Menandro - Mabuting kaibigan ni Florante. Naging kaklase nlya ea Atenas. Nakapagligtas ng buhay ni Florante at siyang naging kanang kamay niya sa digmaan.
Antenor - Ang mabuting guro nina Florante, Adolfo, at Menandro habang sila'y nag-aaral sa Atenas. Siya ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante.
Prinsesa Floresca - Ang mapagmahal na ina ni Florante, asawa ni Duke Briseo, at anak ng hari ng Krotona. Maaga niyang naulila si Florante sapagkat namatay siya habang nag-aaral pa lang si Florante sa Atenas.
Duke Briseo - Ang butihing ama ni Florante. Kaibigan at taga-payo ni Haring Linceo.
Haring Linceo - Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.
Si Laura ay anak ni Haring Linceo. Siya'y magandang dalagang hinangaan at hinangad ng maraming kalalakihang tulad nina Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag-ibig ay nanatiling laan para kay Florante.
Si Florante ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya ang magiting na heneral ng hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat.
Konde Adolfo - Isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante
mula nang mahigitan siya nito sa husay at popularidad habang sila'y nag-aaral pa sa Atenas. Siya ang umagaw sa kahariang Albanya, nagpapatay kina Haring Linceo at Duke Briseo, nagpahirap kay Florante, at nagtangkang umagaw kay Laura.
Menalipo - Pinsan ni Florante. Nakapag-ligtas sa buhay niya mula sa isang buwitre noong siya'y sanggol pa lámang.
Konde Sileno - Ama ni Adolfo na taga-Albanya
Heneral Osmalik - Magiting na heneral ng Persiya na namuno sa pananakop sa Krotona subalit natalo at napatay ni Florante.
Heneral Miramolin - Heneral ng Turkiyang namuno sa pagsalakay sa Albanya subalit nalupig nina Florante at ng kanyang hukbo.
Sultan Ali-Adab - Malupit na Ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.
Emir - Gobernador ng mga Moro na nag- tangka kay Laura subalit tinanggihan at sinampal sa mukha ng dalaga. Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa maagap na pagdating ni Florante.
Aladin - Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya; anak ni Sultan Ali-Adab. Naging kaagaw niya ang ama sa kasintahang si Flerida kaya't pinili niyang magparaya at maglagalag sa kagubatan. Dito niya nailigtas si Florante na itinuturing na mahigpit na kaaway ng kanilang bayan at relihiyon.
Flerida - Kasintahan ni Aladin na tinang- kang agawin ng amang si Sultan Ali-Adab. Tumakas siya sa gabi ng nakatakdang kasal sa sultan upang hanapin ang kasintahan. Nailigtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo nang panain niya sa dibdib at mapatay ang buhong.