Ang panukalangproyekto ay isang nakasulatnamungkahi at siyang ihaharap sa mga taong makatutulong sa pagkamitnglayunin para sa pamayanan.
Ang PANIMULA ang unang bahagi ng iyong panukalang proyekto.
Dito tutukuyin ang kaukulangpangangailangan ng pamayanan na pagbabatayan ng layunin ng iyong proposal.
Dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto. Dapat na nakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paanong makatutulong sa pangangailangan ng pamayanan ang panukalang proyektong iyong ibinigay.
Sa pagbuo nito tukuyin ang tagalngpanahon na gugugulin para sa bawat gawain upang malaman kung gaano katagal ang gugugulin mong panahon sa buong proyekto.
Sa pagplano nito, dapat na nakasaad ang halagang gagastusin. Ang badyet ay talaan ng gastusin upang makamit ang iyong mga layunin.
Gawing simple at malinaw ang iyong badyet.
Ayusing mabuti ang iyong panukala. Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon ng mga ito.
Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin ang mga bagay na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang makasama ang iyong panukala sa kanilang itataguyod.
Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo.
Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong integridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo.
PANIMULA
pagpapahayag ng suliranin o dahilan ng panukalang proyekto
KATAWAN
buo ito ng plano ng dapat gawin at ang panukalangbadyet
KATAPUSAN O KONKLUSYON
katulad ito ng bahagi ng pagsusuri o ng bahaging naglalahad ng kapakinabangangdulot ng proyekto
PAMAGAT — kadalasan pinaikling bahagi ng ulat-panukala o ang pangangailangan
NAGPADALA O PROPONENT- ang iyong pangalan bilang manunulat ng proposal at ang
PETSA — ang araw kung kailan mo isusumite ang iyong panukala at ang haba ng panahong gugugulin sa pagkompleto ng proyekto
BADYET O PONDONG KINAKAILANGAN — ang kalkulasyon ng halagang gugugulin para sa proyekto
PAGPAPAHAYAGNGSULIRANIN O RASYUNAL — ang pangangailangan at dahilan kung bakit ito kailangang matugunan na nakasaad sa isang saknong at may wastongpamagat
DESKRIPSIYONNGPROYEKTO – inilalarawan sa bahaging ito ang proyektong gagawin
LAYUNIN NG PROYEKTO - kung ano ang nilalayong gawin ng proposal
KASANGKOTSAPROYEKTO – Iniisa-isa ang mga taong may gampanin sa proyektong gagawin
KAPAKINABANGANGDULOT - ang katapusan, kung saan nakasaad ang mga taong makikinabang sa proyekto at kung ano ang kanilang mapapala dito.
PLANONGGAWAIN O TALAKDAANATESTRATEHIYA — ang mga hakbang na pinaplano mong gawin at ang panahong gugugulin upang matapos ang proyekto