Ap

Cards (327)

  • Kolonyalismo
    Pananakop ng mga bansang Kanluranin
  • Imperyalismo
    Pagpapalaganap ng impluwensya at kapangyarihan ng mga bansang Kanluranin
  • Mga Kasanayang Pampagkatuto
    • Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog Silangang Asya
  • Isolationism
    Paghihiwalay ng China sa mga bansa sa mundo
  • Ang China ay nagpatupad ng paghihiwalay nito sa mga bansa sa mundo dahil sa mataas na pagtingin nito sa kanyang kultura, hindi pa din siya nakaligtas sa pananakop ng mga bansang kanlurain.
  • Nang makapasok ang England sa China pumayag ang emperador nito na magpasok ng produktong opyo isang halamang gamot na kapag inabuso ay makasasama sa kalusugan.
  • Dahil sa hindi naging magandang epekto nito sa mga Tsino ay ipinagbawal na ang pagpasok nito na nagdulot ng mga Digmaang Opyo at ng pagkatalo ng China sa England at gayun din sa France na kumampi sa England na nagdulot ng panghihimasok ng mga ito sa kanilang mga patakarang politikal.
  • Ang Japan naman ay hindi din nakaligtas sa mga kanluranin, napilitan silang magbukas ng kanilang mga daungan sa pangunguna ng United States ng ipinadala si Comodore Matthew Perry upang hilinging buksan ang mga daungan nito.
  • Dahil sa nakitang malakas na puwersang dala ng United States, walang nagawa ang Japan kundi buksan ang kanilang mga daungan. Sinamantala naman ng England, France, Germany, Russia at Netherlands ang pagpasok dito.
  • Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay madaling nasakop ng mga Kanluranin.
  • Ang Pilipinas ay kaisa-isang bansa sa Asya na nasakop ng Spain.
  • Ito ay unang natagpuan ni Ferdinand Magellan isang Portuges na manlalayag na naglingkod sa hari ng Spain ng sila ay napadpad sa pulo ng Homonhon sa Samar, naging maganda ang pakikitungo ng mga katutubong Pilipino at ang kanilang mga pinuno sa mga dayuhan.
  • Nagsagawa sina Magellan ng misa sa Limasawa at binyagan sa Cebu upang lubusang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.
  • Ngunit siya'y napatay at ang ilan niyang mga kasamahan ng mga tauhan ng pinuno ng Mactan na si Lapu Lapu sa labanan na naganap dito.
  • Ngunit hindi doon natapos sa kanilang pagkatalo ang naisin ng Spain na sakupin ng Pilipinas kayat nagpadala uli ng mga ekspedisyon ang hari nito upang masakop ang bansa.
  • Ang ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legaspi ang nagtagumpay sa pananakop sa Pilipinas at nagtatag ng pamahalaan at mga patakaaran sa bansa.
  • Ang Indonesia ay nasakop ng mga bansang Portugal, Netherlands at England.
  • Ang bansang ito ay mayaman sa mga pampalasa na matatagpuan sa isa sa kanilang pulo na Moluccas o kilala sa tawag na Spice Island.
  • Ang mga Dutch ng bansang Netherlands ay nagtayo ng kompanyang Dutch East India Company sa Indonesia para sa pakikipagkalakalan. Ginamit nila ang divide and rule policy (pinag- aaway-away ang mga lokal na pinuno) upang masakop ang Indonesia.
  • Ang Malaysia ay nasakop naman ng Portugal, Netherlands, at England. Ang bansang ito ay kilala sa malawak na plantasyon ng goma (rubber) at lata (tin) na siyang pinagkakitaan ng mga Ingles.
  • Kilala ang Singapore sa tawag na Singapura na galing sa salitang Malay na ibig sabihin ay Lion City dahil dati itong bahagi ng Malaysia ngunit nasakop ng England.
  • Burma ang dating pangalan ng Myanmar na hindi nakaligtas sa pananakop ng England. Nagkaroon ng mga Digmaang Anglo-Burmese dahil sa pagtutol ng mga Burmese sa mga patakaran ng mga Ingles. Nanalo ang England sa labanan na naging dahilan ng mas malawakang pagkontrol ng mga ito sa Burma (Myanmar)
  • Ang mga bansang Laos, Vietnamn at Cambodia ay tinawag na French Indo-China dahil sa may pinaghalong kultura ng India at China na nasakop ng bansang France.
  • Panuto: Sa gawaing ito mapapalalim pa ang inyong kaalaman tungkol sa paksang tinalakay. Isulat sa sagutang papel kung sa anong bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya naganap ang mga pangyayari sa larawan. Piliin ang letra ng tamang sagot sa gilid ng larawan.
  • Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang letra ng sagot.
  • Opyo
    Produktong ipinasok ng England sa China na naging sanhi ng digmaan
  • Mga reaksyon ng mga katutubo sa pagdating nina Magellan
    • nagalit ang mga katutubo
    • nakipagkaibigan ang mga katutubo
    • nakipaglaban ang mga katutubo
    • malugod silang tinaggap ng mga katutubo
  • Divide and conquer

    Paraang ginamit ng bansang Netherland sa Indonesia upang masakop ito
  • Mga pangyayari na naging dahilan ng pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya
    • Krusada
    • Rebolusyong Industriyal
    • Merkantilismo
    • Paglalakbay ni Marco Polo
  • Kolonyalismo
    Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya
  • Imperyalismo
    Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya
  • Mga Kasanayang Pampagkatuto
    • Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog Silangang Asya
  • Matapos ang araling ito, ikaw ay inaasahan na:
  • Opyo
    Isang halamang gamot na dinala ng England sa China na naging sanhi ng digmaan ng dalawang bansa
  • Ferdinand Magellan
    Isang Portuges na manlalakbay na nakarating sa Pilipinas sa ngalan ng hari ng Spain
  • Maluku
    Pulo sa Indonesia na tinawag ding Spice Island dahil sa mayaman ito sa mga pampalasang produkto
  • Mga Patakarang Ipinatupad ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog-Silangang Asya
    1. Sphere of Influence sa China
    2. Open Door Policy
    3. Meiji Era sa Japan
    4. Tributo o pagbabayad ng buwis ng mga katutubo
    5. Polo y servicio o sapilitang paggawa ng mga kalalakihang edad 16-60 taong gulang
    6. Kalakalang galyon
    7. Paggamit ng Kristiyanismo
    8. Culture System sa Indonesia
    9. Resident System sa Burma
    10. Pagtatanim ng palay sa French Indo-China
  • Mga Bansa
    • China
    • Japan
    • Pilipinas
    • Indonesia
    • Burma (Myanmar)
    • French Indo-China
  • Matapos matalo ang China sa dalawang Digmaang Opyo
    Unti-unting humina ang katatagan ng pamahalaan nito na siyang nagbigay daan sa pagsasamantala ng ibang mga kanluranin na makapasok sa mga daungan nito
  • Nang maging bukas ang mga daungan ng Japan sa mga Kanluranin

    Humina ang pamumuno ng Shoguntong Tokugawa na pinalitan ang pamumuno ni Emperor Mutshuhito