LITERARY DEVICES-FLORANTE AT LAURA

Cards (35)

  • Hindi tuwirang paghahambing ng dalawang hindi magkaugnay na bagay. Gumagamit ng mga salitang “parang, tulad, kahalintulad, kawangis, mistulan, paris, atbp.”
    SIMILE
  • "Sa puno ng kahoy ay napayukayok
    Ang liig ay supil ng lubid na gapos,
    Bangkay na mistula't ang kulay na burok
    Ng kanyang mukha'y naging puting pulbos."
    SIMILE
  • "Ang aking plumahe kung itinatahi
    ang parang korales na iyong daliri,
    buntunghininga mo'y nakikiugali
    sa kilos ng gintong ipinananahi.”
    SIMILE
  • "Kaya ang ginawa’y inagapayanan
    katawang malatang parang bagong bangkay
    at minsang pinatid ng espadang tangan
    walang awang lubig na lubhang matibay."
    SIMILE
  • "Katawan mo ama'y parang namamalas
    ngayon ng bunso mong lugami sa hirap;
    pinipisan-pisan at iwinawalat
    ng pawa ring lilo'y berdugo ng sukab.”
    SIMILE
  • Tuwirang paghahambing ng dalawang hindi magkaugnay na bagay.
    METAPHOR
  • "Kung ako'y mayroong kahapisang munti
    Tatanungin mo na kung ano ang sanhi,
    Hanggang di malining ay idinarampi
    Sa mga muka ko ang rubi mong labi."
    METAPHOR
  • "At alin ang hirap na di ikakapit
    sa iyo ng Konde Adolfong malupit?
    ikaw ang salamin - sa Reyno - ng bait,
    pagbubuntunan ka ng malaking galit.”
    METAPHOR
  • "Naririnig ko pa halos hanggang ngayon,
    malayaw na tawag ng ama kong poon.
    noong ako'y batang kinakandung-kandong,
    taguring Floranteng bulaklak kong bugtong"
    METAPHOR
  • Paglalarawan gamit ang pagmamalabis ng mga bagay-bagay na hindi dapat tanggapin nang literal.
    HYPERBOLE
  • "Wala na Laura't ikaw na lamang
    Ang makalulunas niring kahirapan,
    Damhin ng kamay mo ang aking katawan
    At bangkay man ako'y muling mabubuhay!"
    HYPERBOLE
  • "May sambuwan halos na di nakakain,
    luha sa mata ko'y di mapigil-pigil,
    nguni't napayapa sa laging pag-aliw
    ng bunying maestrong may kupkop sa akin."
    HYPERBOLE
  • Paggamit ng mga salitang may kinalaman sa tunog.
    ONOMATOPEIA
  • "Dito naghimutok nang kasindak-sinak
    Na umalingawngaw sa loob ng gubat,
    Tinangay ang diwa't karamdamang hawak
    Ng buntunghininga't luhang lumagaslas."
    ONOMATOPEIA
  • Sa balang sandali ay sinasabugan
    yaong buong gubat ng maraming "Ay! Ay!"
    na nakikitono sa huning mapanglaw
    ng panggabing ibong doo'y nagtatahan.
    ONOMATOPEIA
  • Pagpapalit tawag gamit ang bahagi para sa kabuoan.
    Halimbawa: Imbis na tawaging kotse, sasabihing gulong. Sa halip na bahay, gagamitin ang bubong.
    SYNECHDOCHE
  • "Kung sa gunita ko'y pagkuru-kuruin
    ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil,
    parang nakikita ang iyong narating…
    parusang marahas na kalagim-lagim.”
    SYNECHDOCHE
  • "Hanggang dito ama'y aking naririnig,
    nang ang iyong ulo'y itapat sa kalis;
    ang panambitan mo't dalangin sa Langit,
    na ako'y maligtas sa kukong malupit.”
    SYNECHDOCHE
  • Pagpapalit tawag sa mga kaisipang may kinalaman sa nais na sabihin..
    Halimbawa: Imbis na tawaging mga mag-aaral ng UE, tatawaging mga mandirigma. Sa halip na Gobyerno ng Pilipinas, gagamitin ang Maynila o Malacañang.
    METONYMY
  • "Ang lahat ng ito'y maawaing Langit,
    Iyong tinutungha'y ano't natitiis?
    mula Ka ng buong katuwira't bait,
    pinapayagan Mong ilubog ng lupit.”
    METONYMY
  • Paggamit ng mga karakter o tagpo mula sa ibang kuwento para sa pagbibigay ng kahulugan sa sariling kuwento.
    ALLUSION
  • “Sa isang madilim, gubat na mapanglaw
    Dawag na matinik ay walang pagitan,
    Halos naghihirap ang kay Pebong silang
    Dumalaw sa loob na lubhang masukal.”
    ALLUSION
  • "Nang magmamadaling-araw ay nahimbing,
    munting napayapa sa dalang hilahil;
    hanggang sa Aurorang itaboy ang dilim,
    walang binitiwang himutok at daing."
    ALLUSION
  • "Inusig ng taga ang dalawang leon,
    si Apolo mandin na sa Serp'yente Piton;
    walang bigong kilos na 'di nababaon
    ang lubhang bayaning tabak na pamutol."
    ALLUSION
  • "Nagtaas ng kamay at nangakaakma
    sa katawang gapos ng kukong panira;
    nang darakmain na'y siyang pagsagasa
    niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa."
    ALLUSION
  • Paglalatag ng mga pahiwatig sa unahang bahagi ng kuwento at pagsiwalat ng mangyayari kalaunan.
    FORESHADOWING
  • "Nang mawika ito, luha'y bumalisbis
    at ako'y niyakap na pagkahigpit-higpit;
    huling tagubilin: 'Bunso'y katitiis
    at hinihintay ka ng maraming sakit."
    FORESHADOWING
  • "Ang magandang asal ay ipinupukol
    sa laot ng dagat na kutya't linggatong;
    balang magagaling ay ibinabaon
    at inililibing na walang kabaong.”
    FORESHADOWING
  • Pagtawag ng isang tauhan sa mga bagay o tauhan na wala naman sa tagpo.
    APOSTROPHE
  • “O, pagsintang labis ng kapangyarihan,
    sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw;
    pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
    hahamaking lahat masunod ka lamang!"
    APOSTROPHE
  • "Halina Giliw ko’t gapos ko’y kalagin
    kung mamatay ako’y gunitain mo rin
    Pumikit na muli’t napatid ang daing
    sa may kandong namang takot na sagutin."
    APOSTROPHE
  • "Ako'y napahiga sa inilag-ilag,
    sinabayang bigla ng tagang malakas;
    Salamat sa iyo, O Menandrong liyag,
    kundi ang liksi mo, buhay ko'y nautas!"
    APOSTROPHE
  • Paggamit ng mga magkasalungat na ideya sa isang pangungusap para magpakita ng reyalidad.
    PARADOX
  • "Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayo
    at ang kabaita'y kimi't nakayuko;
    santong katuwira'y lugami at hapo,
    ang luha na lamang ang pinatutulo.”
    PARADOX
  • "Kung ang isalubong sa iyong pagdating
    ay masayang mukha't may pakitang-giliw,
    lalong pag-ingata't kaaway na lihim,
    siyang isaisip na kakabakahin."
    PARADOX