Kolonyalismo ay tumutukoy sa pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang bansa
Imperyalismo ay tumutukoy sa pagsakop o pagkontrol ng makapangyarihang bansa sa pangkabuhayan at pampolitikal na aspekto ng bansang sinakop
Ang mga Portueguese ang unang bansa Kanluraning dumating sa India noong 1548
Ang mga British ay nagtalaga ng kompanya na namahala sa pagtatatag ng mga himpilang pangkalakalan sa Asya.
Nagtatag ang British East India Company ng mga himpilang pangkalakalan sa Madras, Bombay, at Kolkata
Ang Maharajah o Nawab ay mga dating gobernador ng mga lokal na pamahalaan ng imperyong Mughal
Ang Sepoy ay mga sundalong Indian na sinanay ng mga Kanluranin para sa pakikipaglaban
Ang Labanan sa Plassey ay naganap sa Palashi, Calcutta, timog ng india noong Hunyo 23, 1757
Pinamunuan ni Robert Clive, unang gobernador ng British Presidency sa India at Siraj- Ud-Daulah, majarah ng Bengal
Ang pamamahala ng British sa India ay nahahati sa dalawang kategorya ng lalawigan o provinces at kaharian o princely states
Ang kartutso ay maliit na metal na sisidlan ng pulbura at bala ng baril
Katulong na nila ang mga sepoy na bumubuo sa 83%
Ang Pag-aalsang Sepoy ay itinuturing na kauna-unahang pakikipaglaban ng mga India para sa pagtatamo ng kasarinlan.
Naniniwala sa konseptong "Hind Swaraj" na ang kahulugan ay kasarinlan.
Naitupad ng Britain ang Act for the Better Government of India noong Agosto 1858.
Ang divide and rule ay patakarang may intensiyong magpasimula ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mamamayan na maaaring magkaisa laban sa isang tao o makapangyarihan namumuno.
Ang Rebolusyong Industriyal ay transpormasyon mula sa agrikultural patungong industriyal ng isang bansa.
Ang money-lender ay pangkat ng mamamayang nagpapautang ng may mataas na interes.
Dating nagluluwas ng hinabing tela sa maraming rehiyon ng Asya at Africa.
Si Charles Cornwallis ay isang gobernador-heneral ng Britain sa India
Ang thuggi ay pinanawalaan ng ilang eksperto na isang relihiyosong kulto kung saan kinakailangang mag-alay ng buhay bilang sakriprsiyo sa diyosang si Kali.
Ang suttee ay pagsama ng isang biyuda sa kaniyang yumaong asawa habang ito ay sinusunog.
Ang mga Osman ay ang mgasultan o caliph na pinuno ng mga Islamic ummah o ummat al-Islyamiyah.
Ang Imperyong Ottoman ay namuno mula Hulyo 27, 1299 hanggang Oktubre 29, 1923.
Sinaklaw ng imperyo ang timog-silangan ng Europe, Kanlurang Asya, at Hilagang Africa.
Ang mandato ay teritoryong inilagay sa proteksiyon ng mga makapangyarihang bansang European hanggang sa ang mga ito ay may kakayahan nang pamahalaan ang mga sarili.
Ang spheres of influence ay pantay na pakikibahagi ng mga bansang banyaga sa lahat ng karapatan at pribilehiyong pangkalakalang maaaring ipagkaloob ng isang bansa.
noong 1853 ay itinakda ng Britain upang mawakasan ang pandarambong sa Persian Gulf.
Noong 1892 ay ipinagkaloob ng Bahrain, United Arab Emirates, at Oman sa Britain ng tanging karapatang bilhin ang anumang teritoryong nais na ipamigay.
Noong 1899 at 1916 ay ipinagkaloob ng Kuwait at Qatar sa Britain ng tanging may karapatang bilhin ang anumang teritoryong nais na ipamigay.
Ang Levant ay tumutukoy sa mga teritoryong nasa silangang bahagi ng Mediterranean.
Binubuo ito ng Cyprus, Lebanon,Syria,Teritoryo ng Palestine, Jordan, Israel at katimugan ng Turkiye.
Ang Treaty of Sevres ay ginanap noong Agosto 10, 1920.
Ang monarkiya ay pamahalang pinamumunuan ng monarka na maaaring hari,prinsipe, o reyna
Ang republikang konstitusyonal ay estadong pinamumunuan ng halal na pinuno at kinatawan na ang tuntunin at batas ay nakabatay sa saligang batas.
Bumagsak ang France noong ikalawang digmaan
Sinakop ang Syria at ginawa ang lahat ng makakaya upang mapigilan ang pagkakaloob ng kasarinlan ng mga estado sa Levant.
Ang labanan sa pagitang ng mga Jew at Arab ay nagsimula may 3,000 taon na ang nakaraan.
Ang Balfour Declaration ay liham na nagmula kay Arthur James Balfour, kalihim panlabas ng Britain kay Lord Rothschild.
noong Mayo 14, 1948 ay huling araw ng paglisan ng mga hukbong British sa Haifa, Israel, ang Jewish People's Council na pambansang institusyong ehekutibo ng pamayanang Jewish.