng hukbo ang mga komunistang Tsino upang umagapay sa Hilagang Korea
    7. Itinalaga ni Pangulong Truman si Matthew Ridgway kapalit ni Mac Arthur bilang lider ng hukbo
    8. Noong 17 Hulyo 1953, isang kasunduan ang nilagdaan na nagtapos sa digmaan
  • Sa halip na ang dalawang superpower ang naglaban, ang naglaban ang mga kaalyado nilang bansa
  • Arms race
    Pabilisang pagpaparami ng armas upang magamit sa pakikipagdigmaan
  • Arms race
    • Pagpapasabog ng kauna-unahang hydrogen bomb ng Estados Unidos noong 1952
    • Pagkagawa ng Intercontinental Ballistic Missile o, ICBM ng mga inhenyerong Sobyet noong 1957
  • Cuban Missile Crisis
    1. Nagbalak maglagay ang Unyong Sobyet ng mga misil nuklear sa Cuba
    2. Hindi ito ipinagwalang-bahala ng Estados Unidos
    3. Pagkatapos ng labintatlong araw na puno ng tensiyon at maraming lihim na negosasyon, sumang-ayon ang Unyong Sobyet na alisin ang mga misil
  • Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons

    Kasunduan upang mapigilan ang banta ng pagkalat ng armas nuklear
  • Space Race
    1. Gumawa ng kasaysayan ang Unyong Sobyet noong 1957 nang makapagdala ito ng kauna-unahang sasakyang pangkalawakan (spacecraft) sa kalawakan na pinangalanang Sputnik I
    2. Nasundan ito ng programang Luna simula noong 1959
    3. Pagsapit ng 1961, matagumpay na naipadala ng mga Sobyet si Yuri Gagarin sa kalawakan
    4. Matagumpay na naipadala noong 20 Hulyo 1969 ang mga unang astronawta sa buwan
  • Espionage
    Lihim na pagkilos upang makakuha ng kumpidensyal na impormasyon o, anumang bagay nang walang pahintulot
  • Ang pangunahing ahensiya ng Estadong Unidos sa gawain nito ay ang Central Intelligence Agency (CIA), samantalang ang katapat nito sa Unyong Sobyet ay ang Committee for State Security (Komitet Gosudarstvennoy Bezopasnosti o, KGB)
  • Pagwawakas ng Cold War
    1. Nagkaroon ng matinding suliraning ekonomiko ang Unyong Sobyet simula 1970 na humantong sa kakulangan sa pagkain
    2. Nang mailagay sa kapangyarihan bilang pinuno ng partido komunista si Mikhail Gorbachev noong 1985, isinulong niya ang patakarang glastnost at perestroika
    3. Dahil sa paghina ng komunismo sa Europa, nagpasiya ang pamunuan ng Silangang Alemanya noong 1989 na buksan ang mga lagusan nito sa Berlin Wall at malayang makapaglakbay ang mga tao
  • Noong 3 Oktubre 1990, pormal na pinag-isa ang Kanlurang Alemanya at Silangang Alemanya, hudyat na nagtatapos na ang Cold War
  • Iba pang salik ng pagbagsak ng Unyong Sobyet
    • Mga repormang dulot ng glastnost at prestroika ni Gorbachev
    • Agresyon ng mga Kanluraning Bansa laban sa Unyong Sobyet
    • Paglabnaw ng ideolohiyang sosyalismo bunga ng pagpapalit ng mga lider ng unyon
    • Mga problemang ekonomiko
    • Mga serye ng mapayapang rebolusyon na dahilan ng paghina at tuluyang pagwawakas ng komunismo sa Europa
  • Noong dekada 1990, sumailalim ang Unyong Sobyet sa repormang ekonomiko at nakaranas ito ng matinding krisis pinansiyal na higit pa sa naranasan ng Estados Unidos sa panahon ng Great Depression
  • Dahil din sa politikal na kaguluhan sa loob ng partido komunista ng Unyong Sobyet, nagbitiw si Gorbachev na nagresulta sa pagkabuwag ng unyon noong 31 Disyembre 1991
  • Nanatiling malakas ang Estados Unidos sa aspektong politikal sa harap ng pagkabuwag ng Unyong Sobyet. Ibig sabihin, mas dumami ang mga bansang demokratiko at liberal kaysa mga komunista
  • Sa aspektong teknolohohiko, sinasabing umunlad ang kaalaman sa paggamit ng enerhiyang nuklear, gayundin ang kaalaman sa astronomiya