ESP Lesson 1

Cards (52)

  • Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay
    Ano ang pinaka-pinahahalagahan mo?
  • De Torre, 1992: '"Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga."'
  • Ang isang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan kung wala siyang buhay. Ang isang tao ay dapat unang isilang upang mapaunlad ang kaniyang sarili at makapaglingkod sa kapuwa, pamayanan, at bansa. Kaya kinakailangang isilang at mabuhay siya.
  • Nakalulungkot isipin na may ilang gawain ang tao na taliwas at tuwirang nagpapakita ng pagwawalang-halaga sa kasagraduhan ng buhay.
  • Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot
    Isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon.
  • Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot. Nahihirapan ang isip na iproseso ang iba't ibang impormasyon na dumaloy dito.
  • Mga Rason kung bakit nabibiktima ang mga kabataan sa Ipinagbabawal na Gamot
    • Nais mapabilang sa isang barkada o samahan
    • Nais mag-eksperimento at subukin ang maraming bagay
    • May mga problema sa kani-kanilang mga pamilya at nais magrebelde
  • Makatuwiran bang ibaling sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot kung sakaling may mga suliraning pinagdadaanan ang iyong pamilya?
  • Alkoholismo
    Unti-unting nagpapahina sa kaniyang enerhiya, nagpapabagal ng pag-iisip, at sumisira sa kaniyang kapasidad na maging malikhain.
  • Naapektuhan ng alak o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inaasahan katulad ng pakikipag-away sa kapuwa.
  • Maraming sakit sa katawan ang kaugnay ng labis na pagkonsumo nito, tulad ng cancer, sakit sa atay at kidney.
  • Bilang nilikha ng Diyos, inaasahan sa atin na isabuhay ang pagpapahalaga sa kalusugan ng ating katawan - tanda ng pagmamahal sa buhay na ipinagkaloob Niya sa atin.
  • Aborsyon
    Pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
  • Uri ng Aborsyon
    • Kusa (Miscarriage)
    • Sapilitan (Induced)
  • Posisyon sa Aborsyon
    • PRO-LIFE
    • PRO-CHOICE
  • PRO-LIFE
    • Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng paglilihi; Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina, dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito; Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon, maaaring gamitin ito ng mga tao bilang regular na paraan para hindi ituloy ang pagbubuntis; Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal; Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag o ilang mga paraan ng birth control dahil sa paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa layuning pagpaparami (procreation) lamang at ang sinumang batang nabubuhay ay mga anak ng Diyos.
  • PRO-CHOICE
    • Ang bawat batang isisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan; Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahaybata ng kaniyang ina; Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay maaaring maging tagapagpaalala sa babae ng trauma na kaniyang naranasan.
  • Magandang buhay
    Para sa mga bata dahil may kakayahan ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa pisikal, emosyonal, at pinansiyal na aspekto
  • Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahaybata ng kaniyang ina
  • Hindi maituturing na pagpatay ang pagpapalaglag ng isang fetus dahil umaasa pa rin ito sa katawan ng kaniyang ina upang mabuhay
  • Unang prayoridad
    Ang katawan ng ina, at may karapatan siyang magpasiya para rito
  • Ang katawan ng isang babae ay bahagi ng kaniyang sarili, at nararapat siyang maging malaya na gawin kung ano sa palagay niya ang kinakailangan para sa kaniyang katawan at pangkalahatang kalusugan sa anumang sitwasyon
  • Ang mga sanggol na ipinanganak bunga ng mga kaso ng rape o incest ay nahaharap sa mataas na panganib ng kapabayaan o pang-aabuso mula sa kanilang mga ina
  • Maraming bahay-ampunan ang kulang sa kapasidad na magbigay ng pangunahing pangangailangan ng mga bata
  • Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan
  • Mas mababa pa sa 1% ng mga aborsiyon na ginawa bago ang ika-21 na linggo ng pagbubuntis ang nagresulta ng mga pangunahing komplikasyon tulad ng pagdurugo o impeksiyon
  • Habang itinuturing itong iligal, tiyak na maraming babae ang patuloy na sasailalim nang palihim sa ganitong proseso at maglalagay sa kanilang kalusugan sa di-tiyak na sitwasyon at maaaring mauwi sa kamatayan
  • Kailangang alisin ang bahay-bata ng ina ngunit maaari itong magresulta sa pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan
  • Kung hindi naman ito isasagawa, maaaring magdulot ito ng mga komplikasyon at malagay sa panganib ang buhay ng ina
  • Ang direkta at intensiyonal na pagpatay sa sanggol ay itinuturing na masama
  • Hindi kailanman magiging mabuti ang pumatay ng inosenteng sanggol
  • Prinsipyo ng Double Effect
    1. Ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti
    2. Ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng naunang kilos na may layuning mabuti
    3. Ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masamang pamamaraan
    4. Kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan upang maging katanggap-tanggap ang masamang epekto
  • Sa kaso ng aborsiyon, hindi masasabing makatuwiran kung ang gagamiting dahilan sa pagsasagawa nito ay ang pagpapanatili ng hubog ng katawan, pigilin ang kapanganakan ng mga batang may depekto, o kahit pa para iwasan ang kahihiyan dahil ang ipinagbubuntis ay bunga ng masamang gawain
  • Sa kabilang banda, magiging katanggap-tanggap ito kung dahil sa pagsagip ng buhay ng ina ay hindi maiwasan ang pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan
  • Mas makabubuti pa rin kung makahahanap ng iba pang paraan (medikal o hindi) kung saan PAREHONG maililigtas ang BUHAY ng ina at ng sanggol
  • Pagpapatiwakal
    Ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan
  • Dapat may maliwanag na intensiyon ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maituring na isang gawain ng pagpapatiwakal
  • Aborsyon
    Ang pagsasagawa nito ay ang pagpapanatili ng hubog ng katawan, pigilan ang kapanganakan ng mga batang may depekto, o kahit pa para iwasan ang kahihiyan dahil ang ipinagbubuntis ay bunga ng masamang gawain
  • Aborsyon
    Magiging katanggap-tanggap ito kung dahil sa pagsagip ng buhay ng ina ay hindi maiwasan ang pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan
  • Pagpapatiwakal
    Ang kawalan ng pag-asa (despair) ay isa sa mga karaniwang dahilan kung bakit may ilang taong pinipiling kitlin ang sarili nilang buhay