ap reviewer

Cards (152)

  • Unang Digmaang Pandaigdig
    Unang malawakang digmaan na nagsimula noong 1914 at nagwakas noong 1918
  • Unang Digmaang Pandaigdig
    • Unang makabagong digmaan sa kasaysayan dahil ginamit dito ang mga naimbentong kagamitan gaya ng machine guns, poison gas, eroplanong pandigma, submarine at tangke
    • Tatlumpu't-dalawang bansa sa limang kontinente ang sumali sa digmaang ito
  • Mga Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig
    • Imperyalismo
    • Militarismo
    • Agresibong Nasyonalismo
    • Pagbuo ng Alyansa
  • Imperyalismo
    Nagpalalim ng tunggalian ng mga bansa ang pag-aagawan ng mga kolonya sa Africa at Asya
  • Imperyalismo
    • Pagsalungat ng Britanya sa pag-angkin ng Germany sa Tanganyika (East Africa) sapagkat balakid ito sa balak na maglagay ng transportasyong riles mula sa Cape Colony patungong Cairo
    • Hindi natuwa ang Italy at Germany sa pagkakahati-hati ng Africa dahil malaki ang nasakop ng England at France habang maliit lamang sa kanila
  • Militarismo
    Ang pagpaparami ng armas upang mahigitan ang ibang bansa ay nagpakita ng pagpili g digmaan kaysa sa diplomasya
  • Militarismo
    Naging ugat ito upang maghinala at magmatyag ang mga karatig-bansa
  • Agresibong Nasyonalismo
    Kapag lumabis at naging panatikong pagmamahal sa sariling bansa, naging masidhi ang paniniwala ng mga bansa sa Europa na karapatan nilang pangalagaan ang mga kalahi nila at mamuhi sa mga bansang namumuno sa kanila
  • Agresibong Nasyonalismo
    • Ang aristokrasyang militar ng Germany, ang mga Junker ay naniniwalang sila ang nagungunang lahi sa Europa
    • Pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng Austria
    • Pagkakaroon ng Greek Orthodox na relihiyon
  • Pagbuo ng Alyansa
    Dahil sa inggit, hinala at pangamba ng mga makapangyarihang bansa sa Europa, nabuo ang dalawang magkasalungat na alyansa
  • Mga Alyansa
    • Triple Entente - France, Britain, Russia
    • Triple Alliance - Germany, Austria-Hungary, Italy
  • Alyansa
    Ang bawat kasapi ay magtutulungan kung mailalagay sa kaguluhan at mga tangkay pagsalakay sa kanilang bansa
  • Pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig
    1. Pagkakaroon ng krisis sa Bosnia noong 1908
    2. Pinatay noong Hunyo 28, 1914 si Archduke Franz Ferdinand (tagapagmana ng Austria-Hungary) habang naglilibot sa Sarajevo, Bosnia & Herzegovina
    3. Noong Hulyo 28, 1914, nagdeklara ng digmaan ang Austria-Hungary laban sa Serbia
  • United Nations
    Pangalan na ibinigay ni Pangulong Franklin Roosevelt ng Estados Unidos noong 1941 sa mga bansang nakipag digmaan sa mga Axis Powers
  • Isang nagsasariling pandaigdig na organisasyon na mayroong sariling watawat, may sariling post office, at nag-iisyu ng sariling selyo at pasaporte
  • Declaration of the United Nations na nilagdaan ng 26 na bansa sa Washington D.C.

    Enero 1, 1942
  • Moscow Conference
    1. Dinaluhan ng BIG FOUR (Britain, Russia, US, at Nationalist China)
    2. Nag isyu ng dokumentong "MOSCOW DECLARATION" na nagtatakda ng pagtatayo sa lalong madaling panahon ng isang "pangkalahatang pandaigdig na organisasyon" batay sa prinsipyo ng nakatataas na pagkapantay-pantay ng lahat ng mapayapang bansa at buksan sa lahat ng nagnanais na umanib para mapanatili ang pandaigdig na kapayapaan at seguridad
  • Dumbarton Oaks Conference

    1. Dinaluhan ng Big Four sa Dumbarton Oaks, Washington DC
    2. Lumikha sila ng dokumento na tinawag na Dumbarton Oaks Plan na siyang blueprint ng ipinanukalang pandaigdig na organisasyon
  • Yalta Conference
    1. Dinaluhan ng Big Three (US, Britain, Russia) sa Yalta sa Crimea (Ukraine ngayon)
    2. Lumikha ng dokumentong "Yalta Declaration" na siyang nagdeklara sa intensiyon ng Allied
  • San Francisco Conference
    1. Dinaluhan ng mga delegado ng 51 bansa (kabilang angPilipinas) sa lungsod ng San Francisco, USA
    2. Pagkatapos ng dalawang buwang kumperensiya pinagtibay ang Tsarter (Saligang Batas) ng United Nations na nilagdaan simula noong Hunyo 26, 1945
  • Mga Layunin Ng United Nations
    • Upang mapanatili ang pandaigdig na kapayapaan at seguridad
    • Upang paunlarin ang pagkakaibigan ng mga bansa, batay sa pantay-pantay na karapatan ng lahat ng mga tao
    • Upang makamit ang pandaigdig na pakikipagtulungan sa paglutas ng mga suliranin ng sangkatauhan sa kabuhayan, lipunan, at pantao
    • Upang tulungan ang mga bansa sa paggawa ng mga kasunduang pangkapayapaan at pagkakaibigan
  • Ang United Nations ay opisyal na isinilang, ika – 24 ng Oktubre ay ipinagdiriwang taon-taon bilang "Araw ng mga Nagkakisang mga Bansa"

    Oktubre 24, 1945
  • Bawat nagsasariling bansa, ano man ang sukat at populasyon na nagmamahal sa kalayaan ay kwalipikado
  • Dalawang uri ng miyembro ng United Nations
    • Mga miyembro ng tsarter – mga original na 51 na bansa, kabilang dito ang Pilipinas
    • Mga regular na miyembro – mga bansa na umanib sa United Nations
  • Halos lahat ng bansa sa buong mundo ngayon ay kasapi ng UN at pawang mga estadong hindi kinikilala bilang mga nakapag-iisang bansa ang hindi kasapi nito, gaya ng Republic of China o mas kilala sa tawag na Taiwan
  • Ang ilan sa hindi miyembro ng UN ngunit may observer status sa UN ay ang Vatican at ang estado ng Palestina
  • Sa kasalukuyan, ang UN ay binubuo ng 193 miyembro na ang pinaka bagong kasapi nito ay ang bansang Montenegro na nasa Timog-Silangan ng Europa
  • Pangunahing mga Kinatawan ng United Nations
    • Secretariat ng mga Nagkakaisang Bansa (UN Secretary)
    • Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa (UN General Assembly)
    • Kapulungang Panseguridad ng mga Nagkakaisang Bansa (UN Security Council)
    • Pandaigdigang Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice)
    • Sangguniang Pang-Ekonomiko at Panlipunan ng mga Nagkakaisang Bansa (UN Economic and Social Council)
    • Konseho ng Pagkakatiwala ng mga Nagkakaisang Bansa (UN Thrusteeship Council)
  • Ang United Nations ay isang organisasyon ng malalayang bansa na binuo upang itaguyod ang kaunlaran at kapayapaang pandaigdig
  • Pagsalakay ng Japan sa Manchuria
    1931
  • Sinalakay ng Japan ang Manchuria noong 1931. Ito ay isang lalawigang nasa hilaga ng China na mayaman sa bakal at karbon. Ito ang unang hamon na kinaharap ng League of Nations, kinondena nila ito, subalit wala silang nagawa para pigilan ang Japan. Ang ginawang ito ng Japan ang dahilan kung bakit siya itiniwalag sa liga.
  • Pagsalakay ng Italy sa Ethiopia
    1935
  • Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italy ang Ethiopia at tuluyang nilabag ang kasunduan sa Liga (Covenant of the League).
  • Pagsalakay ng Germany sa Rhineland
    1936
  • Ang pagtiwalag ng Germany sa liga ng mga bansa at pagkabigo ng liga na panatilihin ang kapayapaan ang nagkumbinsi kay Hitler na kunin ang Rhineland. Ito ay isang buffer zone na nasa magkatunggaling bansa na France at Germany. Dahil sa patakarang appeasement, ang paglusob na ito ng Germany ay hinayaan lamang ng France.
  • Pagsalakay ng Japan sa China
    1937
  • Sinalakay ng mga Hapones ang China, at dahil sa kanilang mga makabagong armas, bumagsak ang Nanjing at ang Beijing na kapital ng China.
  • Pagkuha ng Germany sa Austria
    1938
  • Nakasaad sa Treaty of Versailles na ipinagbabawal ang pagsasama ng Austria at Germany (Anschluss). Ngunit dahil maraming mga mamamayang Austriano ang gustong maisama ang kanilang bansa sa Germany, nagpadala si Hitler ng hukbo sa Austria at ginawa itong sangay ng Germany.
  • Pagkuha ng Germany sa Czechoslovakia
    1938