Reflektibong Sanaysay

Cards (8)

  • Reflektibong sanaysay
    • isang uri ng sulatin kung saan ang manunulat ay nagbabahagi ng kanyang mga karanasan
    • ibinabahagi rin ng manunulat kung ano-ano ang naging epekto o pagbabago sa kanyang sarili bunsod ng kanyang mga karanasan sa buhay
  • PANIMULA
    • Ang manunulat ay maaaring magbahagi ng kanyang mga KARANASAN sa bahaging ito. Ang kanyang ibabahaging karanasan ay maaaring tuwiran o di-tuwiran. Kailangang sa bahaging ito ay MAKUHA NG MANUNULAT ANG ATENSIYON NG MAMBABASA.
  • KATAWAN
    • Ilalahad na ng manunulat sa bahaging ito ang naging epekto o bunga ng kanyang mga naging karanasan. Ibabahagi ng manunulat kung ano-ano ang mga pagbabagong nangyari sa kanyang sarili.
  • KONKLUSYON
    • Gagawa ang manunulat sa bahaging ito ng paglalahat ng kanyang mga naibahaging karanasan. Maaari ring magbahagi ang manunulat ng mga bagay na nais pa niyang baguhin sa kanyang sarili sa hinaharap.
  • Ang isang reflektibong sanaysay bukod sa naglalaman ng karanasan ng isang manunulat ay mahalagang binubuo din ng mga sumusunod:
    • deskripsiyon ng mga datos, pangyayari, at iba pa.
    • ebalwasyon ng pangyayari, karanasan sa pamamagitan ng sariling opinyon
    • pagtalakay kung paano naapektuhan o maaaring maapektuhan o mabago ang sarili
  • PANANALIKSIK
    • Bilang isang akademikong sulatin, mahalaga ang pagsasagawa ng ——— sa pagsusulat ng reflektibong sanaysay upang mas mapayaman pa ang paglalahad ng karanasan na nakabatay sa tiyak at tumpak na mga datos bunga ng masinsinang pagsasagawa ng pananaliksik.
  • Pamamaraan upang makuha ang atensiyon ng mambabasa gaya ng mga sumusunod:
    a)anekdota
    b) flashback
    c) sipi
    Sa pagsusulat, bukod sa kahalagahan ng malinaw na paglalahad ng karanasan mahalaga rin ang paggamit ng alin man sa mga pamamaraang nabanggit sa itaas upang makuha ang atensiyon ng mga mambabasa. Ito ay upang ang mga mambabasa ay magganyak na basahin ang naisulat na sanaysay.
  • Makabuluhan, tiyak, at konkretong bokabularyo
    • Sa pagsulat ng reflektibong sanaysay mainam din na maipakita ng manunulat ang kanyang husay sa paggamit ng bokabularyo. Ito ay maipapakita sa paggamit ng TIYAK AT KONKRETONG MGA SALITA na nakakatulong upang maunawaan ng mabuti at malinaw ang kanyang naisulat.