Filipino

Cards (16)

  • Simoun — Isang
    napakayamang mag-aalahas
    at kalbigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral. Makapangyarihan siya kay iginagalang at pinangingilagan ng mga Indio at maging ng mga prayle. Nais niyang udyukan ang damdamin ng mga makabayang Pilipino sa palihim at tahimik niyang paghahasik ng rebolusyon, linisin ang bayan, at lipulin ang lahat ng masasama kahit siya ay inuusig ng kanyang budhi sa paraang kanyang ginagawa.
  • Kapitan-Heneral - Hinirang siya ng Espanya bilang
    pinakamataas ha pinunò ng pamahalaan. Sinasabi niyang kailangang pagbutihin ang kanyang tungkulin
    at gawain. Nais niyang magpakita ng kasipagan at pagpapahalaga sa oras kaya ginagawa niya ang importanteng pagpapasiya habang naglilibang at sa
    pagmamadali. Larawan siya ng pinunong pabigla-
    biglang humatol. Hindi niya alintana ang kapakanan ng kanyang pinamumunuan. Salungat siya lagi sa pasiya
    ng Mataas na Kawani.
  • Mataas na Kawani -Siya ay isang Kastila at mataas na kawani ng pamahalaan na kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may paninindigan, at may kapanagutan. Siya ay may mabuting kalooban para sa Kapakanan ng mga makabagong mag-aaral na nagsusulong ng pagtuturo ng wikang Kastila. Lagi siyang salungat kapag hindi pinag-isipan at di mabuti o di pinag-aralang masusi ang panukala ng mga opisyal at kawani. Maging ang pasiya ng Kapitan-Heneral ay kanyang tinutuligsa kapag ito ay hindi marapat at mabuti. Siya ay mapanuri at makatarungan.
  • Padre Florentino - Isang mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino si Padre Tolentino kahit pinilit lamang siya ng inang maging lingkod ng Diyos dahil sa kanyang panata. Siya ang kumupkop sa pamangking si
    Isagani nang maulila sa magulang.
  • Padre Bernardo Salvi -Isang paring Pransiskano na pinakikinggan at iginagalang ng iba pa niyang kasamahang prayle. Siya ay mapag-isip. Umibig siya nang lubos kay Maria Clara at kompesor ng dalagang ito ni Kapitan Tiago.
  • Padre Hernando Sibyla -Isang matikas at matalinong paring Dominiko. Siya ang Vice-Rector ng Unibersidad ng Santo Fomas. Salungat siya sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng wikang Kastila ang mga mag-aaral.
  • Padre Irene - Isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong iginagalang ni Padre Camorra. Siya ang nilapitan ng mga mag-aaral upang mamagitan at
    maipasa ang panukalang magkaroon ng akadenlya sa pagtuturo ng wikang Kastila ang mga estudyante.
    Naging tagaganap siya ng huling habilin ng kaibigang
    si Kapitan Tiago.
  • Padre Fernandez -Isang paring Dominiko na bukás
    ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon ng mga mag-aaral. Sang-ayon siya sa adhikain ng mga makabagong estudyante sa pag-aaral ng wikang Kastila. Hindi siya nalulugod sa tiwaling gawain ng mga pinunò at kawani
    ng pamahalaan at ng kapwa niya prayle.
  • Padre Camorra - Isang batang paring Pransiskano na mahilig makipagtungayaw kay Ben Zayb sa kung ano-anong mga bagay na maibigan. Siya ang kura ng
    Tiani. Wala siyang galang sa mga kababaihan lalo na sa magagandang dilag:
  • Padre Millon - Isang paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika. Mabuti siyang pilosopo at bantog siya sa husay sa pakikipagtalo subalit hindi niya lubusang maiparanas o maituro nang mahusay ang aralin sa mga mag-aaral. Makikita sa kanya ang maling sistema ng edukasyon sa bansa noon.
  • Telesforo Juan de Dios -Kilalá rin bilang si Kabesang Tales, ang napakasipag na magsasaka na dating kasamá ng mayamang may lupain. Umunlad siya dahil mahusay niyang ginamit ang kinitang pera.
    Pinili siyang maging Kabesa ng Barangay ng kanyang mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging
    mabuting tao.
  • Juliana o Juli -Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya.
    Tunay siyang mapagmahal sa pamilya. Tapat at marunong din siyang maghintay sa katipang si Basilio.
  • Tata Selo -Ang kumalinga sa batang si. Basilio sa gubat nang tumakas sa guwardiya sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales.
    Mapagmahal na lolo siya nina Juli at Tano. Tiniis niya ang matinding kasawian at pighating mga mahal niya sa buhay.
  • Tano/Carolino -Anak ni Kabesang Tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo. Nawala nang matagal na panahon at nang magbalik ay siyang naging dahilan ng kasawian ng mahal niya sa buhay.
  • Basilio -Nalampasan niya ang hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiago. Nagpunyagi siya sa pag-aaral. Nilunok niya ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at ng mga guro dahil sa kanyang anyo at kalagayan sa buhay. Nagtagumpay siya at nakapanggamot agad kahit hindi pa natatanggap ang diploma ng pagtatapos.
  • Isagani - Isang malalim na makata o manunugma.
    Mahusay siyang makipagtalo. Matapang siya sa pagpapahayag ng kanyang pinaniniwalaan kaninuman.
    Matuwid siya at ayaw sa likong paraan sa pagkakamit ng adhikain. Pamangkin siya ng butihing si Padre Florentino.