patakaran

Cards (18)

  • Nang masakop at mapasailalim sa kamay ng mga Espanyol ang Pilipinas, nagkaroon ng mga pagbabago sa mga pamumuhay ng mga Pilipino
  • Nagtupad ang mga Espanyol ng mga patakaran na labis na nakaapekto sa pamumuhay, kultura, at ekonomiya ng Pilipinas
  • PAMPOLITIKA
    SENTRALISADONG PAMAHAALAAN, GOBERNDOR HENERAL, ANG SIMBAHANG KATOLIKO
  • SENTRALISADONG PAMAMAHALA

    Napasailalim sa pamumuno ng mga Espanyol ang halos kabuoan ng bansa. Itinalaga ng Hari ng Espanyol bilang kinatawan sa Pilipinas ang Gobernador Heneral.
  • GOBERNADOR HENERAL

    Siya ang pinakamtataas na pinunong Espanyol sa Pilipinas. Nawala sa kamay ng mga katutubo ang kaapatang pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagan silang maglingkod sa pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon lamang.
  • ANG SIMBAHANG KATOLIKO

    Dahil sa impluwensya sa taumbayan, naging makapangyarihan din ang mga Espanyol na pari at kura-paroko noong panahon ng pananakop ng Espanyol.
  • PANGKABUHAYAN
    TRIBUTO, POLO Y SERVICIO, MONOPOLYO
  • TRIBUTO
    Pinagbabayad ng buwis ng mga Espanyol ang mga katutubo. Ilan sa maaaring ipambayad ay ginto, mga produkto, at mga ari-arian. Dahil sa pag-aabuso sa pangongolekta, maraming katutubo ang naghirap at nawalan ng kabuhayan
  • POLO Y SERVICIO

    SAPILITANG PAGGAWA/PAGTATRABAHO. Sapilitang nagtatrabaho ang mga lalaking edad 16-60. Pinagtatrabaho sila upang gumawa ng mga gusaling pampamahalaan, simbahan, tulay, atbp.
  • MONOPOLYO
    Kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan. Hinahawakan nila ang pagbebenta ng mga produktong nabili sa Europa tulad ng tabako. Kumita rin sila nang malaki sa kalakalang Galyon. Maraming pamilya ang nagutom dahil hindi na sila nakapagtanim ng kanilang makakain.
  • PANGKULTURA

    Pagpapalaganap ng Kristiyanismo, Wika at mga Pagdiriwang
  • PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO

    Niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo. Ipinapatay ang mga pinuno ng mga katutubong relihiyon. Dahil dito, maraming katutubo ang naging Kristiyano at mas madaling napasunod ng mga Espanyol.
  • WIKA AT MGA PAGDIRIWANG

    Natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol. Idinaos din ang mga taunang pagdiriwang tulad ng piyesta ng bayan, Santaruzan, at Pasko. Kadalasan, ang mga pagdiriwang ay may kaugnayan sa relihiyon.
  • Pinayagan silang maglingkod sa pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon lamang
  • Kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan. Hinahawakan nila ang pagbebenta ng mga produktong nabili sa Europa tulad ng tabako. Kumita din sila nang malaki sa kalakalang Galyon
  • Itinalaga ng Hari ng Espanyol bilang kanyang kinatawan sa Pilipinas ang Gobernador Heneral
  • Ang mga maaaring ipambayad buwis ay ginto, mga produkto, at mga ari-arian
  • Hinahawakan ng mga Espanyol ang mga produktong nabili sa Europa tulad ng tabako