Agrikultura - isang agham, sining, at gawain ng pagproprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto
Paghahalaman - Maraming pangunahing pananim ang ating bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka.
Paghahayupan - ay binubuo ng pagaalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa.
Pangingisda - Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa.
Paggugubat - ay isang pangunahing pangekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito.
Pinagmumulanngmgahilawnamateryal - ang sektor na ito ay nagsisilbing tagasuplay ng mga hilaw na materyal na kailangan ng industriya.
Pangunahingpinagmumulanngpagkainngmgamamamayan - Pagkain ang pangunahing produktong tinatamasa natin mula sa sektor ng agrikultura, partikular na sa subsektor ng pagsasaka, paghahayupan at pangingisda.
Nagkakaloob ng hanapbuhay - Nagkakaloob ng maraming trabaho ang agrikultura. Pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga mamamayang Pilipino ang agrikultura
Pinanggagalinganngdolyar - Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan.