Filipino 4th Quarter

Cards (30)

  • Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang aklat na isinulat ni Rizal.
  • Rebolusyon ang pokus ng El Fili.
  • Bumalik si Rizal sa Pilipinas upang operahan ang kanyang ina noong Agosto 6, 1887
  • Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo noong Oktubre 1887
  • Si Gobernador Heneral Terrero ay nagpayo kay Rizal na umalis ng Pilipinas
  • Umalis si Rizal noong Pebrero 3, 1888 at nirebisa niya ang mga naunang nasulat sa El Fili
  • Noli Me Tangere
    Nobela ni Rizal na isinulat noong 1884-1887
  • Muling umalis si Rizal at nagtungo sa iba't ibang bansa
    Pebrero 3, 1888
  • Pagbabalangkas ng El Fili
    1. Disyembre 1884 - Habang isinusulat pa ang Noli
    2. Oktubre 1887 - Pagkabalik ni Rizal sa Pilipinas, sinimulan niyang buoin ang unang bahagi ng El Fili sa Calamba
    3. Pebrero 1888 - Umalis si Rizal sa Pilipinas at nagtungo sa iba't ibang bansa. Sa taong din ito, nirebisa at binago niya ang mga naunang naisulat na bahagi ng El Fili
    4. 1890 - Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat ng El Fili sa Paris, Brussels, Madrid, at Pransiya
  • Pagpapalimbag ng El Filibusterismo
    1. Marso 29, 1891 - Lumipat si Rizal sa Ghent, Belgium upang ipalimbag ang El Fili
    2. Hulyo 5, 1891 - Natapos at naipalimbag nang buo ang El Filibusterismo sa F. Meyer-Van Loo Press
    3. Agosto 6, 1891 - Itinigil ang paglilimbag sa El Fili na noo'y nasa ika-122 pahina na dahil sa kakapusan sa pera ni Rizal
  • Binigyan ni Rizal ng kopya ng El Fili ang mga kaibigang sina Juan Luna, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Dr. Ferdinand Blumentritt
  • Nagpadala rin si Rizal ng mga kopya sa Hong Kong at sa Pilipinas ngunit nasamsam ang mga ito ng Pamahalaang Espanyol at nawala
  • Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela ngunit marami pa rin ang mga nakalusot
  • Muling kinapos sa pera si Rizal nang maubos ang perang kanyang tinipid
  • Valentin Ventura
    • Mayamang kaibigan ni Rizal mula sa Paris
    • Siya ang gumastos sa pagpapalimbag ng nobelang "El Filibusterismo" ni Rizal
  • Binigay ni Rizal kay Valentin Ventura
    • Isang panulat at orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo
    • Ilang nalimbag at nilagdaang sipi ni Rizal
  • Nabasa ito ng mamamayang Pilipino at nakatulong na magbigay-inspirasyon sa mga naghihimagsik
  • Nakatulong nang malaki ang EL FILI kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896
  • Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan
    1892
  • Nakatulong ang nobelang EL FILI
    Upang buksan ang diwa ng rebolusyon ng mga Pilipino lalo na si Andres Bonifacio
  • Tinipon ni Andres Bonifacio ang kanyang mga mapanghimagsik na Katipunero at pinunit ang kani-kanilang mga cedula

    Noong ika- 23 ng Agosto taong 1896
  • El Filibusterismo
    • Mga Salin sa Wikang Ingles: "The Filibustering", "The Reign of Greed", "The Subversive"
    • Mga Salin sa Wikang Filipino: "Ang Paghahari ng Kasakiman", "Ang Subersibo"
  • Filibusterismo
    Mula sa salitang Kastila na "filibustero" na hiniram naman sa salitang Pranses na "filibustier"
  • Filibustero
    Mapanganib na taong (makabayan) mamamatay kahit na anong oras
  • 1872 - naganap ang Cavite Mutiny at idinawit ng mga prayle ang GOMBURZA sa naganap na pag-aaklas at sila ay tinawag na mga filibustero
  • Pebrero 17, 1872 - Binitay ang GOMBURZA sa pamamagitan ng garote
  • Nasaksihan ni Rizal (11 taong gulang) ang karumal-dumal na pagbitay sa tatlong pari, ito ay kumintal sa isipan at bumiyak sa kaniyang puso kaya inialay niya ang nobelang "EL FILIBUSTERISMO" sa GOMBURZA
  • Mga Layunin ng Pagsulat ng El Filibusterismo
    • Inialay ni Rizal ang nobela sa tatlong paring martir na GOMBURZA bilang pagpupugay
    • Imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Espanyol
    • Ilantad ang katotohanan sa marahas at puno ng paghihirap na buhay ng mamamayang Pilipino sa kamay ng mga mananakop na Espanyol
    • Ilantad ang mga pang-aabuso ng mga miyembro ng Simbahan at korapsyon ng pamahalaan
    • Magkaroon ng pagbabago sa kalayaan ng bansa
    • Magkaroon ng pagbabago sa sistemang pang-edukasyon
  • 1925 - Binili ng pamahalaang Pilipinas ang orihinal na kopya (sulat kamay) ng nobela kay Valentin Ventura sa halagang Php 10,000
  • Ang orihinal na akda na binubuo ng 279 na pahina, ay nakalagak ngayon sa Filipiniana Division ng National Library of the Philippines sa Maynila