Ap Q4

Subdecks (1)

Cards (35)

  • Rebolusyong Industriyal
    Ito ang panahon na kung saan ang mga tao ay nagpasimula ng gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksiyon
  • Rebolusyong Industriyal
    Isang transisyonal na yugto, mula 1760 hanggang 1840, sa Europa at Amerika na nagdulot ng pagbabago sa mga proseso ng paggawa, mula sa pagbuo ng mga produkto sa pamamagitan ng kamay papunta sa paggamit ng makinarya at awtomisasyon
  • Rebolusyong Industriyal

    Ito ay isang mahaba at mabagal na proseso kung saan ang paraan ng produksiyon ay nalipat mula sa simpleng ginagamitan ng kamay tungo sa paggamit ng mga komplikadong makinarya
  • DAHILAN NG PAGSISIMULA NG REBOLUSYONG INDUSTRIYAL SA GREAT BRITAIN
    • Likas na Yaman
    • Pamahalaan
    • Yamang Tao
    • Pamilihan
    • kinalalagyan
    • Bagong Teknolohiya
  • FLYING SHUTTLE- John Kay

    Nagpabilis sa pag-ikid o pagrolyo ng sinulid nang doble sa maaaring gawin ng isang tao sa isang araw
  • COTTON GIN- Eli Whitney
    Ginamit para sa madaliang paghihiwalay ng buto ng bulak sa hibla nito
  • TELEGRAPH - Samuel FB Morse
    Kalipunan ng mga hudyat na may mga gitling at tuldok na ginagamit pakikipag-ugnayan. Nagpaunlad sa sistema ng komunikasyon
  • WATER FRAME- Richard Arkwright 

    Paggamit ng tubig o water power na nagmumula sa mabilis na agos ng tubig sa pagpapatakbo ng spinning wheel upang mapabilis ang paggawa ng tela
  • SPINNING MULE- Samuel Crompton

    Makinang nakabubuo ng mas matibay, pino at dekalidad na mga sinulid
  • POWER LOOM- Edmund Cartwright
    Makinang higit pang pinabilis ang paghahabi ng tela
  • STEAM BOAT- Robert Fulton 

    Sasakyang pangdagat na may malalaking gulong na sumasagwan at pinaandar ng steam engine
  • EROPLANO- Wright brothers (Wilbur at Orville)

    Sasakyang panghimpapawid. Ang sumusunod na disenyo ay naging malaking tulong sa transportasyon, komersyo at digmaan
  • STEAM ENGINE - James Watt
    • Makinang ginagamit upang madagdagan ang suplay ng enerhiya sa mga pabrika
  • SEED DRILL- Jethro Tull 

    Ang mga binhi ay itinatanim nang nakahilera sa halip na ang maaksayang pagsasaboy nito nang nakakalat
  • SPINNING JENNY - James Hargeaves
    • Kayang maghabi o magrolyo ang isang tao gamit ang walong sinulid