pananaliksik - ang pagtuklas ng isang teorya at paglutas sa isang suliranin
masuring pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay at isue, tao at iba pang nais bigyang linaw, patunayan o pasubalian
pananaliksik
ayon kay Good, ang pananaliksik ay isang maingat, mapanuri, disiplinadong pamamaraan ayon sa kalakasan at kalagayan ng suliranin na itinutuon para sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin
ayon kay Parel, ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pasisiyasat tungkol sa isang bagay sa layuning sagutin ang ilang katanungan ng pananaliksik
ayon kina Treece at Truce, ang pananaliksik ay pangtatangkang makakuha ng kalutasan sa mga suliranin. Sa katiyakan, ito'y paglilikom ng mga datos sa isang mahigpit at kontroladong kalagayan sa layuning makapaghinuha o makapagpaliwanag
anong katangian ng pananaliksik ito? : naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri
obhetibo
anong katangian ng pananaliksik ito? : ito ay sumusunod sa lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap sa kongklusyon.
sistematiko
anong katangian ng pananaliksik ito? : nakabatay sa kasalukuyang panahon
napapanahon
anong katangian ng pananaliksik ito? : ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula sa tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mga mananaliksik
empirikal
anong katangian ng pananaliksik ito? : maaaring masuri at mapatunayan ng iba pang mananaliksik ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral dahil taglay nito ang maingat at tamang paghahabi at paghahatol ng mananaliksik
kritikal
anong katangian ng pananaliksik ito? : nararapat itong sumusunod sa mga pamantayang inilahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis na kabuoan
masinop, malinis, at tumutugon sa pamantayan
anong katangian ng pananaliksik ito? : nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos na binigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito
dokumentado
sino ang nagsabi? ang pananaliksik ay "isang maingat, mapanuri, disiplinadong pamamaraan ayon sa kalakasan at kalagayan ng suliranin na itinutuon para sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin"
good
sino ang nagsabi? ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pasisiyasat tungkol sa isang bagay sa layuning sagutin ang ilang katanungan ng pananaliksik
parel
sino ang nagsabi? ang pananaliksik ay pagtatangkang makakuha ng kalutasan sa mga suliranin. Sa katiyakan, ito'y paglilikom ng mga datos sa isang mahigpit at kontroladong kalagayan sa layuning makapaghinuha o makapagpaliwanag
treece at truce
ano ang batayan na ito sa pagpili ng paksa? : ang pagtiyak sa sakop na panahon ng paksa ay nakakapagpapadali ng isinasagawang pag-aaral
sakop ng panahon
ano ang batayan na ito sa pagpili ng paksa? : higit na makatawag pansin ang paksang natutukoy agad ang edad o kaya'y ayon sa partikular na gulang mismo
sakop na edad
ano ang batayan na ito sa pagpili ng paksa? : maaaring maging batayan sa paglilimita ang mga trabaho o grupong sosyal, etnolinggwistiko o pampropesyonal
sakop ng propesyon o grupong kinabibilangan
ano ang batayan na ito sa pagpili ng paksa? : maaaring magamit ang anyo, kalagayan sa lipunan, pigura o istraktura
sakop ng anyo o uri
ano ang batayan na ito sa pagpili ng paksa? : magagamit sa paglilimita ng paksa ang partikular na lugar o sa ma malawak na lugar
sakop ng lugar
ang kaugnay na literatura ay dapat na :
ang literatura ay bago
pinapanigan ng maraming eksperto
nagbibigay ng komprehensibong impormasyon patungkol sa paksa
nagpapakita ng mataas na digri ng kredibilidad sa mambabasa at kritiko
aplikabilidad ng teksto sa tinuturang paksa ng pag-aaral