filipino

Cards (76)

  • Alamat
    Ipinaliliwanag ang pagiging o pagkakaroon ng mga bagay-bagay at makikilala rin ang kultura at paniniwala ng mga tao
  • Alamat
    • Kapupulutan ito ng aral at kagandahang-asal
    • Mga kathang-isip
  • Limang Daliring Bundok
    • Hango sa "Five Finger Mountains (Legend of Cyprus)"
  • UNLAPI
    Sa unahan ng salitang-ugat idinurugtong ang panlapi
  • GITLAPI
    Sa gitna ng salitang-ugat inilalagay ang panlapi
  • HULAPI
    Sa hulihan ng salitang-ugat idinurugtong ang panlapi
  • KABILAAN
    Sa unahan at hulihan ng salita idinurugtong ang mga panlapi
  • LAGUHAN
    Sa unahan, sa gitna, at sa hulihan idinurugtong ang mga panlapi
  • Pagbabalangkas
    Magiging malinaw at maayos ang pagkatuto
  • Mga Uri ng Balangkas
    • Paksang Balangkas
    • Pangungusap ng Balangkas
    • Patalatang Balangkas
  • Pang-abay
    Mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapuwa pang-abay
  • Uri ng Pang-abay
    • Pang-abay na Pamaraan
    • Pang-abay na Pamanahon
    • Pang-abay na Panlunan
  • Buong pangalan ni Dr. Jose Rizal: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
  • Magulang ni Dr. Jose Rizal: Teodora Alonso at Francisco Mercado
  • Noli Me Tangere
    Ang unang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal na inilathala noong siya ay 26 taong gulang pa lamang
  • Ang Noli Me Tangere ay naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan
  • Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
    • Isinulat ni Dr. Jose Rizal noong 24 taong gulang pa lamang
    • Natapos niya ito sa Berlin noong Pebrero 21, 1887
    • Ang pamagat na "Noli Me Tangere" ay hinango ni Rizal sa bibliya na ang ibig sabihin ay "Huwag Mo Akong Salingin"
    • Inspirasyon niya sa pagsulat ng nobela ay si Harriet Beecher Stowe
  • Paggamit ng angkop na Salita/Ekspresyon
    Nagagamit sa pamamagitan ng pagpapahayag, paglalarawan, pag-iisa-isa, pagpapatunay, at paglalahad ng sariling pananaw
  • Paggamit ng angkop na Salita/Ekspresyon
    • Sa artikulong isinulat ni Rizal ay ipinaliwanag niya kung kailan tinatawag na pilibustero ang isang tao
    • Tawag sa mga katutubong Pilipino noon na hindi nagaalis ng sombrero kapag may nasasalubong na Kastila: indio
  • Panguri
    Mga salitang naglalarawan
  • Apat na Uri ng Pang-uri
    • PAYAK
    • MAYLAPI
    • INUULIT
    • TAMBALAN
  • Antas ng Pormalidad
    • Di-pormal (Balbal, Lalawiganin, Kolokyal)
    • Pormal (Pambansa, Pampanitikan)
  • Balbal
    Itinuturing itong wikang panlansangan, nabubuo ang mga salitang ito ng barkada o pangkat ng tao na karaniwang kabataan
  • Lalawiganin
    Pang-araw-araw na gamit ito ng mga tao sa isang pook
  • Kolokyal
    Pang-araw-araw na gamit ito, nabubuo ito sa pamamagitan ng pagpapaikli ng mga salita
  • Pambansa
    Ito ang ginagamit ng mga sumusulat ng aklat, nakatala ang mga salitang ito sa mga diksiyonaryo dahil sa hindi nagbabago sa paglipas ng panahon
  • Pampanitikan
    Patalinghaga ang pagkakagamit ng mga salita sa antas na ito, ginagamit ito ng mga manunulat sa malikhaing paraan
  • Kolokyal
    • Pang-araw-araw na gamit ito
    • Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagpapaikli ng mga salita
  • Pormal
    • Ito ang ginagamit ng mga sumusulat ng aklat
    • Nakatala ang mga salitang ito sa mga diksiyonaryo dahil sa hindi nagbabago sa paglipas ng panahon
  • Pampanitikan
    • Patalinghaga ang pagkakagamit ng mga salita sa antas na ito
    • Ginagamit ito ng mga manunulat sa malikhaing paraan
  • Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin
    Anak ni Don Rafael; kasintahan ni Maria Clara; pangunahing tauhan sa nobela
  • Maria Clara
    Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiago; anak ni Pia Alba at ng paring si Padre Damaso
  • Kapitan Tiago o Don Santiago de los Santos
    Ama-amahan ni Maria Clara; asawa ni Pia Alba
  • Pia Alba
    Asawa ni Kapitan Tiago; hinalay ni Padre Damaso; ina ni Maria Clara
  • Tiya Isabel
    Tiya ni Maria Clara at tumulong sa pagpapalaki dito; pinsan ni Kapitan Tiago
  • Don Rafael Ibarra
    Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung kaya't labis na kinainggitan ni Padre Damaso
  • Don Saturnino
    Lolo ni Crisostomo Ibarra
  • Kapitan Heneral
    Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas
  • Don Pedro Eibarrimendia
    Ninuno ni Crisostomo Ibarra na naging dahilan ng matinding kasawian ng nuno ni Elias
  • Padre Damaso Verdolagas
    Ninong ni Maria Clara; humalay kay Pia Alba; nagpahukay sa bangkay ni Don Rafael