Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin nangangailangang bigyan ng kalutasan.
Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng penomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali
Ang sulating pananaliksik ay produkto ng isang proseso ng paghahanap ng mga makatotohanang impormasyon na kinakailangan upang mapatunayan ang isang pangyayari o penomenon.
Mga Katangian na Dapat taglayin ng isang pananaliksik
kontrolado
balid
sistematiko
obhektibo
kwantiteytib o kwaliteytib
empirikal
mapanuri
pinagtitiyagaan o hindi minamadali
ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas ng isang suliranin
Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pagtatanong kung saan sinisimulan ito ng tiyak na tanong (haypotesis) at ang mabalangkas na paggalugad ng mga ebidensya tungkol sa tiyak na tanong.
Ang paksa o isyu ang magiging basehan ng pamagat ng iyong pananaliksik. Sa pagpili ng paksa o isyu na gusto mong tugunan sa iyong pananaliksik, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod na katanungan