1. Abril 27, 1565 - Nagtayo ng unang pamayanang Espanyol sa Cebu, at dahil dito, sinakop na rin ang ibang lupain tulad ng Maynila
2. Lopez De Legazpi nanguna sa paglalakbay ng mga Espanyol at nagtatag ng "First Asia-American trading line", at nagtagumpay na masakop ang Pilipinas sa pamamagitan ng pakikipag sanduguan sa mga lokal na pinuno at gumamit ng dahas
3. Sanduguan - Paraan ng mga Espanyol sa pananakop na nakikipag kaibigan sa mga lokal na pinuno na pormal nilang ginagawa sa pamamagitan ng pag-inom ng alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo
4. Kristiyanismo - Relihiyon na naipalaganap ng mga Espanyol, at nasakop ng relihiyon ang pag-isip at damdamin ng mga Pilipino kaya mas madali silang napasunod ng mga Espanyol
5. Reduccion - Paraan upang mas mapadali at mas mapabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo at pagkuha sa likas na yaman ng Pilipinas, na sa ilalim nito, ang mga pamayanang Pilipino ay tinipon at pinagsama-sama sa iisang lugar