PANANALIKSIK

Cards (30)

  • Pananaliksik
    Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito
  • Pananaliksik
    Ayon kay Aquino (1974), ito ay may sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang informasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin
  • Pananaliksik
    Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan (Manuel at Medel: 1976)
  • Layunin ng Pananaliksik
    • Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena
    • Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at informasyon
    • Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o produkto
    • Makatuklas ng mga hindi pa nakikilalang substances at elements
    • Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substance at elements
    • Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan
    • Masatisfay ang kuryosidad ng mananaliksik
    • Mapalawak o maverify ang mga umiiral na kaalaman
  • Katangian ng Pananaliksik
    • Sistematiko
    • Kontrolado
    • Empirikal
    • Mapanuri
    • Objektiv, lojikal, at walang pagkiling
    • Gumagamit ng quantitative o istatistikal na metodo
    • Akyureyt na investigasyon, obserbasyon at deskripsiyon
    • Matiyaga at hindi minamadali
    • Pinagsisikapan
    • Nangangailangan ng tapang
    • Maingat na pagtatala at pag-uulat
  • Uri ng Pananaliksik
    • Analisis
    • Aral-kaso o Case Study
    • Komparison
    • Korelasyon-Prediksyon
    • Evalwasyon
    • Disenyo-Demonstrasyon
    • Sarvey-Kwestyoneyr
    • Istatus
    • Konstruksyon ng Teorya
    • Trend Analisis
  • Mga Katangian ng Mananaliksik
    • Masipag
    • Matiyaga
    • Maingat
    • Sistematiko
    • Kritikal o mapanuri
  • Mga Pananagutan ng Mananaliksik
    • Kinikilala ang lahat ng pinagkunan ng datos
    • Ginagawan ng karampatang tala ang bawat hiram na termino at ideya
    • Hindi nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi at binibigyan ng karampatang pagkilala
    • Hindi nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partikular na pananaw
    • Pagtiyak na mapaninindigan ng mananaliksik ang lahat ng interpretasyon na kanyang binuo batay sa kanyang masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap
  • Mga Hakbang sa Pananaliksik
    • Tukuyin ang Problema
    • Rebyuhin ang Literatura
    • Linawin ang Problema
    • Malinaw na bigyang-kahulugan ang mga Termino at Konsepto
    • Ilarawan ang Populasyon
    • Idebelop ang Plano ng Instrumentasyon
    • Kolektahin ang mga Datos
    • Suriin ang mga Datos
    • Isulat ang Papel Pampananaliksik
    • Isulat ang resulta ng pag-aaral
  • Mga Pahinang Preliminari

    • Pamagating Pahina
    • Dahon ng Pagpapatibay
    • Pasasalamat o Pagkilala
    • Talaan ng mga Talahanayan at Grap
  • Mga Hakbang sa Pananaliksik
    1. Kolektahin ang mga Datos
    2. Suriin ang mga Datos
    3. Isulat ang Papel Pampananaliksik
    4. Isulat ang resulta ng pag-aaral
  • Mga Pahinang Preliminari

    • Pamagating Pahina
    • Dahon ng Pagpapatibay
    • Pasasalamat o Pagkilala
    • Talaan ng mga Talahanayan at Grap
  • Pamagating Pahina
    Pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel
  • Dahon ng Pagpapatibay
    Pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel
  • Pasasalamat o Pagkilala
    Tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong papel at kung gayo'y nararapat pasalamatan o kilalanin
  • Talaan ng mga Talahanayan at Grap
    Nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o grap na nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa
  • Hindi nilalagyan ng bilang ng pahina o pagination ang mga pahinang preliminari
  • May pamanahong papel din na kakikitaan ng Pag-aalay o Dedikasyon na isang opsyonal na pahina
  • Panimula o Introduksyon
    Kinapapalooban ng maikling pagtalakay ng paksa ng pananaliksik
  • Layunin ng Pag-aaral
    Inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aaral, tinutukoy din dito ang mga ispesipikong suliranin na nasa anyong patanong
  • Kahalagahan ng Pag-aaral

    Inilalahad ang significance ng pagsasagawa ng pananaliksik ng pag-aaral
  • Saklaw at Limitasyon
    Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik, tinatakda rito ang parameter ng pananaliksik
  • Depenisyon ng mga Terminolihiya/Katawagan
    Mga katawagang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa'y binigyan ng kahulugan
  • KABANATA II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
    Tinutukoy rito ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik, kailangang matukoy rin ng mananaliksik kung sino-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura, disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral, ipinaaalam dito na mananaliksik ang kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanyang paksa
  • KABANATA III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
    Disenyo ng Pananaliksik - nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral, Respondente - kung ilan sila, paano at bakit sila napili, Instrumento ng Pananaliksik - inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng datos, iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung paano at bakit niya ginawa ang bawat hakbang, Tritment ng Datos - inilalarawan kung anong estadistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan
  • KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
    Inilalahad dito ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstuwal at tabular o grapik na presentasyon, inilalahad dito ang kanyang analisis at pagsusuri
  • KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
    Lagom - binubuod ang datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinalakay sa kabanata IV, Kongklusyon - mga inference, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag batay sa datos na nakalap ng mananaliksik, Rekomendasyon - mungkahing solusyon para sa mga suliraning natuklasan
  • Mga Panghuling Pahina

    • Listahan ng Sanggunian
    • Apendiks/ Dahong- Dagdag
  • Listahan ng Sanggunian - isang kompletong tala ng lahat ng mga hanguan na ginamit sa pagsulat ng pamanahong papel
  • Apendiks/ Dahong- Dagdag - maaaring ilagay/ipaloob dito ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsiyon ng interbyu, sampol ng sarbey kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung ano-ano pa