AP 2

Cards (34)

  • Cold War

    Labanan ng ideolohiya, kapangyarihan at alitan ng dalawang bansa na hindi ginagamitan ng puwersa o armas
  • Dahilan ng Cold War
    Kawalan ng respeto at tagisan ng kapangyarihan ng mga bansa
  • Ang bansang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang naging makapangyarihang bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Hindi naging mabuti ang ugnayan ng mga bansan ito na tinatawag na superpower. Ito ay nauwi sa Cold War
  • Ang Cold War ay bunga ng matinding kompetensya na naganap sa pagitan ng mga bansa noong 1940 hanggang 1990
  • Hindi lamang tunggalian ng kapangyarihan kundi ideolohiya ang kinatawan ng bawat bansa
  • Ang Estados Unidos ang nagtaguyod ng demokrasya at kapitalismo samantalang ang Unyong Sobyet ay kumatawan sa sosyalismo at komunismo
  • Mga tunay na sanhi ng Cold War
    • Paglalaban ng ideolohiyang pinaniniwalaan
    • Pagtutol ng Unyong Sobyet na makipag-ugnayan sa mga kanluraning bansa
    • Pagpapalawak ng impluwensya ng Unyong Sobyet
    • Pagpapalabas ng Truman Doctrine ng Estados Unidos
  • Truman Doctrine
    Layunin ng United States na magbigay ng suporta sa politika, militarismo at ekonomiya sa lahat ng demokratikong bansa na kaalyado nito
  • Mga bansang kasangkot sa Cold War
    • Estados Unidos
    • Unyong Sobyet
    • Britanya
    • Pransya
    • Kanlurang Alemanya
    • Hapon
    • Canada
    • Bulgaria
    • Czechoslovakia
    • Hungary
    • Poland
    • Silangang Alemanya
    • Romania
  • Mga bansang nasa ilalim ng impluwensya ng Amerika at Russia
    • Demokrasya: Timog Korea, Taiwan, Timog Vietnam
    • Komunismo: Hilagang Korea, People's Republic of China, Hilagang Vietnam
  • Naunahan ng USSR ang USA sa pagpapadala ng sasakyang pangkalawakan
  • Una ring nagpadala ng tao sa kalawakan ang USSR. Si Yuri Gagarin ang unang cosmonaut na lumigid sa mundo
  • Naabutan at nahigitan pa ng USA ang USSR nang nakaikot sa mundo nang tatlong beses noong 1962 si John Glenn Jr. sa sasakyang Friendship 7
  • Ipinadala nito si Allan B. Shepard Jr. ang kauna-unahang Amerikanong astronaut na nakarating sa kalawakan
  • Sinundan pa ng matagumpay na misyon noong Hulyo 20, 1969 nang unang makatapak sa buwan ang mga Amerikanong astronauts na sina Michael Collins, Neil Armstrong, at Edwin Aldrin
  • Naunahan din ng USA ang USSR sa paggamit ng puwersang atomika
  • ng
    1. nagpadala
    2. tao
    3. sa
    4. kalawakan
  • Yuri Gagarin
    Ang unang cosmonaut na lumigid sa mundo, sakay ng Vostok I noong 1961
  • Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA
    Naabutan at nahigitan pa ng USA ang USSR nang nakaikot sa mundo nang tatlong beses noong 1962 si John Glenn Jr. sa sasakyang Friendship 7
  • Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA
    Ipinadala nito si Allan B. Shepard Jr. ang kauna-unahang Amerikanong astronaut na nakarating sa kalawakan
  • Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA
    Sinundan pa ng matagumpay na misyon noong Hulyo 20, 1969 nang unang makatapak sa buwan ang mga Amerikanong astronauts na sina Michael Collins, Neil Armstrong, at Edwin Aldrin
  • Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA
    Naunahan din ng USA ang USSR sa paggamit ng puwersang atomika. Nakagawa ito ng unang submarino na pinatatakbo ng puwersang nukleyar, ang USS Nautilus
  • Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA
    Hindi lamang sa gamit pandigma ginagamit ng USA ang lakas atomika kundi pati sa panahon ng kapayapaan. Ginagamit ito sa medisina, agrikultura, transportasyon, at komunikasyon
  • Kompetisyon sa Kalawakan ng USSR at USA
    Noong ika-10 ng Hulyo, 1962, pinalipad sa kalawakan ang Telstar, isang pang-komunikasyong satellite. Sa pamamagitan nito, maaari nang makatanggap ng tawag sa telepono at makakita ng palabas sa telebisyon mula sa ibang bansa
  • Mabuting Epekto ng Cold War
    • Nagpasikat ang Estados Unidos at Unyong Sobyet sa pagpapalaganap ng kanilang ideolohiya
    • Tiniyak ng Estados Unidos na maayos ang takbo ng ekonomiya ng pandaigdigang sistemang kapitalista
  • Mabuting Epekto ng Cold War
    1. Binuo ang International Monetary Fund (IMF) upang ayusin ang daloy ng malayang kalakalan sa mundo
    2. Pagsubaybay sa pandaigdigang ekonomiya at ng mga kasaping bansa nito
    3. Pagpapautang sa mga bansa na may suliranin sa panlabas na transaksyon (balance of payments difficulties)
    4. Pagbibigay ng tulong teknikal sa mga kasapi nito
  • Mabuting Epekto ng Cold War

    Inayos ang International Bank for Rehabilitation and Reconstruction (IBRR) o World Bank upang tumulong sa gawaing rehabilitasyon at rekonstruksyon
  • Mabuting Epekto ng Cold War
    Hiniling ni Nikita Khrushchev ang Peaceful Coexistence o "Mapayapang Pakikipamuhay" sa halip na pakikipaglaban sa digmaan
  • Mabuting Epekto ng Cold War

    1. Isinulong ni Mikhail Gorbachev ang glasnost o pagiging bukas ng: pamunuan sa pamayanan, kalayaang mamili ng relihiyon at kalayaan sa pagpapabatid ng saloobin
    2. perestroika o pagbabago ng pangangasiwa sa ekonomiya at pagsulong ng malayang kalakalan
  • Mabuting Epekto ng Cold War
    Nagkasundo sina Gorbachev ng Unyong Sobyet at Ronald Reagan ng Amerika na tapusin na ang Arms Race upang maituon ang badyet sa ekonomiya
  • Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War

    • Umigting ang di pagkakaunawaan sa pampulitika, pangmilitar, at kalakalan ng mga bansa
    • Bumaba ang moral ng mga manggagawa ng Unyong Sobyet na nagdulot ng malaking suliraning pang-ekonomiya
  • Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War
    • Pilit iginigiit ng dalawang pwersa ang kanilang pamamalakad kaya't nawalan ng tunay na pagkakaisa
  • Mga Di-Mabuting Epekto ng Cold War
    • May banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan tulad ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o Warsaw Pact, at ikatlong pwersa o kilusang nonaligned