Pangunahing bangko ng pamahalaan na ang layunin nito ay magbigay at magpahiram ng pondo sa mga programang pansakahan.
Land Bank of the Philippines
Tumtulong sa pamahalaan na mapaunlad ang proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng Agrikultura at Industriya.
Development Bank of the Philippines
Layunin nito ay ang programang panlipunan at pangkabuhayang pagtutulungan at pagkakaisa. Halimbawa: Zaneco Electric Cooperative
Kooperatiba
Ano ang mga uri ng Pension Funds?
GSIS, SSS, PagIBIG fund, at Registered Companies
Nagbibigay ng seguro (life insurance) sa mga kawani na nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno.
Government Service Insurance System
Nagbibigay seguro sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan katulad ng pagkakasakit, pagkabaldado, pagretiro, pagkamatay, at pagdadalang-tao
Social Security System
Layunin nito na tulungan ang mga kasapi sa pampubliko at pampribado na kawani sa bahay.
Pagtutulungan sa kinabukasan: Ikaw Bangko, Industriya, at Gobyerno
Ang mga rehistradong kompanya ay yaong mga kompanya na nakarehistro sa komisyon ng Securities and Exchange Commission o SEC
Registered Companies
Maaaring magbenta ang isang ____ company ng “single” at “multiplan”, layunin nito na maibigay ang karampatang serbisyo sa takdang panahon o pagbibigay ng naaayong halaga ng pera sa takdang panahon ng pangangailangan
Pre-need
Ito ay ang mga rehistradong korporasyon sa SEC na bibigyan ng karapatan na mangalakal ng negosyo ng seguro sa Pilipinas.
Insurance Companies
Ano ang mga uri ng Regulators?
BSP, DPIC, SEC, at IC
Itinuturing na bangko ng mga bangko ang ____ dahil sinusubaybayan nito ang lahat ng institusyon sa pananalapi
Bangko Sentral ng Pilipinas
Layunin nito na mabigyan ng proteksiyon ang mga depositor at mapanatiling matatag ang sistemang pinansiyal sa bansa
Philippine Deposit Insurance Corporation
Nagtatala o nagrerehistro sa mga kompanya sa bansa.
Securities and Exchange Commission
Nangangasiwa at namamatnubay sa mga negosyo ng pagseseguro (insurance business) layunin nito na panatilihing matatag ang mga kompanyang nagseseguro sa buhay ng tao.