Filipino sa Piling Larang Aristotle

Cards (43)

  • Lakbay Sanaysay
    Tinatawag itong travel essay o travelogue. Mas malawak na kategorya ng travel literature
  • Agenda
    Ang sulating ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tatalaklayin sa isasagawang pagpupulong
  • Agenda
    Isinasaad sa sulating ito ang mga pakay o layunin sa gagawing pagpupulong.
  • Katitikan
    Isang akademikong sulatin ito na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad o napag-usapan sa isang pagpupulong.
  • Iskedyul
    Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pagpupulong.
  • Patalastas
    Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.
  • Pagtatapos
    Inilalagay sa bahaging ito ng katitikan kung anong oras natapos ang pulong.
  • Lagda
    Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
  • Heading
    Naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran ang bahaging ito. Makikita rin dito ang petsa, lokasyon, at oras ng pagsisimula ng pulong.
  • Action Items
    Kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang proyekto bahagi ng nagdaang pulong.
  • Pangulo
    Sa isang pagpupulong, sino lamang ang maaaring magpatawag ng pulong at magbigay ng mga tatalakaying paksa?
  • Kalihim, Typist, Reporter sa Korte
    Sino-sino ang mga taong maaaring sumulat ng Katitikan ng Pulong?
  • Bago ang pulong
    Gamitin ang agenda para gawin nang mas maaga ang balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa. Kailan ito ginagawa?
  • Habang isinasagawa ang Pulong
    Huwag kalimutan gumamit ng recorder
  • Bago ang Pulong
    Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, uri ng pulong (buwanan, lingguhan), at maging ang layunin nito.
  • Pagkatapos
    Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon, at ang naging resulta ng botohan.
  • Agenda
    Ito ay talaan ng mga paksang pag-uusapan sa isang pulong
  • Ikatlo
    Isinusulat ang Katitikan ng pulong sa anong perspektibo o punto-de-bista o panauhan?
  • Una
    Anong perspektibo o punto-de-bista (panauhan) naisusulat ang lakbay sanaysay?
  • Una at Ikalawa
    Anong perspektibo o punto-de-bista (panauhan) naisusulat ang Posisyong Papel?
  • Ikatlo
    Anong perspektibo o punto-de-bista (panauhan) naisusulat ang Agenda?
  • Katitikan
    Nagsisilbing prima facie evidence (legal na ebidensya) ito bilang patunay sa mga napag-usapan.
  • Subhetibo
    Obhetibo o subhetibo ba ang paraan ng pagsulat ng isang lakbay sanaysay?
  • Obhetibo
    Obhetibo o subhetibo ba ang paraan ng pagsulat ng isang Katitikan ng Pulong?
  • Posisyong papel
    Ano ang tawag sa isang sulatin na paninindigan lamang ng isang indibidwal?
  • Unang bahagi
    Saang bahagi kalimitang mababasa ang paksa ng posisyong papel?
  • Tama
    “Dapat nang ibalik ang parusang kamatayan” ay isang proposisyon o paninindigan. Tama o Mali?
  • Lakbay sanaysay
    Dahilan ng pagsulat ng sulating ito ay upang itaguyod ang isang lugar at kumita, makalikha ng patnubay sa manlalakbay, pansariling kasaysayan at idokumento ang kasaysayan.
  • Tama
    Ang lakbay sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan, na siyang sumasalamin sa pagkatao ng manunulat. Tama o Mali?
  • Tama
    Ang lead o pamatnubay ay isang elemento ng lakbay sanaysay na tumutukoy sa kapana-panabik na panimula o introduksiyon ng artikulo upang mahagip ang atensyon ng mga mambabasa. Tama o Mali?
  • Tama
    Hindi na kailangang gumawa ng balangkas bago isulat ang posisyong papel kung ikaw ay sigurado na sa iyong mga nakalap na datos. Tama o Mali?
  • Tama
    Ang pagbibigay ng opinyon ng isang taong may awtoridad o kaalaman hinggil sa paksa ay nakapagpapatatag ng pangangatwiran. Tama o Mali?
  • Mali
    Hindi na kailangang ilagay sa agenda ang pangalan ng mga dadalo sa isang pagpupulong. Tama o Mali?
  • Tama
    May introduksyon, katawan at wakas ang lakbay-sanaysay. Tama o Mali?
  • Agenda
    Pambungad na Pananalita -Gng. Aquino – 10 minuto Paghahalal ng bagong opisayles Bb. Salazar – 30 minuto Agenda
  • Lakbay Sanaysay
    Napakasaya ng aming family outing sa Lobo, Batangas. Sa biyahe pa lamang ay ramdam ko na ang beach vibes
  • Lakbay Sanaysay
    Wow! Ito na lamang ang namutawi sa aking mga labi pagkakita ko pa lamang ng lumalagaslas na waterfalls sa Pagsanjan.
  • Katitikan
    Nagsimula ang pagpupulong sa ganap na ika-9 ng umaga sa bulwagan ng Pasig City Hall na pinangunahan ni G. Ramos.
  • Posisyong Papel
    Palala nang palala ang problema sa init ng panahon sa ating bansa. Ngunit, tama nga bang mag-shift sa Modular Distance Learning ang mga eskwelahan?
  • Katitikan
    Napagkasunduan na ipatupad ang curfew sa barangay simula ngayong araw, Marso 28. Sinang-ayunan ito ng lahat ng dumalo.