W1

Cards (13)

  • Elemento ng pulong
    1. Pagpaplano
    2. Paghahanda
  • Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, record o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nilahad sa isang pagpupulong.
  • Paghahanda
    Tagapangulo – sa kanya magmumula ang agenda. Siya ang magdidisensyo kung paano patatakbuhin ang pulong at kung paano tatalakayin ang lahat ng isyu
  • Paghahanda
    Kalihim – kailangan niyang ihanda ang katitikan ng pagpupulong o talaan noong nakaraang pulong at iba pang mga ulat at kasulatan ng organisasyon. Tungkulin niyang ipaalala ang mga paksa sa agenda upang masigurado na matatalakay lahat.
  • Pagpoproseso -Sa pormal na pagpupulong ay may mga sinusunod na patakaran. Ang mga patakarang ito ay tungkol sa pagdedesisyon sa pulong at gagawin sa pagpupulong.
  • Quorum – bilang ng mga kasapi na kasama sa pagpupulong na dapat dumalo upang maging opisyal ang pulong.
  • Consensus – isang proseso ng ng pagdedesisyon kung saan nagkakaisa ang lahat ng mga kasapi sa pulong
  • Simpleng mayorya – proseso ng pagdedesisyon kung saan 50% ng pagsangayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang oposyal na pulong.
  • 2/3 majority – proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinakailangan ang 2/3 o 66% na pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong
  • Pagtatala
    Lahat ng mga kasapi sa pulong ay kinakailangang magtala ng mga impormasyon habang isinasagawa ang pulong. Ngunit ang kalihim ang maghahanda ng opisyal na tala ng pulong o katitikan ng pulong. Ito ang magsisilbing record ng mga desisyon at pinag-usapan sa pulong
  • Nilalaman ng pagpupulong
    • Paksa
    • Petsa
    • Oras
    • Pook ng pagdarausan ng pulong
    • Mga taong dumalo at hindi dumalo
    • Lagda
  • MGA DAPAT-ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG
    1. Wika – pormal ang wikang ginagamit sa pagsulat ng katitikan ng pulong dahil ito’y mahalagang dokumento.
    2. Estilo – may konsistensi dapat ang estilong gagamitin. Pormal ang estilo dahil pormal din ang paksa at wika.
    3. Nilalaman – balangkas ng napag-usapan, napagdesisyunan at mga tatalakayin pa sa susunod na pagpupulong
  • Pagpaplano Masusing binubuo ang layunin ng pulong. Nagtatakda ng mga inaasahang makakamit. Pinaguusapan ang mga posibilidad na mangyayari