Ap

Cards (111)

  • Kontemporaryo
    Mula sa salitong Latin na "com" na nangangahulugang "may kasama" at "temporius" na mula sa salitang "tempus" na nangangahulugang "oras"
  • Ang salitang "Kontemporaryo" ay naglalarawan sa takdang panahon hanggang sa kasalukuyan
  • Paano nasasabing na ang Isang pangyayari ay Mahalaga
    • Kung ito ay makabuluhang isyu
    • Kung ito ay lubhang nakalimpluwensya sa lipunan
    • Kung ito ay nagaganap sa kasalukuyang panahon
  • Pinagmumulan ng impormasyon
    • Primaryang sanggunian
    • Sekundaryangn sanggunian
  • Primaryang sanggunian
    Ang pinagmumuran ng impormasyon ay mula sa orihinal na nagkulat o nakaranas ng pangyayari
  • Sekundaryangn sanggunian
    Ang pinagmulan ng babasahin ay hindi nanggaling sa primaryang sanggunian at maaaring magamit sa kasalukuyan
  • Kontemporaryong isyu
    Mga pangyayari, mga sigalot o problema na pinag-uusapan sa lipunan
  • Kontemporaryong isyu
    • May kinalaman sa relihiyon, kalusugan, ekonomiya, pulitika at kultura
  • Ang usapin ng korapsyon ay isang halimbawa ng kontemporaryong isyu
  • Lipunan
    Mga tao na naninirahan sa isang organisado at sistematikong lugarga tao na naninirahan sa isang organisado at sistematikong lugar
  • Bahagi ng komunidad
    • Istrakturang panlipunan
    • Kultura
  • Elemento ng institusyong panlipunan
    • Institusyon
    • Social Group
    • Status
    • Gampanin
  • Institusyon
    Ito ay ang mga organisadong komunidad na bumubuo sa isang lipunan.
  • Ang institusyon ay binubuo ng:
    Pamilya
    Paaralan
    Ekonomiya
    Pamahalaan
    Pananampalataya
  • Pamilya
    Ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na kung saan ay nagsisimulang mabuo ang isang pamayanan. Ang unang humuhubog sa bawat sanggol na sinilang sa mundo. Ang mga magulang ang siyang unang guro ng mga bata. Ang tahanan isang ugnayan ng mga institusyong panlipunan.
  • Paaralan
    Ito ay ang lugar kung saan nahuhubog ang kakayahan ng mga bata. Itinuturo rin sa paaralan ng mga impormasyon sa pagitan ng tama o mali. Ito ang institusyon na katulong na humubog sa karunungan ng mga mag-aaral upang maging Isang mabuting mamamayan
  • Ekonomiya
    Ito ay ang kakayahan ng bawat isa na maging bahagi ng lakas paggawa. Dito tinatalakay ang palitan ng serbisyo o produkto ng mga producer at consumer demand at supply. Pinag-aaralan din ang dami ng yamang likas sa tugunan ng mga pangangailangan at kagustuhan ng mga mamamayan.
  • Pamahalaan
    Ang institusyon na nagtatalaga ng mga batas para sa ikaayos ng isang lipunan. Ito rin ang siyang nagkatalaga na tumulong sa mga nangangailangan sa kanyang nasasakupan.
  • Pananampalataya
    Ang institusyon na sandigan ng mga mamamayan ang paghahangad na ligtas sa maghapon maging sa trabaho sa loob ng bahay.
  • Social group
    Ang institusyong panlipunan na binubuo ng dalawa o higit pang tao na may magkakaugnay na katangian at pagkakasundo sa kanilang mga hangarin.
  • Primary group
    Ito ay kabilang ng mga taong malalapit sayo katulad ng pamilya kamag-anak o mga taong may impormal na pakikipag-ugnayan tulad ng kaibigan o kabarkada.
  • Secondary group
    Kinabibilangan ng mga taong may pormal na ugnayan sa isa't isa.
  • Status
    Ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan.
  • Ascribed status
    Ito ay tumutukoy sa iyong posisyon sa lipunan mula ng ikaw ipinanganak o isinilang.
  • Achieved status
    Ito ay iyong posisyon na dulot ng iyong pagsisikap o mga pagbabago sa iyong buhay sa mahabang panahon.
  • Gampanin
    Tumutukoy sa mga gawain, obligasyon, responsibilidad, at karapatan ng indibidwal sa kanyang lipunan.
  • Emile Durkheim
    Ayon sa kanya ang lipunan ay isang buhay na organismo na patuloy na kumikilos at nagpabago na kung saan nagaganap ang mga pangyayari.
  • Isabel Panopio
    Ayon sa kanya ang lipunan ng isang sistematikong komunidad na binubuo ng balangkas at gampanin. Ang balangkas ay tumutukoy sa organisasyon ng mga mamamayan na gagawa ng mga batas upang sundin ang lipunan habang ang gampanin naman ay tumutukoy sa kakayahan ng taong nagawin ang kanyang bahagi sa lipunan
  • Karl Marx
    Ang lipunan ikakitaan ng tunggalian ng interes sa kapangyarihan. Ito rin ay kakitaan ng hindi pagkasundo dulot ng pagkakaroon ng limitadong pinagkukunang yaman ng bansa. Bunga nito nagkaroon na hindi pantay na antas ng pamumuhay sa lipunan
  • Charles Cooley
    Ang lipunan ay magkakawing na ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran.
  • Ayon Kay Margaret Andersen at Howard Taylor,  Ang kultura isang komplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan sa kabuuan.
  • Paniniwala
    Ito isang batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo .
  • Pagpapahalaga
    Batayan ng isang pangkat o grupo kung ano ang katanggap-tanggap para sa kanila.
  • Norms
    Pamantayan ng pagkilos ng isang lipunan
  • Nahahati sa dalawa ang norms:
    Folkways
    Mores
  • Folkways
    Itinuturing na pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang lipunan.
  • Mores
    Mas higit na batayan ng kilos ay ang morse na ang paglabag ay may kaukulang legal na parusa.
  • Simbolo
    Paglapat ng kahulugan sa isang kilos o bagay ayon sa gamit nito sa isang indibidwal.
  • Dalawang uri ng kultura:
    Material
    Di-Materyal
  • Materyal
    Ito ay bahagi ng kultura na nagbibigay ng kahulugan at mahalaga para sa pag-unawa ng kultura. Ito ay karaniwang nahahawakan at nakikita ng tao.